NOAH'S POV
Naging mag-asawa kami ni Donna ngunit hindi namin kilala ang isa't isa.
Kahit sabihin mong malalaki na kami ay naiilang pa rin kaming dalawa.
Ni hindi ko man lang natanong ang buo niyang pangalan, magulang niya o kung mayroon ba siyang kapatid o kamag-anak.
Bakit walang dumalo sa mga kamag-anak niya nung ikasal kami?
Anong natapos niya at lahat ng tungkol sa kanya?
Ah, kailangan pa ba iyon kung lahat naman ng ito ay bahagi lang ng pagkukunwari.
Kapag nagkalapit kami at biglang namatay si Lola baka naman mahirapan akong lumayo sa kanya.
DONNA'S SERIOUS POV
Mahalaga sa akin ang makilala ang isa't isa lalo na pagdating sa isang relasyon.
Pero, iniisip ko pa rin kung kailangan pa ba iyon sa sitwasyon namin ni Noah ngayon.
Ano ba kami ni Noah?
Kailangan ko pa bang magkunwari din habang nakikisama ako sa kanya?
Malayo kami sa mga mata ni Lola Natalia.
Walang magtataka sa kilos namin kung hindi talaga kami malapit at sweet sa isa't isa.
Kinikilabutan nga ako tuwing inaakbayan ako at niyayakap ni Noah.
Ang mas hindi ko lubos maisip ay yung halikan niya ako na parang boyfriend ko lang siya. Paano niya naaatim na halikan ako ng ganun?
Maiaalis ko ba iyon e nasa reception nga pala kami noon?
Pero paano ngayon?
Ganoon siya kagaling magkunwari at maging ang halik ay kanyang napepeke.
May kunwari din bang halik kung totoong nagdikit ang aming mga labi? Ah ewan ko...
Kailangan ko pa ba siyang kilalanin kung ang lahat naman ng ito ay may hangganan?
Para saan pa? Baka naman sa huli, ako pa ang mahirapang lumayo dahil nakilala ko na siyang lubusan at nahulog na rin ang loob ko sa kanya?
Nang gabing iyon, tinawagan ko si Hailey.
HAILEY'S CONVERSATION
"Hi there..."
"We are safe... You just don't know how I get totally nervous riding a plane again for the first time in 11 years. I almost vomit all the way here. My stomach seem to swirl like a washing machine. And my head... A got a terrible headache... Lucky, I got out of the plane alive"
"Yeah, how I wish I'll just walk down and go home alone"
"Don't worry, I 'll be very very very careful with him"
"But... Hailey, to tell you honestly... He is beginning to invade my wildest dream. How can I avoid it? "
"Will that be possible? How I wish everything is easier than I thought? But not with Noah... this guy is really insane. Absolutely a playboy and a player"
"Yeah, it's a warning... He's a big threat... promise"
"Cross your fingers that I won't fall on his trap"
"Bye..."
Pagharap niya, halos mapasigaw siya sa gulat.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
RomanceHindi talaga biro ang mag-asawa... Pero kung kunwari lang, bakit hindi? Akala ko mapapanindigan ko ang pagkukunwari. Ako rin pala ang unang susuko. Siya ang kakaiba sa lahat. Inosente... Walang kamuwang-muwang...Batambata... Hindi ko namalayang nahu...