Kitang kita iyon ni Lauren.
Kaya pala hindi umuwi ang binata ay dahil sa mansion ito umuwi.
Alam na alam niyang ihahatid niya si Donna.
Para-paraan din para makabawi sa mga atraso.
Bumaba ang babae at muling tinungo ang classroom ng dalaga.
"Donna..."
Pero mabilis na nakailag ang dalaga. Si Lauren naman ang nasampal ni Donna.
"Excuse me, Lauren. Kung nandito ka para hanapin si Noah. Well, siguro naman nakita mong inihatid lang niya ako. Bakit ba hindi ka na lang bumuntot sa kanya 24/7? Huwag ako ang pinakikialaman mo dahil wala akong pakialam sa inyong dalawa."
"Abah at marunong ka ng lumaban sa akin ngayon"
"I realized na matatapang talaga ang mga kabit. No doubt... Sa totoong asawa pa rin uuwi si Noah kahit pagbali-baliktarin ang mundo"
"Talagang hinahamon mo ako. Bruha ka!"
"Teka, huwag kang mag-iskandalo dito dahil baka mapahiya ka"
"Ganun?"
"Nakikita mo ang singsing ko... kasal ako kay Noah... Hindi iyon pekeng kasal kasalan...kaya lumalabas na kerida ka lang... In short, kabit"
Susunggaban na sana ni Lauren ang dalaga ngunit may biglang sumigaw sa likuran nila, si Noah. Naiwan na naman ni Donna ang baunan nito sa kamamadali.
"Lauren, ano bang ginagawa mo dito?"
"Love, inaaway kasi niya ako. Bakit di ka umuwi kagabi ?"
"Love, inaaway kasi niya ako. Bakit di ka umuwi kagabi ?" Inulit ni Donna ang sinabi ni Lauren ng may pagka-exxagerated at nag-aasar na tuno.
"Akala mo, maaagaw mo sa akin ng ganun-ganon lang si Noah"
"Hindi ko na siya kailangang agawin dahil kahit kailan ay wala akong inagaw sa iyo"
"Abah, maldita ka talaga!"
"We'll see this time kung sino ang kakampihan ni Noah. Ikaw, mamili ka... Maghihiwalay kayo o magkasama kayo sa kulungan kung sakaling kasuhan ko kayong pareho ng pakikiapid..."
"Oo, malakas ang loob mo dahil kasal kay Noah pero maghihiwalay din kayong dalawa"
"Sino ba ang mabibilad sa kahihiyan kapag nalaman nilang kerida ka ni Noah? Ilayo mo na nga ang kabit mong yan, Noah! Masyado na siyang nakakaiskandalo dito. Ikama mo dahil mukhang na-miss ka kagabi..."
"Grrrr!" Lalong nanggigil si Lauren.
"Noah..." Tawag ni Donna.
Nilapitan siya ni Donna at saka lakas loob na hinalikan siya ng dalaga sa kauna-unahang pagkakataon.
Nagulat si Noah.
Natulala ito ng halikan siya ni Donna sa unang pagkakataon na nakikita ng lahat.
Kakaiba ang dating ng kanyang halik.
Masarap ulit-ulitin.
Tinugon niya ang halik na iyon kahit na nandoon si Lauren.
Pinahid nito ang lipstick sa labi ng binata.
"Maaga kang umuwi sa mansion. Huwag kang umuwi sa kung kani-kaninong condo " Bulong ni Donna. At ngumiti ang dalaga.
"Yes, Donna" Natarantang sagot ni Noah.
Anggandang eksena... perfect na pang-Famas Award...
Nakatingin pati ang mga kaklase ni Donna.
"Asawa mo pala talaga yun?"
Tumango si Donna.
"Hay naku, wish ko lang pare-pareho kaming gumising sa katotohanan"
"Tama lang ang ginawa mo... Huwag na huwag ka ng paaapi sa babaeng iyon"
"Mukha namang pukpok..."
Maagang natapos ni Donna ang kanyang exam. Tinawagan siya ni Noah.
"Okay naman ang exam ko"
"Huwag na..."
"Mag-uusap lang naman kami ni Niccolo"
"Uuwi ako ng maaga"
Ngunit hindi mapalagay sa loob ng opisina si Noah. Kabababa lang niya ng telepono ng dumating si Lauren.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito.
"Ano bang problema mo? Pupunta-punta ka kay Donna para mag-iskandalo tapos ikaw pa ang matapang. Ganyan ka na ba ka-desperado..."
"Oo... Ang laki ng ipinagbago mo simula ng dumating ang Donna na iyan at nangyari ang kasal-kasalan na yan"
"Sinabi ko sa iyo ang dahilan di ba? Akala ko ba malinaw na sa iyo ang lahat"
"Oo, malinaw na malinaw na unti-unti kang nawawala sa akin..."
"Bakit ba ganyan ka ka-panaoid ngayon?"
"Hindi ka na umuuwi sa condo... Iniiwasan mo ako kahit sa telepono... Wala ka nang oras sa akin"
"Huh! Ganun... Bakit? Hindi na ba marunong humanap ng ibang kaligayahan si Lauren sa ibang kandungan ngayon at laging si Noah ang hinahanap mo?"
"How dare you?" Malakas na sampal ulit ang dumapo sa pisngi ni Noah. Pero mahigpit ang hawak na iyon ni Noah sa braso ng babae.
"Alam kong hindi ka makakatiis. Kating-kati ka kapag wala ako. Palagi kang may reserba kaya huwag mo akong lokohin na nami-miss mo ako kapag hindi ako ang kasama mo" Itinulak niya si Lauren at napaupo ito sa sopa.
"You can't get away with this, Noah... I'll get you back"
"Lauren, pagod na ako sa ginagawa mo"
"Mahal mo ba siya?"
Hindi nakaimik si Noah.
"Mahal mo ba siya?" Inulit ni Lauren ang tanong.
"Oo, mahal ko siya. Ano ngayon ang gagawin mo?"
"You're such a liar" Sasampalin sana niya si Noah pero sinalag ito ng binata.
"Ikaw ang sinungaling para sabihin ko sayo. Walang wala ka kay Donna. Sa ugali, sa pananalita at kung paano niya ako mahalin. Kaya mas nahulog ang loob ko sa kahit sa maikling panahon lang. Kumpara sa iyo na kahit abutin pa tayo ng ilang taon, hinding hindi ka magugustuhan ng pamilya ko"
Lalong nanggalaiti si Lauren at kusa itong lumabas ng padabog.
Dinig na dinig iyon ng kanyang staff na itinuring na ring niyang mga kaibigan.
"Mas boto kami kay Mam Donna, Sir" Sabi nina Chloe at Sophia.
Napangiti ang binata. Parang lumuwag ang kanyang paghinga.
Hindi mapakali si Noah dahil alam niyang magkikita si Niccolo at Donna.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...