FACE TO FACE

1.5K 37 0
                                    

Paglabas ng pinto, nagulat si Donna.

Nandoon si Niccolo.

"Totoo nga talaga na nagpakasal ka dito sa lalaking ito?"

"Teka, sino ba itong ang aga-aga e gumagawa ng eksena dito sa bakuran namin?"

"Samuel, sino ang nagpapasok sa lalaking ito?"

" E sir ako po. Nagpupumilit po siya dahil gusto po niyang makausap si Ms. Donna"

"Di ba kabilin-bilin ko, huwag kayong nagpapapasok ng kung sinu-sino dito"

"Oo nga po. e nagpumilit po siya, Sir. Pasensya na po"

"Noah, ano ba? " Awat ni Donna.

"Pasensya na Niccolo, mali-late na kasi ako sa klase ko. Mahalaga ang exam na kukunin ko."

"Noah, ihatid mo na ako" nagmadali si Donna na sumakay sa loob ng kotse.

Hindi na kumibo si Niccolo, alam niyang wrong timing ang pagpunta niya.

Sa loob ng kotse ,tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Sige..." Ibinaba niya agad ang tawag na iyon matapos niyang makinig.

"Sino yun?" pero hindi umimik si Donna. Kinuha ni Noah ang cellphone ng dalaga at nag-check ng numero.

Registered call yun sa pangalang Niccolo.

Noon lang niya nakita ang binata na nangialam ng kanyang cellphone.

"Boyfriend mo?"

Tumango ang dalaga.

"Anong balak mo?"

"Makikipagkita ako sa kanya..."

"Gusto mo bang samahan kita?"

"Huwag na..."

"Ipapasundo kita kay Miguel"

"Ako nang bahala doon"

"Baka saktan ka niya?"

"Hoy, Noah... Huwag kang magmalinis... Kahit ikaw nagawa mo akong saktan"

"Oo na... kailangan pa bang ulitin mo pa?"

"Para lang maalala mo, just in case nakalimot ka" inirapan niya ang binata.

"Huwag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Focus muna sa exam"

Hindi matapus-tapos ang pagsubok sa kanilang dalawa.

Iyon yata ang tinatawag na Baptism of Fire sa pagsasama ng bagong kasal.

Hangga't hindi nila nalalampasan ang pitong taon ng pagsubok.

Lahat naman ng relasyon talagang nagdadaan sa pagsubok, kahit nga ang magkaibigan o kaya ay magkasintahan.

Dangan nga lang at hindi naman naging magkasintahan o magkaibigan sina Noah at Donna. Silang pareho ay may kanya-kanyang unfinished business sa kani-kanilang relasyon.

Ngayon ay isa-isa nila itong kinakaharap, kanya-kanya sila ng diskarte kung paano nila ito malalampasan.

Nadamay na pati ang walang kinalaman.

Bago siya bumaba, hinila mo na siya ni Noah.

"Bakit ka malungkot?"

"Hindi ko alam... Sumasakit ang ulo ko!"

"Pampabuwenas para mas mataas ang makuha mo sa exam" Hinalikan niya si Donna.

"Alis na ka nga"

Nang hapong iyon, kina Hailey dumiretso si Donna.

"What? Nakauwi na si Niccolo"

"Oo, nagulat nga ako e nang makita ko siya sa loob mismo ng bakuran ng mga Madrigal"

"Then, what happened?"

"Hailey, anong gagawin ko?"

"E di sabihin mo ang totoo na kunwari lang ang kasal ninyo?"

"Pero mahal ko na si Noah"

"Iyon lang ang malaki mong problema... So totohanan na ito?"

"Alam mo, nami-miss ko na ang halik niya. Nami-miss ko na rin siyang katabi at medyo nasasanay na ako kaya lalo akong natatakot"

"Donna, possible talagang ma-in-love ka kay Noah kasi siya lang naman ang lalaking nakilala mo ng lubusan. Si Niccolo... hindi mo pa talaga siya kilala"

"Masisiraan ako ng bait. Angsakit sa ulo!"

Ginabi na si Donna.

Nagtaksi na lang ito pauwi.

Samantala, hinihintay siya ni Noah sa labas ng pintuan ng mansion.

Palakad-lakad, paroo't parito ang binata.

"Noah, ano bang ginagawa mo dyan?"

"Hinihintay ko lang po si Donna"

"Hindi pa ba siya umuuwi?"

"Sabi po kasi niya makikipagkita daw siya kay Niccolo, yung boyfriend niya"

"E bakit kailangan mo pa siyang hintayin dyan?"

"Mama..."

"Okay fine, I'll get inside. Nagsusungit ka kaagad"

Pagpasok ni Olivia, saka niya napansing naglalakad si Donna papasok ng bakuran.

"Huh si Noah... Naku, mukhang aawayin nanaman ako nito"

"Bakit ngayon ka lang?" Seryosong tanong ni Noah.

"Dumaan pa ako kay Hailey."

"Akala ko ba magkikita kayo ni Niccolo?"

"Hindi ko siya sinipot sa meeting place namin"

"Yung totoo...."

"Huh! Ako pa ang sinungaling. Teka nga... Noon kapag di umuuwi, wala akong pakialam... Tapos ngayon na first time kong umuwi ng late, daig mo pa si Papa manermon. Tapatin mo nga ako, anong problema mo?"

"Wala..."

"Wala pala e. Pagod ako at ayokong makipagtalo sa iyo. Umalis ka dyan sa dadaanan ko"

"Donna..."

"Please lang Noah. Tulong mo na lang sa akin yung hindi mo paiinitin ang ulo ko o hindi mo ako iinisin sa kakulitan mo"

Si Olivia ang nagbukas ng pinto.

"Hi, Mama. Pasensya na po , late akong nakauwi. Dumaan pa po kasi ako kay Hailey"

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po..."

"Sabay na kayo kay Noah. Kanina ka pa niyang hinihintay"

"Ganoon po ba? Sige po. Hoy, Noah... Sabay na daw tayong kumain"

Pumasok na walang imik si Noah. Nakikiramdam lang ang kanyang ina.

Pagkatapos kumain, inabangan ni Olivia si Noah...

"Noah, I want to talk to you for a moment" Sumunod ang binata sa labas ng mansion.

"Bakit po, Mama?"

"Anak, napapansin ko palagi kang irritable kay Donna. May problema ba? Kaya kayo palaging nag-aaway..."

"Mama, hindi ko din po maintindihan ang ganitong pakiramdam. Sa tingin ko talagang mahal ko na siya"

Niyakap siya ni Olivia.

"Kaya ka ba palaging nakabantay ngayon kay Donna?"

"Hindi naman po sa ganun"

"Noah, mama mo ako..."

"I know I can't hide anything from you"

Wala siyang maitatago kay Olivia.

Hindi na rin siya makakapagkaila.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon