Walang kalaban-laban si Donna sa mga pangyayari.
Hindi niya nagawang labanan ang ginawa nina Lauren at Noah.
Ngayon, alam na niya na hindi kayang hiwalayan ng binata si Lauren kaya lalo siyang umiyak.
Kasama ng luha na iyon ang panghihinayang...
Sa opisina....
Hindi siya tinantanan ng ina sa kami-miscol para makausap si Noah pero umiwas ang binata dahil alam na niya ang magiging resulta nito.
Ramdam niya ang galit ng ina.
Hindi ito mag-aaksaya ng panahong tawagan siya kung hindi ito ganun kaimportante.
Alam niyang tungkol kay Donna ang pakay nito.
Nahalata niyang hindi rin siya pinapansin ni Matthew.
Mukhang nakakuha ng kakampi si Donna.
"Matthew...."
Tinawag niya si Matthew pero hindi siya pinansin ng binata.
Hindi rin ito pumupunta kanyang opisina kaya kailangan niyang puntahan ito.
Kapag nakita na siya ni Matthew, aalis ito o di kaya ay kakausapin ang iba pa nilang katrabaho.
Pero ang mas nakakabigla ng dumating si Hailey...
Si Matthew ang kausap ng dalaga.
Nakita iyon ni Noah sa glass window niya.
Nakita niyang papasok ang dalaga sa kanyang opisina .
Hindi niya ito narinig na kumatok.
"Are you Noah?"
"Yes..."
Malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Noah.
Hindi niya inasahang ganun kabilis ang kamay ng dalaga.
"Wait... Who are you to just barge in and....?"
"If I had only know that you will just hurt Donna the way you did, sana sinabi ko sa kanya na huwag siyang magtiwala sa iyo at huwag pumayag sa kasal-kasalan ninyo"
Malakas ang pagkakasabi ni Hailey.
Mabuti at silang tatlo lang nina Noah at Matthew ang nandoon.
"Paano mo nagawa kay Donna ang ganoong klaseng pang-aalipusta? Akala mo ba nabili mo na rin siya? Angkapal ng mukha mo!"
Sasampalin pa sana ulit siya ni Hailey ngunit pinigilan siya ni Matthew.
"Miss, tama na"
Namukhaan niya ang babae...
Siya ang bride's maid ni Donna...
Kaya pala nanggagalaiti ito sa galit.
"Hindi pa ako tapos sa'yo , Noah"
"Hindi ko palalampasin ang ginawa mo"
Sigaw ni Hailey.
Hawak ni Noah ang pisngi nito at umupo.
Napayuko siya sa sakit ng pisngi niya.
Talagang ibinuhos ni Hailey ang pagkakasampal niya.
Halatang galit na galit.
NOAH'S POV
Ngayon ko napatunayang maraming nagmamahal kay Donna.
Dahil mahal nila si Donna, nasaktan din sila.
Dahil doon, galit sila sa akin.
Paano ko siya nagawang saktan ng ganun-ganun lang?
Ako pa naman ang inaasahang magtatanggol sa kanya at unang magmamahal sa kanya tapos ng dahil lang sa walang basehang sumbong ni Lauren, nasaktan ko siya.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...