Nagkatinginan ang mag-asawa.
Tila ba parehong nakaramdam na nasa panganib ang mahal nila sa buhay.
Kinuha kaagad ni Noah ang cellphone.
Instinct lang.
"Donna, tawagan mo nga sina Krisna"
"Bakit?"
"Basta... tawagan mo .... Dali!"
Nagulat si Donna ng iba ang boses ng babaeng nakausap niya sa kabilang linya.
Dinig niya ang sigaw ni Donita at Donovan. Tinatawag siya ng kambal.
"Hello, Donna."
"Hahahahaha...." Tawang demonyita ang babae sa kabilang linya.
"So you think, I can't find them. Full security ba kamo? Do you hear them? Ano sa tingin mo?"
"Balak ba ninyong makipagtaguan ng hide and seek sa akin? "
"Papipiliin kita...."
"Ang kambal mo o si Noah?"
"Kung ako sa'yo, ang kambal mo ang piliin mo. Tutal isang gabi ko lang namang titikman ang asawa mo. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gayumang mayroon kay Noah para humabol-habol ako sa kanya ng ganito."
"Take your pick... Masarap bang magmahal si Noah? Ayyyy....Hahahaha! I can't wait to touch him. Ahahahahaha" Mukhang loka-lokang tumatawa si Clarissa sa kabilang linya.
"Isang gabi lang Donna. Isang gabi lang sa tabi ni Noah. Pumayag ka na tutal mag-asawa naman kayo di ba?"
Hindi makasagot si Donna sa kabilang linya.
Hindi niya alam kung magsisisigaw siya sa galit o sa inis.
Mas natakot siya para sa kanyang kambal.
Ninerbyos sina Olivia at James. Lalong nataranta si Noah.
"NOOOOOOOO!"
"AAAAAAHHHHHHHHHHHH!"
Hindi makahinga ng maayos si Donna.
Nagpapalpitate siya na akala mo ay nasobrahan sa kape.
Nandoon ang kaguluhan ng isip ng marinig ang boses ng kambal.
Ang kambal?
Si Noah?
Si Noah o ang kambal?
Sino ang pipiliin niya?
Hindi lang si Noah.
Lalong lalo namang hindi lang ang kambal.
"Donna! Donna!" Niyugyog siya ni Noah.
"Noah, si Rizza... Aaaahhhh! Ang mga bata..."
Nasundan ni Rizza ang mga bata sa playground ng araw na iyon.
Pinindot niya ang numero ni Noah.
"O ano, Noah? It is not a warning. It is not a threat..."
" Isang gabi lang.... Sa tabi ko..."
"Ano ba naman yung maka-isang round lang tayo? Gusto mo bang humantong pa sa ganito"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...