NOAH'S POV
Hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi.
Wala si Donna sa bahay kaya wala akong good night kiss.
"Bakit ko ba iisipin ang babaeng iyon?"
"Ni hindi nga niya ako naisip"
Ngunit hindi ito nakatiis.
Pupungas-pungas si Donna sa kabilang linya.
"Donna, hindi kasi ako sanay na wala ka dito sa bahay"
Hindi pa rin ako nakakatulog."
"Wala kasi akong good night kiss"
Tinawanan lang siya ng kausap sa kabilang linya at saka niya ibinaba ang telepono.
Hindi ko maiwasan. Pero yun ang totoo...
Kinabukasan...
Pagbaba niya ng kuwarto, bihis na si Noah at handa ng pumasok sa opisina.
"Noah, hindi ka ba kakain?"- Olivia
"Hindi na po Mama... Bye , Lola." Kumaway ito sa matanda.
"Mukhang malungkot ang apo ko a"- Lola Natalia.
"Wala si Donna , Mama. Dinalaw ang kaibigan niya at doon natulog kagabi"
"Hmmm, na-miss siguro"
Nagulat ang lahat ng masayang bumalik si Noah kasama na si Donna.
Nakasalubong niya itong naglalakad sa bakuran.
"Sabayan mo na akong kumain..." Yaya ni Noah.
"Bakit? Dala ko ba ang plato mo?"
"Sige na... Hindi nga ako nakakain ng maayos kagabi dahil ..."
"Dahil ano?"
"Hindi masarap ang ulam..."
Dinig na dinig ni Olivia ang pagdadahilan ni Noah.
Hinila niya si Donna at tabi sila sa upuan.
"Lola, nandito na po ako. Good morning..." Humalik siya sa matanda.
"Buti naman at maaga kang umuwi"
"Bakit po, Lola?"
"Kasi may isang tao dyan na hindi nakatulog ng maayos at hindi makakain dahil wala ka"
"Sus, ang arte mo. Kumain ka na nga... Ang lagay, subuan pa kita..."
Tahimik na kumain si Noah. Gutom naman talaga siya kaya lang, wala si Donna.
Masaya na rin siyang makita si Donna bago siya umalis.
Isang mabilis na halik sa labi ang ninakaw kay Donna. Nakangiti itong umalis
"Noah, nakakainis ka talaga!"
"Donna, ano ka ba? Halik lang e, nagkakaganyan ka na"
Para itong batang nakasimangot habang kumakain.
Lihim na sumulyap si Olivia at James. Natawa silang pareho.
Maaliwalas ang mukha ni Noah ng pumasok ito sa kanyang opisina.
Tahimik itong umupo sa kanyang swivel chair at nag-review ng mga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa.
Biglang dumating si Lauren.
Nakasuot ito ng super iksing maong shorts at nakahigh-heeled boots pa ito.
Naka-see through ng damit at kitang kita ang itim na bra nito habang gustong kumawala ang malulusog nitong dibdib.
Sinalubong kaagad niya ng halik si Noah.
Yumakap ito sa binata.
Halos magtatakbo sa nerbiyos si Chloe na kinakausap si Noah ng mga oras na iyon tungkol sa kanyang schedule para sa araw na iyon.
Nagmadali itong lumabas.
"Huh! anong ibig sabihin nun?" Naguguluhan si Chloe. Lumapit ito sa mga kaopisina at narinig nilang nag-lock ng pinto ang dalawa.
"Hoy, para kang namatanda dyan? Bakit? Anong nangyari? "
"Bakit nandito si Lauren? Akala ko ba hindi na siya pupunta dito"
"Baka hindi pa niya alam na may asawa na si Sir"
"Grabe, napaka-liberated talaga ng babaeng yan... Ewww! hindi ko kaya.... Hindi ko carry..."
Paano ko paglalabanan ang tukso kung lumalapit na sa akin?
Dahil matagal na wala si Lauren, at nasa labas ako ng mansion...
Malaya akong gawin ang nais ko.
Ito ang totoong buhay ko sa piling ni Lauren.
Isang buhay na puno ng umaatikabong eksena sa kama.
Nagpaparaos ng init ng katawan sa isa't isa.
Ganito magbuhay binata ang isang Madrigal na tulad ko.
Kakalabanin ko ba ang tukso kung ito rin ang hanap ng katawan ko?
Nakakapagdulot sa akin ito ng saya kaya...
Enjoy life....
*Ang tukso ang unang sisira sa pagsasama ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...