Kinabukasan, pumasok na si Noah sa opisina.
Napansin niyang busy na naman si Matthew sa kanyang ka-textmate.
"Sir, kumusta na po pakiramdam ninyo?"
"Ulcer lang ito..."
"Naku e madalas kasi kayong magpalipas ng gutom..."
"Common po yan sa mga nagpapalipas ng gutom. Kaya po kahit busy kayo, huwag ninyong kalilimutang kumain"
Ngunit nagpalipas na naman ng gutom si Noah.
Pagdating ni Lauren ay may dala itong pizza.
Pero dumating din si Donna at may dalang pagkain para kay Noah.
Dala din nito ang gamot para sa binata.
Nagkatinginan ang mga empleyado ni Noah.
Kinakabahan na baka gumawa ng eksena ang dalawa.
"Huh! " Nagkagulatan ang mga staff ni Noah ng magharap ang dalawang babae sa opisina.
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Noah kay Donna.
"Bakit parang gulat na gulat ka? Wala ba akong karapatang dalawin ka para malaman ko kung anong klase ng pagkain ang kinakain mo. Nakakapagtaka naman dahil ulcer pa ang sakit mo" Tumingin ito kay Lauren.
"Ms. Donna, gusto po ninyo ng pizza?"
"Iniwan mo ang gamot mo... Kumain ka na ba?"
Tiningnan ni Donna kung anong klase ng pagkain ang tanghalian nila.
Hindi na siya magtataka kung bakit nagkasakit si Noah.
Pasado ala-una na, saka pa lang sila nagtatanghalian.
"Pizza for lunch... It's not even healthy for my patient"
"Eh anong kakainin niya, aber" Sabi ni Lauren.
Nahalata niyang pinariringgan siya ni Donna dahil siya ang may dala ng pizza.
"Bakit hindi ka pa kumakain? Di ba kabilin-bilinan ko sa'yo, huwag kang magpapalipas ng gutom" Napatingin lang si Noah sa asawa.
"Kakain na ako" Sabay dampot ng pizza.
"Bawal yan sa iyo..." Kinuha niya iyon at ibinalik sa kahon. Natigilan si Lauren.
"Maysakit ka ba honey?" baling ni Lauren kay Noah.
"Acute gastroenteritis lang naman, for short ulcer... no greasy , no spicy food, get it" tinitigan niya si Lauren.
"I have here, home-cooked food. Iniluto yan ni Mama bago siya umalis. Ubusin mo yan dahil baka magtampo siya kapag hindi mo inubos yan"
"Okay..." Naupo ng maayos si Noah habang inaayos ni Donna ang kakainin nito.
Nakatingin lang ang buong staff sa kanya.
Natatawa-tawa si Matthew dahil noon lang niya nakitang naging masunurin ang boss sa kanyang asawa.
"Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain. Sa susunod huwag mong iwan ang mga gamot mo, paano ka gagaling nyan?"
Hindi makapagsalita si Noah. Hindi rin makapaniwala ang kanyang mga staff. Nakakaisang subo pa lang si Noah.
"Aalis na ako, tutal may iba namang mag-aasikaso sa iyo dito"
"That's right!" Sabi ni Lauren.
Hindi na siya hinabol ni Noah.
Sa sinabi nito, naramdaman niyang nagtatampo ang dalaga o puwede na ring nagseselos.
"Owwwsssss.....May nagseselos...." Kantyaw ng buong staff.
Pag-alis ni Donna, binungangaan ni Lauren si Noah dahil hindi man lang siya ipinagtanggol ng binata ng mapahiya ito sa karamihan.
Nag-away sila sa opisina.
"E bakit ako ang binubungangaan mo?"
"Dapat sana, ikaw ang nagtanggol sa akin."
"Bakit hindi siya ang inaway mo? Sana nagsabunutan na lang kayo kung yun ang gusto mo tutal ugali mo naman yun."
"Ah... now you are taking her sides"
"Nagawa mo na siyang saktan minsan, tama na yun"
"Humanda ka sa akin, Donna. Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo" pagbanata ni Lauren at saka tumalikod ang dalaga.
Umalis na masama ang loob ng dalaga pero hindi niya ito sinundan at hindi rin siya bumalik sa condo.
Maaga siyang umuwi ng mansion.
Sa mansion...
Pumasok siya sa kuwarto ni Donna.
"Nagugutom ako" Sabi ni Noah sabay hilata sa kama.
"Hindi dito ang kusina. Bumaba ka doon"
"Samahan mo akong kumain"
"Ayokong bumaba dahil may ginagawa din ako"
Nakaidlip si Noah sa kauungot.
Ginising siya ng asawa.
"Noah, bangon ka nga dyan..."
'Bakit ba?"
"Halika, sasamahan kita sa baba."
"Ayoko, matutulog na lang ako"
"Bumangon ka na dyan"
"Ikaw na lang ang kakainin ko..."
Niyakap niya ang dalaga.
Pinilit ni Donna na makawala pero wala siyang nagawa.
DONNA'S POV
Hindi ko kailangang makipagkompetensya kay Lauren.
Malaki ang kaibhan namin.
Mahal ko si Noah at alam ko kung paano iyon ipakita ng hindi nakakasakit ng kapwa.
Ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi isang kompetisyon.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...