Tanghali na ng magising si Noah.
Masakit ang ulo nito.
Nagulat siya ng makitang nasa loob siya ng kanyang kuwarto.
Naupo ito sa kanyang kama at napansing nakapagpalit siya ng pantulog.
Pilit na inaalala ang nangyari kagabi ngunit wala siyang maalala.
Tumayo siya ngunit napansin niya ang kalat sa loob ng kuwarto.
Dinampot niya iyon.
"Oh my.... " Nataranta siya ng sipating mabuti ang tela.
Kulay itim iyon at yari sa lace.
Napalingon sa gilid ng kama malapit sa study table.
Nakita niya doon ang itim na bra ng dalaga.
"Shit naman! Ano ka ba, Noah? Dinadagdagan mo ang galit sa iyo ni Donna"
"Hay naku... Hindi ka talaga nag-iisip...Anong ginawa mo?"
"Hanggang saan ba? Hindi ba ako nananaginip kagabi"
"Oh my... " Parang gustong malagot ang hininga ni Noah.
Hindi niya matandaan kung meroon ba siyang napakialamang hindi dapat.
Gusto niyang iumpog ang kanyang ulo para maalala niya ang nangyari kagabi.
Patakbo siyang lumabas ng kuwarto at hinanap si Donna.
"Uhmm... Gising ka na pala... Papasok ka pa ba sa opisina?" Tanong ni Olivia.
"Nasaan na si Donna?"
"Pumasok na si Donna. Bakit?"
"Wala lang po. Paano ba ako nakauwi?" Umupo ito sa mesa at pinagsilbihan ng mga kasambahay habang katabi ang kanyang ina.
"Lasing na lasing kang inakyat ni Miguel sa kuwarto mo"
"Nagkayayaan po kasi kaming mag-inuman..."
"At kailangang magpakalasing ka ng ganun?"
"Hindi ko na alam kung paano ako mapapatawad ni Donna"
"Gaano ba kahalaga na mapatawad ka ni Donna?"
"Ayoko lang na magalit siya sa akin... Pinagsisihan ko naman ang ginawa ko"
"Then, push some more..."
"Baka maubusan na ako ng strategy"
"Then you better give up"
"Giving her up is not in my vocabulary"
"But loving her is not even in the contract"
"I don't care about that contract anymore...Totoo ba ang kasal namin ni Donna?"
"Should I tell you the truth?"
"Yes, atleast I should know"
"Totoo ang kasal ninyo ni Donna. Si Donna lang ang hindi nakakaalam ng totoo"
Tinawagan ni Noah si Matthew.
"Yes, Sir...."
"Tinawagan po ako ni Ma'am Donna. Baka daw po hindi kayo makapasok sa sobrang kalasingan ninyo e tanghaliin na rin kayo ng gising"
"Ako na po ang bahala... Bati na po ba kayo?"
"It is gone to worst..."
"Malaking problema nga yan"
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...