FIRST DAY

1.7K 39 0
                                    

First day of school ni Donna kaya maaga itong naghanda ng sarili.

Bumaba siyang suot ang kanyang puting uniporme.

Kasunod niya si Emily, dala-dala ang kanyang gamit at iniabot ito kay Miguel.

Wala si Noah kaya si Miguel lang ang maghahatid sa kanya.

Dumiretso siya sa hapag-kainan habang nagsisimula ng kumain ang lahat maliban kay Noah.

"Hi, Lola Natalia. How do you feel right now?" Masayang bati ni Donna. Naupo ito sa tabi ng matanda at inalalayan ito sa pagkain.

"Hmm, okay lang ako, Iha... Mukhang ilang araw ko nang hindi napapansin na umuuwi si Noah"

"Busy po siya sa work, Lola. Hayaan na ninyo"

Pinanindigan niyang pagtakpan si Noah para hindi makahalata ang matanda na wala siyang kaalam-alam kung nasaan ang asawa.

"Tawagan mo nga...Kakausapin ko" Naubo si Donna.

Hindi kasi niya ugaling tawagan si Noah para kumustahin ito.

Pinindot ang numero ng cellphone ng binata, kahit paano ay mayroon siya.

Samantala sa condo, nakababad pa sa kama ang binata.

"Noah, kanina pang tumutunog ang cellphone mo" Sabi ni Lauren sa tabi niya.

"Hmmm..." Kinapa ang cellphone sa drawer.

Kilala ni Noah ang boses na iyon.

Pero ipinasa niya kaagad iyon kay Lola Natalia.

Napabalikwas ng gising si Noah.

"Yes, Lola. Good morning..."

"Okay lang po ako"

"Sige po, dadaan po ako sa inyo mamaya"

"Sige po kakausapin ko" Iniabot kay Donna ang telepono ngunit narinig na lang ni Noah ang pagkaputol ng linya.

Napatitig sa kanya si Lauren.

"O, bakit daw?"

"Kinumusta lang ako ni Lola dahil matagal na daw niya akong hindi nakikita sa mansion. Sabi ko, dadaan ako sa kanya mamayang hapon"

Bigla niyang naalala si Donna.

Gusto niyang itaon na wala doon ang dalaga para kahit paano ay makaiwas din ito.

Samantala sa university....

Seryoso si Donna ng sabihin nitong mag-aaral siya ng Nursing.

Medyo naiilang siya dahil mas bata ang mga kaklase niya.

Hindi naman halata sa hitsura niya na malaki ang agwat nila .

Mukha namang wala pa rin siyang asawa kaya inilihim niya ito sa mga kaklase niya.

Dito niya nakilala sina Barbhie, Gracey at Jem.

"Hi. You 're Donna Bell, right?" Sabi ni Bharbie at nakipagkamay.

"Yes, and you're...?" Tanong ni Donna.

"I am Barbara Cuevas. Just call me Bharbie" Maarte ang pagkakasabi nito.

Natawa naman si Donna.

Alam niyang ganun talaga ang mga kabataan ngayon.

Kahit may generation gap sila, wala namang problema kung makipagkaibigan siya sa mga ito.

"Heto si Grace Anne Carvajal and Jemima Garcia" Kumaway ang dalawang dalaga.

"Gracey na lang ang itawag mo sa akin" Kinuha niya ang kamay ni Donna at nakipagkamay.

"Jem na lang ..." Nakipagkamay si Jemima sa dalaga.

Magkakatabi sila sa classroom. Magkakasabay tuwing kakain at sabay-sabay din sa lahat ng gawain sa loob at labas ng klase.

"May boyfriend ka na ba, Donna? " Tanong ni Honey.

"Ha,a,e. Bakit mo naman naitanong?" Tanong ni Donna.

"Hindi ba nakapagtataka kong meroon?" Sabat ni Gracey.

"Si Donna pa ba ang mawawalan. Sa ganda niyang yan? Ano bang klaseng tanong yan Bharbie?" Sabi ni Honey.

"Buti ka pa, meroon na. Ako kasi wala pa" Napamulagat ang tatlo sa kaklase.

"WHAT?" Gulat at sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Tumango lang ang dalaga at yumuko ito.

"Ano ka ba? Aral muna bago ang boyfriend" Napatingin sina Gracey at Honey kay Donna.

"Sa ganda mong yan, makakahanap ka dito. Angdami kayang cute dito sa campus, pero don't forget... Books before boys muna girl. " Sabi ng babae habang nakaakbay ito sa bagong kaibigan.

"Donnabell naman e...." Nagmaktol ito na parang bata.

"Sino ba kina Phil, Donald at Denver ang tatargetin natin para sa iyo?"

Tanong ni Donna habang nakatingin sa lugar ng mga kaklaseng binata.

Tumingin din sina Honey at Gracey.

Nakipili din ang mga dalaga.

"I guess, Denver is the right match for you?" Sabi ni Honey.

"That's right, Bharbie. I guess you have similarities; the eyes and nose and lips..." Sabi naman ni Gracey.

"Sige, Denver is the man..."

Pagkatapos ng klase sa hapon, hindi na siya sumama sa mga kaklase sa library.

Nagmadali na itong umuwi sa mansion.

Nilapitan siya ni Miguel para kunin ang kanyang mga gamit at inalalayan itong makasakay sa kotse.

Nakita iyon ng mga kaklseng babae sa di kalayuan.

"Siguro, mayaman si Donna..." –Bharbie.

"Hatid-sundo ng kotse at Ma'am Donna ang tawag sa kanya nung lalaki"- Honey.

"Halata mong seryosong mag-aral at mabait na estudyante..."- Gracey.

"Tingnan mo, tuwing uwian...uuwi kaagad"

"Oo nga..."

"Masyado siyang tahimik..."

"Pero sa tingin ko naman, mabait si Donna"

Abala ito sa pag-aaral habang hindi niya napansin na madalang nang umuwi si Noah sa mansion.

Wala silang pakialamanan sa mga personal nilang buhay.

Hindi kailangang magpaalam ng sinuman sa kanila kung mayroong desisyong gagawin ang isa. Hawak mo ang sarili mong buntot kumbaga.

Sa harap lang ni Lola Natalia sila nagkukunwaring magkasundo at maayos ang relasyon bilang tunay na mag-asawa.

Pero wala siyang karapatang magreklamo o mag-demand ng oras at panahon sa isa't isa.

Hindi iyon kasama sa kontrata.

Nadaanan ni Donna si Olivia sa sala. Lumapit ito at humalik sa babae.

"Hi, Mama..."

"Hello, Iha. Kumusta?"

"Just tired... Nakakatuwa ang mga kaklase ko...Masaya naman po silang kasama."

Sumandal ang dalaga sa upuan at pumikit.

"Ma..."

"Hmmm, bakit?"

Hindi na lang nagtanong si Donna. 

Baka naman bigyan pa iyon ng kahulugan ni Olivia. 

Nahihiya din ito. 

Baka sabihin ng babae na hindi ito marunong tumupad sa kasunduan.

"Aakyat po muna ako"

Umakyat si Donna sa hagdan . Nasulyapan ang nakasaradong pinto ni Noah.

Mukhang na-miss na niya ang binata.

Tahimik itong pumasok sa kanyang kuwarto.


MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon