BACK TO NORMAL 2

1.6K 32 0
                                    

Masayang sumalubong ang kambal.

Masaya rin sina Olivia at James sa pagkakataong ito ng salubungin nila ang mag-asawa.

"I missed my babies"

"We missed you too, Mommy, Daddy"

"Did you behave, Donovan?" Hindi umimik ang batang lalaki.

"Mommy, Donovan always fight with me"

"Hay naku, wala na silang ginawa kundi mag-away. Magkaiba na nga sila ng laruan, nag-aaway pa"

"Baka naman po, pinagod ninyo ang sarili ninyo Mama."

"Hindi naman, iha. Nandyan naman si Krisna"

"Kumusta ang mga bagong honeymoon?"

"Expecting to have a honeymoon baby?"

"Talaga..."

"Ikaw, Noah kung anu-ano na naman yang lumalabas sa bibig mo"

"Get real, Donna. How could you deny things? Expect thing to happened, ano ka ba?"

"Ewan ko sa'yo"

Tahimik na kumain ng hapunan ang mag-anak.

Lahat at naupo sa sala habang nasa loob ng kuwarto ang kambal.

"So, ano ang plano ninyong dalawa?"

Nagkatinginan sina Noah at Donna.

"Mama, Papa, okay lang po ba kung bubukod kami nina Noah?"

Sinamantala na ni Donna ang pagkakataon na sabihin ang balak kahit hindi pa nila natapos pag-usapang mag-asawa ang isyu ng kanilang paglipat.

"Bakit? Ayaw ba ninyo dito?"

"Hindi naman po sa ganun..."

"Malaki naman ang mansion para sa aking lahat. Bakit kailangan pa ninyong lumipat?"

"Mama... Papa..."

"Mama, Papa, pasensiya na po kayo. Mag-uusap po muna kami ni Donna" Hinila ni Noah ang asawa. Halos kaladkarin niya ito paakyat ng ikalawang palapag.

Ibinalibag ni Noah ang pinto at patuloy na nagtitimpi kay Donna. Nakatingin lang ang babae sa kanya.

"Bakit kailangan mong sabihin kaagad iyon kina Mama at Papa?"

"Ayaw mo kasing magsalita..."

"Dahil hindi pa natin natatapos ang isyung yan. Makinig ka sa akin..."

"Okay, pag-usapan natin ngayon..."

"Hindi natin puwedeng pag-usapan ang ganito kaseryosong bagay lalo na kung pareho tayong mainit ang ulo"

"Bakit ba ayaw mo dito?"

"Hindi ko sinabing ayaw ko dito. Ang sabi ko, bumukod tayo ng tirahan, yun lang"

"Bakit nga?"

"Gusto ko lang na maranasan natin ang buhay na tayo lang ang nakadepende sa isa't isa. Tayo ang mag-iisip kung paano patatakbuhin ang ating pamilya. Tayo ang magtatrabaho, gagastos at lahat."

"Hindi ba natin magagawa iyon habang nandito tayo? Walang aalis dito... Dito lang tayo, tapos ang usapan..."

"Noah..."

Napabuntunghininga si Donna.

Alam niyang ganito talaga ang buhay ng mag-asawa.

Hindi magiging madali.

Lahat ay isa-isa nilang pagdadaanang muli sa umpisa.

Mas magiging komplikado pa ito kesa dati.

Walang imikan ang dalawa.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon