CHAPTER 36
Sino nalang ba ang pagkakatiwalaan ko? Halos lahat sila hindi nagsasabi ng totoo. Wala na ba talaga akong karapatang sumaya?
Tiningnan ko siya dahil hindi ako makapaniwala. Ako pa ngayon ang walang trust sa kanya?
"Haha you hurt me, p-paano pa ako maniniwala sayo kung araw araw mo nalang akong sinasaktan! Pwede bang patahimikin n'yo nalang ako!?" Sigaw ko at tumalikod sa kanya.
Niyakap n'ya ako sa likod kaya napahinto ako. I don't know what I should do. Hirap na hirap na ako.
"Please, hear me out mahal. Hindi ko na rin kaya pero pinipilit ko para sa atin. Ayaw kitang pakawalan mahal. Hindi ko kaya." I can feel his tears falling from his eyes. Hindi ako umimik, tumutulo lang din ang mga luha galing sa mga mata ko.
This relationship is so toxic, it both killed us. Ayaw kong gumising sa araw araw na iniisip kung totoo pa ba ang lahat kasi puro pagsisinungaling lang ang lahat. It's so stupid, this relationship is stupid.
"Please mahal, let me talk. Makinig ka lang. I will explain everything to you." Pumikit ako nang mariin at marahas na pinunasan ang mga luhang nahulog galing sa mga mata ko. "Noong bumalik ako, wala ka na. Ang sabi ko sayo na babalik ako. Na babalikan kita pero wala. You left, iniwan mo na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Ganoon mo lang ba talaga ako kabilis iwan mahal? Ang sakit sakit. Pero I still have faith in you during that time kaya pinahanap kita. You told me may sakit ka at naniwala ako. Noong nalaman ko ang kalagayan mo, pinuntahan kaagad kita sa hospital pero hinarangan ako ng papa mo. Gulat na gulat ako, ang alam ko wala kang ama but he showed me proofs na anak ka talaga n'ya." Tinanggal ko ang yakap n'ya at hinarap siya. Dinuro ko siya dahil sa labis na galit.
"S-sinungaling ka! H-hindi mo ako pinuntahan, may iba kang tinulungan! I-I saw you too! You were looking at the stars like a happy couple! T-tumakas ako para puntahan ka p-pero 'yon ang nakita ko. You killed me that night Gozu. Pinatay mo ako nang paulit ulit!" Sigaw ko sa kanya. Mukha siyang nalito sa sinasabi ko but minutes later realization hit him. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang mukha ko na tinabig ko naman kaagad.
"D-don't you dare touch me!" Itinaas n'ya ang dalawa n'yang kamay like he surrendered.
"I'm so sorry mahal, it's not what you think. Kaileia is a victim of arranged marriage. Kung hindi ko siya tinulungan noong gabing iyon ipapakasal siya sa iba kasi that time divorce na sila ng kanyang asawa and she was pregnant that time mahal. We noticed someone is watching us mahal at alam naming sa daddy n'ya 'yon. She begged na tulungan ko just for the last time kasi wala na siyang ibang malalapitan. It was just an act mahal." Pumalakpak ako sa kanyang sinabi. He helped someone habang nahihirapan ako. Anong klase siyang asawa?
"I-I was in pain! Tumakas ako para puntahan ka! T-tumakas ako para sayo kahit ang lala na ng sakit ko noon p-pero you were helping someone w-while I-I was dying. A-anong klase ka-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang yakapin n'ya ako nang mahigpit at hinalikan sa ulo. He is crying really hard.
"I'm really sorry mahal, hindi ko sinasadya. H-hindi ko alam na tumakas ka. Patawarin mo ako. Pero sana maniwala kang hindi kita iniwan at ni minsan hindi ako nag isip na palitan ka mahal. Palagi kitang binibisita, do you remember those flowers? Those tulips, those red and white bouquet of tulips. I was the one who sent it everyday mahal. Tulips means unconditional love mahal. The red ones symbolizes eternal love while the white tulips means new beginning." I can remember what he is saying. I remember those flowers pero hindi ko alam kung sino ang laging nagbibigay noon. I thought it was Kaelus kasi he told me he liked me.
"B-bakit hindi ka nagpakita?" I asked. Hindi pwdeng ang daming tanong sa utak ko. Pagod na pagod na ako sa ganito.
"Because of your father. May kasunduan kami, he knew about us. He knew na pumasok kang katulong sa sa bahay natin a-and I was your husband. He was really angry at me at deserve ko 'yon. He was only protecting you. Ang sabi sa akin ng papa mo hayaan ka munang maka recover, sa sakit mo. Hayaan ka munang magpagamot, h-hayaan muna kita. Hinayaan nga kita pero hindi ako umalis. Everyday, binibigyan kita ng bulaklak. Everyday I was visiting you hanggang sa naghanap sila ng donor. I had myself tested and we are compatible. I was your donor mahal. Sumama ako sa Australia, I left everything here pero hindi mo alam 'yon." He sobbed.
Paano nagawa sa akin ito ni papa? Paano? Ang tagal n'yang itinago sa akin 'to. Hinayaan ko ang sarili kong magalit kay Gozu. Hinayaan ko ang sarili kong kamuhian ang taong nagbigay sakin ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.
"Bumalik ako sa Pilipinas pero noong pagbalik ko sa hospital sa Australia wala na kayo. Pinahanap ko kayo pero wala akong matagpuan miski isa sa inyo. Tinago ka ng pala mo sa'kin mahal. K-kaya ang akala ko may iba ka na. Akala ko huli na ako. Akala ko anak mo ang batang 'yon. I called you a slut because of anger. I'm so sorry mahal, alam kong hindi makatwiran ang ginawa ko. I'm so sorry." Dahan dahan siyang lumuhod sa harap ko at kinuha ang kamay ko. I am just staring at him, hindi ko alam kung ako ang gagawin ko. Everything is killing me inside.
"Please mahal, just give me another chance please. Gagawin ko ang lahat mahal, gagawin ko mapatawad mo lang. Let's start again mahal. Please I'm begging you." He cried while kneeling.
Nasasaktan ang puso ko dahil sa ginagawa n'ya. But no, I still need to find myself. Hindi ako pwedeng bumalik sa taong sinira ako. Dahan dahan kong hinila ang kamay ko.
"I'm sorry, I can't." Mahinang saad ko at tumalikod. Paalam mahal.
***********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...