CHAPTER 23

2.5K 51 7
                                    

CHAPTER 23

"Mommy, saan ka po galing? I miss you." Malungkot akong tumingin sa batang nasa higaan. He's already 7 years old at may oxygen na nakakapit sa ilong. At a young age he's already battling with cancer, what an unfortunate kid.

He is not my child, after kong magkaroon ng transplant, a bone marrow transplant to be exact hindi na ako pwedeng magkaanak. I became infertile. All the treatments and radiations ang side effects n'yan ay infertility.

I saw this kid and he was abandoned by his mother. I let him in at pinagamot and I'm hoping na katulad ko kaya n'ya ring malagpasan ang pag subok na ito.

"May pinuntahan lang ako baby, where's nurse Hyura by the way?" Tanong ko sa kanya at marahan na hinaplos ang ulo n'ya. He looks so fragile. Takot na takot ako dahil any minute from now kaya siyang kunin sa akin ng itaas. I don't want that to happen, this kid is my strength. Siya ang tanging rason kaya gusto kong magtrabaho o gumising man lang sa umaga. He made me live again.

"I miss you po mama, akala ko po iniwan n'yo po ako." He is traumatized. Eversince his mother left him in that dumpster tila takot na takot na siyang maiwan and I understand him.

Kapag iniwan ka ng taong pinagkakatiwalaan mo magiging sugat 'yon na kahit kailan ay hindi maghihilom. You will be forever hunted by the memories.

Hinalikan ko siya sa kanyang noo at ngumiti. "No baby, mama will never leave you okay? I love you so much Triyos. Magpagaling ka ha? Kapag magaling ka na punta tayong Disneyland okay?" Dahan dahan siyang tumango. Ang hina hina na n'ya.

Sa tuwing magkaroon siya ng seizures dahil sa sakit n'ya hindi ko maiwasang mapaiyak dahil alam ko kung gaano kasakit iyon. Kaya hindi ko pinaramdam sa kanya na nag iisa siya. I know what it feels having this illness without someone.

"Talaga p..po mama? Hindi pa po ako nakapunta roon hehe." Mahina n'yang tugon. Kahit gusto na n'yang ipikit ang kanyang mga mata mas pinili parin n'yang makipag usap sa akin. Pinipigilan ko ang luha kong tumulo sa harap n'ya. Ngumiti ako ng matamis.

"Oo kaya magpagaling ka ha? O sha, magpahinga ka muna riyan. Dito lang si mama sa tabi mo, hindi kita iiwan okay?" Dahan dahan naman siyang tumango sa akin. Bumukas ang pintuan at dumating ang nurse n'ya.

"Hi ma'am nandito ka pala. Lumabas po muna ako para kumuha ng pagkain ma'am." Saka ko nakita ang hawak n'yang pagkain. Ngumiti lang ako sa kanya at tumayo. Napatingin ako sa maliit na kamay na nakahawak sa kamay ko.

"S..saan ka po pupunta mama?" Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. "Pupunta lang si mama sa labas. Babalik ako mamaya okay?" Dahan dahan n'yang binitawan ang kamay ko. Yumuko ako para halikan ang noo n'ya.

"Ikaw na bahala sa kanya, may pupuntahan lang ako." Pilit kong pinipilit ang iyak ako. Nagpasalamat naman ako nang tumango sa akin si Yhura.

Mabilis akong umalis at sakto namang paglabas ko sa pinto saka nagsituluan ang mga luha sa mga mata ko. Ayaw kong makita n'ya akong umiiyak kaya pinipigilan ko. Mabilis akong bumaba at pumunta sa pinakamalapit na 7/11. Bumili ako ng maiinom at  umupo ako sa pinakadulo. While drinking tumutulo naman ang luha ko dahil sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.

Unti-unti nang nanlabo ang paningin ko nang may magsalita sa harap ko.

"Hi miss, is this seat taken?" Pinahiran ko ang mga luha ko at tiningnan ang babae. Tumingin ako sa paligid at nakita kong sa harap ko nalang pala ang walang naka upo dahil occupied na lahat. Tumango nalang ako.

The girl infront of me is so pretty, napaka ganda ng kanyang mata at tila namumula ang kanyang mukha. She look like a delicate rose.

"Oh I'm sorry dahil naistorbo kita. Naghihintay lang kasi ako sa husband ko papalabas na 'yon." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. I don't know what's going on inside my head right now. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Gusto ko nalang umiyak nang umiyak.

"I'm Rosegail by the way..." Binigay n'ya ang kanyang kamay for a handshake ngunit tinitigan ko lang ito pero hindi naglaon ay tinanggap ko na rin.

"I'm R...Raya nice to meet you." Mahinang saad ko habang pinipigilan ang mga luha kong nahuhulog. She seems bothered while looking at me.

"I know you're not okay but just be strong. Dadaan lang ang lahat ng ito. Just like me, I was once a battered wife. Walang araw na hindi ako sinasaktan ng asawa ko, people told me I was crazy dahil kahit sinasaktan na ako nasa tabi parin n'ya ako ngunit nang hindi ko na kaya ang lahat ng pananakit n'ya both mentality and physically. I left him. But years later bumalik siya and he did everything kaya pinatawad ko. I let myself free from all the hatred kasi everything deserves a second chance right?" Tumango tango ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit siya biglang nag open up sa buhay n'ya.

"I don't know what is really your problem but I think you need to hear it." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Doon nagsituluan ang mga luha ko. Is this a sign?

"Hey baby," A gorgeous man walk towards her and kissed her right cheek. "Let's go?" Tumango naman ang babae. "Nabili mo na ba ang kailangan mo Thorn? Hmmm....this...and that....okay let's go." Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Just stay strong, pagsubok lang ang lahat ng napagdaanan mo ngayon." Ngumiti siya sa akin at naglakad. Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ng kanilang mga katawan. They look so happy together. Nang may maalala ako mabilis kong kinuha ang bag ko at hinanap ang business card ni Gozu.

Alam kong may tama na ako dahil malakas ang loob ko ngayon. I dialled his number and minutes later may sumagot dito.

"Hello who's this?" I am disappointed when a woman's voice answered.

Mabilis kong pinatay ang telepono, uminom ulit at mahinang tumawa.

"What am I even expecting? Stupid."

***********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon