3RD PERSON'S POV
Ang lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan.
Nangyayari ang lahat sa panahong hindi natin inaasahan, hindi dahil sa ating kagustuhan at hindi dahil sa plano natin.
Nang araw na iyon, ginabi ng uwi sina James at Olivia. Wala pa rin si Noah. Wala pa rin si Donna.
"Tamang tama... umaayon talaga ang pagkakataon sa akin"
Matagal ng bumubusina si Lauren sa harap ng gate ng Villa Madrigal.
"Mga bingi ba ang nakatira dito at hindi yata nila naririnig ang busina ko"
Nagtatakbo sa harapan si Samuel. Sinino muna kung nasa loob ng sasakyan. Napakunot ang noo nito ng makita si Lauren.
"Kuya Samuel, buksan mo naman ang pinto. Dadalawin ko lang si Lola Natalia"
"Ah sige po..."
"Baliw, wala akong balak dalawin si Lola Natalia. May pasasabugin lang akong bomba sa kanya para tumigil na sina Donna at Noah sa kahibangan nilang dalawa."
Tila nagdiriwang pa ang kalooban ng dalaga dahil nakikini-kinita na niya ang tagumpay ng kanyang mga plano.
Pumasok ang dalaga sa loob ng mansion. Nakita siya ni Emily at inismiran niya ang kasambahay.
Itinawag niya ito agad kay Olivia.
"Ma'am Olivia, nandito po sa mansion si Ma'am Lauren ... nasa loob na po siya ng kuwarto ni Lola Natalia"
Kinabahan si Olivia. Mukhang alam niya ang pakay ng dalaga.
"Good evening Lola Natalia"
"Good evening iha. Napadalaw ka"
"Kumusta na po kayo?"
"Heto mabuti-buti na rin ang pakiramdam...Wala si Noah dito"
"Si Lola naman, may asawa na si Noah kaya hindi naman po yata maganda na dumikit-dikit pa ako sa kanya"
"Talaga! E bakit ka nandito?"
"Kasi may sasabihin akong sikreto nung dalawa"
"Sikreto? Anong sikreto?"
"Hindi po ba kayo nagtataka kumbakit hanggang ngayon ay hindi pa nabubuntis si Donna. Matagal na po silang kasal ni Noah di ba?"
"Oo nga e, nag-aalala nga ako sa dalawa kasi hindi ko na yata mahihintay ang apo ko sa tuhod"
"Alam po ba ninyo kumbakit?"
"Teka, paano mo nalaman?"
"Lola kasi, niloloko ka lang nung dalawa. Ang totoo niyan, ikinasal sila dahil sa mana na makukuha ni Noah sa iyo kapag namatay ka"
"Huh!"
"Nagpapanggap lang silang mag-asawa"
"Lauren, itigil mo yan!" Sigaw ni Donna. Nanginginig si Donna sa narinig. Hindi niya inaasahang magagawa iyon ni Lauren sa matanda. Lumapit siya kay Lola Natalia. Niyakap niya ito at halos takpan ang tenga ng matanda upang hindi nito marinig ang anumang paninirang sasabihin niya.
"Lola, makinig po muna kayo sa akin. Magpapaliwanag po ako" Ngunit nakatingin lang sa kanya si Lola Natalia.
"Hayan, Lola Natalia. Nandyan na si Donna baka gusto mo siyang tanungin?"
"Tumigil ka!" Sinampal ni Donna si Lauren. Tumulo ang luha nito sa harap ng matanda.
Dumating din si Noah.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...