WELCOMING THE BRIDE

1.9K 46 1
                                    

3RD PERSON'S POV

Pumasok ang bridal car sa loob ng Villa Madrigal.

Tuwang tuwang pinagmasdan ng mga kasambahay si Donna.

Hanga sila sa suwerteng nangyari sa dalaga.


"Grabe, ang suwerte ni Donna..."

"Nakapangasawa ng mayaman kahit caregiver lang"

"Saan kaya ako makakahanap ng mayaman na puwede kong mapangasawa?"

"Naku, malabo..."

"Hay, napakasuwerte talaga niya."

"Mas masuwerte si Sir kasi mabait si Donna"

"Tama ka dyan"

Sabay tawa ng dalang kasambahay at sila lang ang nagkaintindihan sa kanilang pinag-uusapan.

Kilala nila si Noah lalo na ang ugali nito.

Mabait, oo.

Pero minsan, may topak din tulad ni Donna.

Sumpungin din.

Mala-fairytale ang naiisip nila tulad ng buhay ni Cinderella ngunit hindi nila alam ang bigat na kapalit nito.

Iniakyat niya si Donna sa ikalawang palapag.

Dahan-dahan naman siyang ibinaba.

Lalabas sana ito at pupunta sa kabilang kuwarto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Noah at hinila niya si Donna.

"Doon sa kuwarto ko"

"Mamaya ka na lumabas, nandiyan pa sina Lola sa baba"

Naupo si Donna.

May poise pa itong naupo habang suot ang gown.

Sumalumbaba sa sopa.

"Hay, nakakapagod" Isinubsob ni Donna ang mukha sa sopa habang nakasuot pa ng gown. Napagod siya kahit kasal-kasalan pa iyon.

Nasa loob ng banyo si Noah at nagbihis ng pang-alis.

"Paano ang buhay ko pagkatapos ng kasal-kasalang ito? Baka naman kapalit ng magarbong pagkukunwari na ito ang sanlaksang problema sa hinaharap... Diyos ko, tulungan po ninyo ako"

Nasambit na lang ni Donna. Alam niyang may kapalit ang lahat.

"Bakit? Ano na naman ang iniisip mo?"

"Wala naman..."

Maagang pinagpahinga si Lola Natalia kaya malayang nakabalik si Donna sa sarili niyang kuwarto .

Nagbihis muna ito ng pantulog at saka bumaba.

Pumasok siya sa kuwarto ng matanda.

Inayos nito ang kanyang kumot.

Tinitigan ang matanda at saka dinampian ito ng halik.

Napaupo siya sa tabi nito at sumubsob sa kama.

Humikbi ito ng tahimik.

Naramdaman na lang niya ang kamay sa kanyang likuran.

"Donna, umakyat ka na. Doon ka na matulog sa kuwarto mo". Magpahinga ka na. Mukhang pagod na pagod ka na" Sabi ni Olivia.

"Ma'am Olivia, pasensiya na po" Tumayo ang dalawa.

"Mama na ang itawag mo sa akin" Saka ako niyakap ng babae.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon