3RD PERSON'S POV
Nang araw na iyon, sinundo ni Noah si Donna sa mansion.
Nasa loob si Donna ng kuwarto ni Noah ng mga oras na iyon.
Hindi niya inaasahan ang pag-uwi ng binata.
Tumayo ito sa kanyang study table at iniligpit ang kanyang mga gamit.
Akmang paalis na sana si Donna ng pigilan siya ng asawa.
Hinawakan siya sa braso.
"Bakit na naman?"- Donna
"Mag-usap tayo saglit"-Noah
"Ano na naman ang ginawa ko?"
"Makinig ka muna..."
"What for?"
"Look, I am so sorry. Please, I need to ask you a big favor"
"Anong kinalaman ko dyan?" Pumalag si Donna.
"I need to attend our Business Guild tonight. I want you to be there. I want you to go with me"
"E bakit ako?"
"I just want to be you"
"Hindi mo ba nakikitang busy ako. Bumagsak ako sa exam ko and I need to retake it"
Binitiwan na siya ni Noah.
Alam niyang hindi niya mapipilit ang dalaga.
Mas pipiliin nitong mag-aral kaysa dumalo sa mga ganoong okasyon.
Naupo na lang ito sa sopa at hinayaang makaalis si Donna.
Dadalo si Noah sa isang business meeting...
Gusto niyang makasama si Donna sa ganoong ka-pambihirang pagkakataon.
Kumuha ito ng bote ng alak at nagsalin sa baso.
Uminom ng isang lagok.
Habang nasa kabilang kuwarto si Donna, na-guilty naman siya.
Lalong hindi siya makapag-concentrate sa kanyang pag-aaral.
Pagdadahilan lang niya ang exam na iyon pero hindi naman siya bagsak.
Ang totoo, highest scorer pa nga siya kahit late na siyang pumasok.
"Grrr! Kahit kailan, anggaling mangunsensiya ni Noah. Mukha naman siyang nakakaawa..."
Lumapit siya sa kanyang cabinet.
Sinipat doon ang isang silver beaded and fitted pencil cut dress.
Kinuha niya ang silver and glittery 3- inch high heeled shoes.
Inilabas ang isang gamosa- clutchbag kasya lang ang isang salamin at cellphone, master card at isang color Silver na Parker pen.
Hindi siya nagtagal ng pag-aayos...
Sabay silang lumabas ni Noah ng sari-sarili nilang kuwarto.
"Where are you going?" Nagulat siya sa simpleng taste ni Donna sa pagpili ng damit.
"I can change my mind anyway..." Seryosong sabi nito sa kausap.
"Okay, come on now... Puwede pa akong humabol"
Dahan-dahan niyang inalalayan si Donna pababa ng hagdan pero para mas madali...
Pinangko niya ang dalaga sa kanyang matipunong bisig. Napasigaw si Donna.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...