Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na ayusin ang kanilang pagsasama at sa patuloy na adjustments na kanilang kinakaharap bilang tunay na Madrigal, muling bubulaga ang isang malaking problema.
Isang umaga , may dalawang pulis ang naghanap kay Noah.
"Good morning , Sir. We are looking for Mr. Noah Alexander Madrigal. SPO4 Jude Law Lorenzo po" Nakipagkamay ang pulis na kausap ni Noah.
"Yes, I am Noah Alexander Madrigal. Pasok po muna kayo" Kumapit si Donna sa asawa.
"Anong kailangan nila sa iyo? " Bulong ni Donna. Nagkibit-balikat lang ang lalaki.
Pagkaupo ng dalawang pulis ay hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang mga ito.
Sinabi kaagad ang pakay kay Noah.
"Sir, gusto po namin kayong imbitahan sa presinto para lang sa ilang mga katanungan?"
"Ha!" Laking gulat ni Noah.
"Bakit? May nagawa bang di maganda ang asawa ko?" Tanong ni Donna.
"Hindi puwede. Hindi ninyo puwedeng kunin si Noah. Hindi!" Hysterical kaagad si Donna.
"Ma'am, may mahahalagang itatanong lang po kami kay Sir"
Alam ni Jude kung ano ang nararamdaman ni Donna.
Marahil kahit ang asawa niyang si VeneXity ay magkakaganun din at magre-react din ng ganun lalo na kung mga pulis ang i-escort sa asawa.
"Huwag po kayong mag-alala. Ligtas po sa amin si Sir" Sabi ni Jude.
"Teka lang, Sarge. Magbibihis lang ako"
Sinundan ni Donna si Noah. Nakahawak pa rin siya sa kamay ni Noah.
"Noah, natatakot ako?"
"Ssshhh! Everything will be fine. Huwag kang aalis. Dito ka lang"
"Noah, babalik ka ha!"
"Oo. "
"Noah, uuwi ka. Hihintayin ka namin ng mga bata"
Pinahid ni Noah ang mga luha sa pisngi ng asawa.
Hindi pinalabas ni Krisna ang mga bata ng makitang nandoon ang mga pulis.
Hindi na ito nagpaalam sa mga bata.
Baka humabol pa ang mga ito sa kanya.
Tahimik si Jude habang nasa front seat.
Kitang kita niya kung paano mag-alala ang asawa ni Noah sa kanya.
Napapailing siya ng makita ang halik na iyon sa dalawa.
Napangiti siya.
Napailing.
Ilang saglit pa ay nasa loob na ng presinto si Noah.
Hindi na siya nilagyan ng posas dahil hindi naman siya inaaresto.
Tatanungin lang naman siya.
"Pangalan?" Tanong ng imbestigador.
"Noah Alexander Domingo Madrigal"
"Edad? Tirahan? Status"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...