Hindi natapos ang bangayan ng dalawang puso na hindi marunong umamin sa kanilang mga nararamdaman.
Mas pinili ni Donna na sikilin ang damdamin kaysa masaktan habang alam nitong kahati niya sa puso ni Noah si Lauren.
Si Lauren na ibang iba sa kanya.
Saglit lang si Noah at bumalik ito sa opisina matapos ihatid si Donna sa mansion.
Nagkayayaan ng inuman ang mga lalaki.
"Call... Sagot ko"
Saka niya binaba ang telepono. Pinuntahan si Donna sa kabilang kuwarto.
"Aalis muna ako"
"E di umalis ka... Kailangan mo pa bang magpaalam sa akin?"
"Hay naku...Talaga naman..."
Sa Platinum Bar...
"Sir, kanta muna bago kayo magpakalasing dyan"
Pinagbigyan ng binata ang mga lalaki.
Maganda ang boses nito kaya napapalakpak ang mga lalaki sa tuwa.
"May ibubuga pala ang boses ni Sir pero kanina mukhang pipi sa harap ni Mam Donna"
"Anghirap talagang tantyahin ng mga babae kapag magkaaway kayo" Sabi ni Noah.
Mukhang lasing na ito kaya nagsimula nang dumaldal at maglabas ng sama ng loob.
"Sinabi mo pa Sir... Sala sa init, sala sa lamig" Sabi naman ni Daniel.
"Magkaaway po ba kayo Sir?" Tanong ni Anthony.
"Sort of..." Sabi ni Noah.
Napansin ni Noah na busy si Matthew sa kati-text...
"Naku, Ma'am. Nagyayang uminom si Sir Noah"Text nito sa dalaga.
"Heto mukhang masama ang loob"
"Sige po. Iti-text ko na lang po kayo"
Halos hindi makagulapay si Noah sa sobrang kalasingan.
Kung anu-ano na ang pinagsasabi nito.
Si Samuel ang nagdrive ng kotse ni Noah.
Samantalang sakay naman ng isang kotse si Donna at Noah, si Miguel na ang nagdrive ng kotse.
"Ingat po kayo, Ma'am.."
"Matthew, salamat ha!"
"Wala pong problema, Ma'am..."
"Aaahhh, Donna. Mahal kong Donna" Sabi ni Noah habang lasing ito at akay ni Miguel papasok ng kotse.
"Iinum-inom ng sobrang dami tapos...Grrr! Nakakainis ka talaga!"
Yakap siya ni Noah sa sobrang kalasingan sa loob ng kotse.
Kung anu-anong kakulitan ang ginagawa nito.
Todo iwas naman ang ginawa ni Donna dahil nakikita sila ni Miguel sa rearview mirror.
Pinupog ng halik ni Noah ang dalaga habang nasa likod ito ng kotse.
Gumapang ang kamay nito sa hita ng dalaga kaya sigaw ito ng sigaw sa loob ng sasakyan. Inumangan ni Donna ng kamao si Miguel dahil halos mataranta ang driver sa kanyang nakikita.
"Isa ka pa, Miguel. Ayusin mo ang pagda-drive. Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo" Pagbabanta ni Donna ng mapansing sa backseat nakatingin ang driver.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...