Sa mansion.
Maagang umuwi si Donna .
Dumiretso siya kaagad sa kuwarto ng matanda.
Natutulog ito ng dumating siya.
"Mia kumusta na ang lagay ni Lola?"
"Na-check up na po siya ni Dr. Marquez..."
"Anong sabi?"
"Normal lang naman daw ang kanyang vital signs. "
"Ano pa?"
"Sila po ni Ma'am Olivia ang kausap kanina"
Maaga ring umuwi si Noah.
Dumiretso ito sa kuwarto ng matanda ng hindi madatnan si Donna sa kuwarto nito.
Nilapitan siya ni Donna at yumakap sa binata.
Mukhang nare-recharge ng lakas ang dalaga sa powerhug ng binata.
Ngayon ay nagagawa na nitong yumakap kahit hindi pinipilit.
Inilabas niya sa bakuran ang dalaga.
"Kanina ka pa bang umuwi?" Kaharap niya si Donna habang nakayakap ito sa beywang ng binata.
"Maaga akong umuwi para tulungan si Mia?"
"Gusto mo bang lumabas tayo during weekends para makapag-unwind ka."
"Ayoko lalo pa't ganito ang kalagayan ni Lola. Hindi ako mapapalagay"
Hinigpitan ni Noah ang yakap sa dalaga. Alam niyang iyon lang ang makakapagpakalma sa kanya.
"Noah..."
"Uhmmm..."
"Natatakot ako..."
"Bakit ka natatakot?"
"Si Lola Natalia..."
Lumabas si Mia at tinawag silang dalawa.
"Mam Donna, Sir Noah..." Tumakbo ang dalawa sa kuwarto ng matanda.
Hangos ang dalawa sa kuwarto ng matanda. Nadatnan niya doon sina James at Olivia.
"Lola, hanap daw po ninyo ako?" Naupo ang dalaga sa tabi ng kama ng matanda.
"Donna,salamat sa pag-aalalaga mo sa akin... Iha"
"Lola naman kung anu-ano naman po ang sinasabi ninyo" Tumulo ang luha nito.
"Alam ko pareho lang kayong napipilitang makisama sa isa't isa..."
"Lola, hindi po yun totoo... Huwag na po ninyong pilitin ang magsalita"
"Noah, apo... " Sinalat ng matanda ang pisngi ng binata. Tinitigang mabuti ang maamong mukha nito.
"Lola, nandito po ako sa tabi ni Donna"
"Noah, huwag mo nang paiiyakin si Donna. Lagi yang umiiyak dyan sa pintuan sa kahihintay sa iyo" Pambubuking ng matanda. Nagkatawanan pa ang buong mag-anak. Sumulyap si Noah sa tabi ni Donna.
"Lola..." Humagulgol ang dalaga habang hawak ang kamay ng matanda.
"Papa, kung anu-ano na ang sinasabi ni Mama" Bulong naman ni Olivia.
"Olivia, expect the worst" At niyakap ng mahigpit ang asawa.
"Oh my..."
"Olivia, huwag ninyong pababayaan si Donna. Hayaan ninyo siyang manatili dito sa mansion. "
"Opo, Mama"
"Noah, huwag mong pababayaan si Donna."
"Donna, mahal na mahal ka ni Lola. "
"Gusto ko munang matulog... Hala, matulog na rin kayo"
Dahan-dahang ipinikit ni Lola Natalia ang kanyang mga mata at humikab ito.
Ngunit lumungayngay ang leeg ng matanda.
kaagad ni Donna ang matanda.
Mabilis pa sa alas kuwatro ...
Maya-maya lang ay nandiyan na ang ambulansiya...
Iyak ng iyak si Donna habang nakayakap ito kay Noah... si Miguel na ang pinag-drive nila ng kotse habang nakaalalay si Noah sa asawa.
Dead on arrival na ang matanda at declared dead na as of 11:20 ng gabi si Lola Natalia sa St. Catherine's Hospital.
Walang tigil sa pag-iyak ang dalaga.
"Noah, ihatid mo muna si Donna sa bahay. Bukas na kayo bumalik kapag nailabas na sa morgue ang katawan ng lola ninyo"
"Tahan na... kanina ka pang iyak ng iyak" Pinainom niya ang asawa ng tubig. Inalalayan niya ito paakyat ng hagdan.
Tahimik na pumasok ang dalawa sa kuwarto.
Lalong bumuhos ang luha ni Donna.
Patay na ang matanda.
Tapos na rin ang pagpapanggap nila.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...