WINNING DONNA

1.7K 38 0
                                    

NOAH'S POV

Paano ba paamuhin ang isang tigre?

Paano mo pahuhumapain ang nagngangalit na alon?

Mukhang imposible...

Mukhang mahihirapan ako kay Donna.

Hindi ko siya puwedeng idaan sa kama na tulad ni Lauren.

Hanggang halik at hipo nga lang ang kaya kong gawin.

Ni hindi ko man lang siya... Aaaahhhh!

Para akong babalik sa pagiging tinedyer na basic na ang flowers and chocolates...

Puwedeng subukan.

Pag hindi umubra, isip na naman ulit ng panibago...


Maagang umuwi si Noah.

Dumaan ito sa flowershop para bumili ng bouquet ng bulaklak para sa dalaga.

Nasa bakuran si Donna at kinakausap si Lola Natalia.

Pagkakataon niya iyon para ilagay ang mga bulaklak sa ibabaw ng kanyang study table.

Pumasok na rin sina Donna.

"Lola, pasok na tayo. Baka po kayo mahamugan"

"Hmm, kotse ni Noah ito ah!"

"Mukhang maaga po siyang umuwi"

"Hala, sige at umakyat ka muna..."

Umakyat si Donna pero hindi para kumustahin si Noah.

Kinuha niya ang kanyang gamit sa kuwarto ng binata.

Paglapit niya, nakita ni Donna ang pumpon ng pulang rosas sa ibabaw ng mesa.

Kinuha ang card, "I am so sorry... Please forgive me" ang nakalagay.

"Matapos mo akong patayin sa takot... So-sorry-sorry ka ngayon..." iniwan niya ang mga bulaklak doon.

Galing ng banyo ang binata.

Nag-shower ito at nagbihis ng damit.

Nakita siya ni Noah.

Ngumiti ito pero hindi siya pinansin ng dalaga at tuloy-tuloy itong lumabas ng kuwarto.

Hinawakan siya ng binata sa braso ngunit mabillis niya itong tinapig.

Alam niyang sa kabilang kuwarto ito matutulog.

Nakita niyang bumaba si Donna dala ang kanyang libro.

Dumiretso ito sa kuwarto ng matanda.

Tinulungan muna si Mia atsaka pinauwi na ang dalaga.

"Ms. Donna, uuwi na ako"

"Sige, ingat ka. "

"Maaga na lang ulit ako bukas"

"Bye"

Pumasok si Noah sa kuwarto ni Lola Natalia.

Nang maupo ito sa kabilang gilid, nagtama ang paningin nila ni Donna.

Muling tumayo ang dalaga atsaka lumabas.

Lahat talaga ng iwas ay ginawa niya.

Hindi siya sumabay na naghapunan.

Narinig niya ang katok ni Emily ngunit hindi niya pinagbuksan ng pinto ang kasambahay.

Napabuntunghininga na lang siya.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon