DONNA'S POV
Kasal?
Para sa akin, isa itong sagradong bagay.
Isang sakramentong nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan...
Nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan, inuulit ko lang para klaro sa lahat.
Kami ni Noah, pinagbuklod ng iisang layuning tuparin ang kahilingan ni Lola Natalia para makuha niya ang mana at matupad ko ang aking mga pangarap.
Bukod doon, mahal ko si Lola Natalia at ito ang paraan ko upang ipakita ang pagtanaw ng utang na loob sa kanya.
Ngunit ang pagmamahal sa pagitan naming dalawa ay wala.
Parang isang blangkong puting papel na hindi pa lang nasusulatan.
Dalawang taong nagmamahalan?
Pagmamahal?
Anong kinalaman ng pagmamahal sa kasalang ito?
Mayroon ba?
Magkakaroon ba kung sakali?
Hindi ko alam... Dahil hindi ko iyon nararamdaman sa mga oras na ito.
Patawarin ako ng Diyos, alam kong hindi ito tama.
Kung ano man ang magiging resulta ng kalokohang ito, paghahandaan ko.
Sana, mapatawad ako ng Diyos pati na ang taong masasaktan ko sa gagawin ko.
At ang tipo ni Noah ay hindi papatol sa mga kagayang kong may mababang pinag-aralan.
Sa sitwasyong ito, iniisip ko tuloy na baka iniisip niyang napaka-cheap kong babae.
Pero hindi na iyon mahalaga.
September 8, 2015 – 10AM
NEPTUNE'S VILLA WEDDING CHAPEL
Isang nature wedding ang kasalang Madrigal at Salvador...
Mala-diwata ang batang batang bride.
Bagay na bagay sa kanya ang kanyang mahabang trahe de boda.
Nangingislap ito kapag natatamaan ng silahis ng araw dahil sa mga Swarovski crystals na palamuti dito.
Lumutang naman ang kakisigan ni Noah.
Simple lang ang kanyang ternong Giorgio Armani inspired na gray suit.
"Nasaan ang magulang ni Donna?" Pagtataka ni Noah at tumingin sa mga bisita habang kausap nito ang kanyang mama.
"Ano ka ba? Ulila na si Donna. Magkasabay na namatay ang kanyang mga magulang sa isang plane crash" . Nagulat si Noah sa narinig .
Hindi na ito nagsalita.
Kitang kita niya ang bulung-bulungan ng lahat ng nandoon. Alam niyang lalong magugulat ang kanyang mga staff kapag nakita ang kanyang bride.
"Sino siya?"
"Saan siya nakilala ni Sir Noah?"
"Sino ang pinikot? Si Sir Noah ba? o yung babae?"
"Grabe! angganda niya!"
Mag-uumpisa na ang wedding march at nauna na si Matthew bilang kanyang groom's men at si Hailey bilang bride's maid.
Si James ang naghatid kay Donna palapit sa binata sa harap ng altar.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...