CHAPTER 7
Nagbago na talaga siya, 'yan ang patuloy na tumatatak sa isip ko. Masakit isipin na ang taong minahal mo rati ay nagbago dahil sa'yo. Pero atleast diba? Pinansin n'ya ako. Kinausap n'ya ako, kahit ganoon ang sinabi n'ya atleast narinig ko ang boses n'ya. Masaya na ako kapag ganoon, sobrang saya ko na.
Huminga ako ng malalim at naghilamos. Tumingin ako sa mukha ko sa salamin, para kong hindi nakikilala ng sarili ko. Ang putla putla ko na at ang itim itim na ng ilalim sa mga mata ko. Tila hindi ko na naaalagaan ang sarili ko. Tinanggal ko ang kulay pula kong bonet at nagsuklay.
Tumulo ang masaganang luha ko dahil unti unti na akong nalalagasan ng buhok. Unti unti na akong nakakalbo. Dahan dahan kong nilagay sa harap ng salamin ang suklay at umiyak. Kinuha ko ang luma kong notebook sa bag ko at may sinulat dito. Kapag wala akong maka usap, ito lang ang tanging makakapagpa tanggal sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Hi mahal!
Day 10 of being your ignored wife, alam mo ba ang saya saya ko sa araw na ito dahil pinansin mo ako. Kahit ganoon ang sinabi mo sa akin atleast narinig ko ang boses mo at nakita kita. Napaka gwapo mo mahal ko, nahuhulog parin ako sa mga mata mo. Pero alam mo? Mas gusto kong tingnan mo ako ngayon tulad kung paano mo ako tingnan noon. Mahal na mahal na mahal kita. Mahal, matutulog muna ako ha kasi nahihirapan na ako ngayon sa sitwasyon ko. Paalam muna. Ps, I love you so much.
Your wifey,
RayaBinalik ko sa aking bag ang lumang notebook na matagal kong dala dala. Nakasulat lahat diyan ang mga nangyari sa akin, mula noong nalaman kong may sakit ako. Balang araw ipapakita ko rin iyon kay Guzo. Ayaw n'yang maniwalang may sakit ako at mas mabuti na 'yon. Hahayaan ko nalang muna siya sa ngayon. Siguro, balang araw. Dadating din ang panahon.
Pupunta na sana ako sa kama ngunit pag tayo ko nawalan ako ng balanse. Iniharang ko ang kamay ko sa ulo ko para hindi masaktan. Dahan dahan akong tumayo at dahan dahang naglakad papunta sa kama. Hindi na ako natakot para sa buhay ko dahil tanggap ko nang mamatay ako. Tanggap ko na, ang gusto ko lang gawin ay humingi ng tawad kay Gozu sa lahat ng kasalanan ko sa kanya.
May narinig akong kumatok sa pinto.
"Uh pasok." Saad ko. Baka si nanay lang 'yan dahil bakit naman ako pupuntahan ni Gozu sa kwarto? Maliban nalang siguro kung may sasabihin siya.
Tila nagulat ako nang lumabas ang mukha ni Gozu sa pinto. Nakatitig lamang siya sa akin. Halos lumabas naman ang puso ko sa dibdib ko dahil sa malakas na pintig nito. Anong kailangan ni Gozu? Bakit siya nandito?
"Uh a-anong kailangan mo?" Tumikhim siya at naglakad palapit sa akin. Tila napako ako sa kinatatayuan ko nang maglakad siya.
Napaka gwapo n'yang tingnan, ang tangos ng ilong n'ya at napaka ganda ng hubog sa mukha n'ya. His eyes are mesmerizing. Para bang kapag tumitig ako roon ng matagal ay mahuhulog ako. Umupo siya sa harap ko at nanatili lang akong nakatitig sa kanya, pinipigilan ko ang sarili ko.
"I'm here to talk to you about something." Panimula n'ya. His voice is strick and cold na para bang kailangan ko talagang sundin kung ano ang sasabihin n'ya. It's authoritative and distant.
"A-ano 'yon?" I replied. My voice is shaky. Tumingin siya sa akin sabay bigay sa akin ng isang maliit na papel kaya binasa ko ito. A contract for a housemaid. Sumakit ang puso ko sa binigay n'ya ngunit hindi ko ito pinakita sa kanya.
"You should not expect me to accept you like nothing happened. I'm a businessman Raya. You should know that. Lahat ng ito ay may kapalit. Don't worry, may sahod ka naman. There is a party happening next week and I need more workers." Tumayo siya ngunit nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa hawak kong papel. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko roon.
"O-okay." Tama naman siya. Fine, I will accept everything. Gagawin ko ang lahat ng sasabihin n'ya basta para sa ikakasaya n'ya.
"Good, pirmahan mo nalang 'yan after you're done reading it and please pass it on me." Tumango tango lang ako habang naka yuko. Malapit na rin tumulo ang mga luha ko. Nagsimula na siyang maglakad palabas nang magsalita ako. Mahina ang boses ko ngunit alam kong naririnig n'ya.
"Y-yeah, I'll do everything for you. J-just be happy." Mahina kong saad. Narinig kong tumigil siya sa paglalakad, hindi ko alam kung tumingin ba siya sa akin dahil nakayuko parin ako.
"Yeah, I'm happy. I'm very happy." He replied na nagpangiti sa akin ng mapait. Ano nga bang inaasahan ko? He is happy, without me.
"That's great." Mahina ko ulit na bulong and this time nahulog na ang dalawang butil ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masaya mo na wala ako mahal." Hindi ko alam kung narinig n'ya dahil sobrang hina na ng sinabi ko. Mabilis din siyang umalis kaya naiwan akong umiiyak.
Why everything is so hard? Gabi gabi nalang akong umiiyak because of pain and sufferings. Kailan ba ako magiging ayos?
Inilagay ko sa lamesa ang papel na hawak ko at pinunasan ng luha ko. Let's just be positive, atleast masaya siya ngayon diba. Mahalaga na 'yon.
My phone vibrated kaya kaagad ko itong hinanap. Nang makita ko ito sinagot ko kaagad. It's Kaelus, he's been calling me ngunit parang hindi ko ito napansin dahil nandito si Gozu.
"Y-yes?" Pinipilit kong ayusin ang boses ko para hindi n'ya mahalatang umiyak ako at tila nagawa ko naman.
"Finally, ano bang ginagawa mo riyan? Akala ko ba sasabihin mo lang sa kanya?" Nalilito ako sa kung ano ang sinasabi n'ya.
"What do you mean? Hindi kita naiintindihan Kae." Sagot ko. Bumuntong hininga siya kaya kinabahan ako.
"I have now your latest findings Raya and it is bad. Really bad." Just like that, all my hopes went down.
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...