THE CALL

1.2K 31 0
                                    

Sabay na umuwi ang mag-asawa sa condo.

Nakakapanibago ang katahimikan.

Dati-rati ay napakagulo doon.

Nagkalat ang laruan ng mga bata at madalas silang maghabulan at mag-akyat-panaog ng hagdan. Ngunit kakaiba ang katahimikan ngayon dahil walang sumalubong na kambal sa kanila ni Donna.

Kontento na si Donna na nakayakap sa asawa habang nakaupo sila sa kanilang sala sa sarili nilang kuwarto.


"Alam ko na ikaw ang lalaking kinababaliwan ni Clarissa."

"Hindi ako nagpunta dito para targetin ka."

"Hanga lang ako sa mga taong tulad mo na hindi nagpadala sa tawag na laman. Talaga bang hindi ka man lang nagkagusto sa aking Clarissa? Mas bata siya. Mas seksi at mas magandang di hamak sa iyong asawa."

"Noah, I trust you. Panindigan mo ang pagiging matuwid. Huwag mong hayaang masira ang iyong pamilya."



"Bakit kaya siya nakapagsalita ng ganun?"

Nagulat si Donna sa buntunghininga ni Noah.

"Bakit? Anong iniisip mo?"

"Wala? Nami-miss ko lang ang mga bata"

"Matulog na tayo"


"Hindi ko kukunsintihin ang gagawin ni Clarissa sa pagkakataong ito lalo na kung makakasira siya ng pamilya. Nakita ko na iba ka sa kanila. Alam ko ang sakripisyong ginagawa mo sa iyong pamilya lalo na ang mapahiwalay sa iyong kambal"


Napailing si Noah.

Hindi niya akalaing madami nang alam si Steve tungkol sa kanya at mukhang marami siyang mata upang malaman ang mga impormasyong iyon tungkol sa kanyang pamilya.

Lalo siyang kinabahan.

Hinigpitan niya ang yakap kay Donna.

Nakaupo siya sa kama habang nakasandal sa headboard ng kama.

"Paano niya nalamang wala dito ang kambal?"

Muling nag-vibrate ang kanyang cellphone. Malamang ay si Clarissa iyon.

Hindi nga siya nagkamali.

Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas ng kuwarto saka sinagot ang tawag.

Hindi siya umimik sa kabilang linya at hinayaang magsalita si Clarissa.

Mahaba ang kanilang usapan.

"Now, deal or no deal" Tanong ni Noah kay Rizza. Dati, si Noah lang ang nakikinig.

Hindi makaimik ang dalaga sa kabilang linya.

Naka-wire tap ang lahat ng usapan nina Noah pagbalik nito sa condo ng manggaling ito sa presinto. Kinausap kaagad siya ng pulisya na makipagtulungan sa ikadadali ng paglutas ng kasong iyon. Pinagyagan niyang i-wire tap ang lahat ng usapan sa condo.

Madilim sa loob ng condo at kitang kita ang liwanag na nagmumula sa iba't ibang gusali na nananatiling buhay ng mga oras na iyon dahil sa bukas na ilaw dito.

Naramdaman niya ang yakap ni Donna.

Hinalikan siya sa batok ng asawa.

Isinuksok niya sa loob ng t-shirt ni Noah ang kanyang kamay at pinaglaruan ang dibdib nito.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon