MARRIED LIFE 2

1.5K 32 0
                                    

Nagpakasal muli sina Noah at Donna sa mismong pinagdausan ng kanilang unang kasal.

Nandoon ang mga dating kaklase ni Donna sa Nursing sina Gracey, Jem at Barbhie.

Nandoon din sina Jacob at ang mga kabarkada nito.

"Bakit mo pa inimbitahan ang kumag na yan?"

"Maka-kumag ka naman... Poging kumag...hehehe!"

"Pogi pala ha!"

"Ano ka ba? Joke lang..."

Sa reception, habang kumakain ang dalawa.

"Naaalala mo ba noong nandito din tayo sa reception hall?"

"Oo, hindi ako makakain sa sobrang nerbiyos lalo na nung humiling sila ng kiss"

"Kinabahan ka ba ng kunin ko ang garter sa hita mo?"

"Abut-abot ang kaba ko...Grabe! Pakiramdam ko, hihimatayin ako"

"E ngayon?"

"Kahit panty pa ang hubarin mo hindi ako magrereklamo"

"Mamayang gabi na lang... Sana matapos na ito" Sabi ni Noah at nagkatawanan ang dalawa.

"Bakit ka natahimik?"

"Alam mo ba nung paliparin natin yung mga kalapati, I wish my dove would follow you and it did"

"Bakit naman?"

"Sabi kasi nila, if those doves symbolizes our love then it would mean sticking together no matter what happens in their married life and we did"

"We survived..."

"Malalampasan nating lahat dahil hindi tayo nakakalimot sa Diyos, iyon ang pinakamahalaga doon"

Kinabukasan, naghanda ang mag-asawa sa kanilang flight patungong Las Vegas.

Iniwan nila ang mga bata sa kanilang lolo at lola.

Muli nilang binalikan ang suite kung saan sila nanatili sa kanilang unang honeymoon.

Pagbalik nila doon ay totoong honeymoon na ang naganap.

"Noah, hindi ka ba pagod?"

"Paano ako mapapagod e kasama kita?"

Kalalapag pa lang ng kanilang bag sa loob ng Belaggio Suite.

Hindi pa nga nila ito naipasok sa loob ng kuwarto.

Pagkasara pa lang ng pinto at pagkalabas ng roomboy, hinila kaagad ni Noah ang asawa at buong pananabik na niyakap at hinalikan.

Kinarga niya ito papasok ng kanilang kuwarto.

"Matagal kong hinintay ito, Donna."

"Noah..."

Inapuhap ni Noah ang labi ng asawa.

Busy ang kanyang kamay na puno rin ng panggigigil sa bawat bahagi ng katawan ng asawa na madapuan nito.

Hindi na nagawang magtago ng dalawa sa kumot. Palibhasa ay sila lang dalawa at malayang magagawa ang gusto nila.

Hindi nila iniisip na may mga batang mangungulit at puwede silang makita.

Kitang kita nilang pareho ang kanilang hubo't hubad na katawan.

Hindi nangingiming itago sa isa't isa.

Natulog silang payapa at walang iniisip kundi ang kasiyahang makasama ang isa't isa.

Binalikan nila ang lahat ng lugar na kanilang pinuntahan.

Muli silang naligo sa Mandalay Bay at inalala ang unang pagkakataong nagtampisaw sila sa tubig. Naalala ni Donna ng hilahin siya ni Noah sa malalim ba bahagi ng dagat at wala siyang nagawa kundi hawakan at yakapin ang binata.

Isang pambihirang pagkakataon upang tuluyang mawala sa sarili si Noah at hinalikan ang walang malay na si Donna sa gitna ng mga alon na iyon.

Nilubos nila ang bawat oras at pagkakataon upang paligayahin ang isa't isa.

Wala silang inaksayang panahon.

Pinunan nila ang mga panahong nagkalayo sila.

"Noah, angsaya-saya ko ngayon" Tumulo ang luha ni Donna habang nakapatong pa sa kanya ang asawa at hinihingal-hingal pa .

"Tandaan mo, hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa"

"Kahit kailan?"

"Kahit kailan...."

Muling hinalikan ni Donna ang asawa at nagulat si Noah ng maging agresibo ang asawa.

"Donna, anong ginagawa mo?"

"Sssshhh! Be quiet..."

Kinilabutan si Noah.

Hindi niya inaasahang magiging wild ang kanyang asawa pero mas gusto niya ang Donna ngayon. Hindi na siya mahirap turuan.

Hindi na siya nahihiya.

Alam niya kung ano ang pangangailangan ng kanyang asawa.

"Aaaaaahhhhhh! Donnaaaaaa!" Halos mabaliw-baliw na napasigaw si Noah.

Tahimik ang buong magdamag ngunit walang anu-ano ay kumislot ang malilikot na kamay ni Noah ang muli nitong inangkin ang asawa. Ni halos hindi na makakilos si Donna sa pagod ngunit masayang masaya ito.

"Mas nakakapagod ito kaysa magbiyahe"

"E sino bang maysabing pagurin mo ang sarili mo at oras-orasin mo ako?"

"Angtagal kong naghintay sa'yo kaya natural lang na sulitin ko ang oras natin. Kapag nasa mansion na tayo..."

Natigilan si Donna.

"Sa mansion pa rin ba tayo tutuloy? Hindi ba tayo bubukod kina Mama at Papa?"

"Matatanda na sila at silang dalawa na lang ang magkasama"

"Noah, gusto ko sanang bumukod tayo. Kahit sa Hillton Towers na lang muna tayo para maranasan natin ang tunay na buhay na wala sa poder nina Mama at Papa"

" Baka mahirapan ka lalo na sa kambal..."

"Magtatrabaho ako para may maibayad tayo sa mga katulong natin"

"Ayokong magtrabaho ka... Gusto ko, asikasuhin mo ang mga anak natin. Gusto ko, madadatnan kita sa bahay at sabay-sabay tayong kakain"

"Magagawa naman natin yan kahit may trabaho ako"

Hinalikan na lang ni Noah ang asawa. Alam niyang makikipagtalo lang si Donna hanggang sumuko si Noah at masunod ang gusto nito.

Hindi pa sila tapos sa usaping iyon.

Ito ang buhay nila bilang tunay na mag-asawa.

Hindi pa natatapos ang kuwento kaya subaybayan ninyong mabuti kung ano ang gagawin ng ating lovely wife.

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon