CHAPTER 2
"So tell me, what the hell happened? You know him? Kilala mo ang may ari ng mall na pinuntahan natin kanina? Asawa? Ano? Nalilito ako." He is full of questions, malungkot akong ngumiti at humiga sa kama. Tinulungan naman n'ya ako, hinawakan ang likod ko at dahan dahan akong pinahiga. Nang maka inom ako ng gamot bumuti na ang pakiramdam ko.
"I'm married to him." Malungkot kong pahayag. "But I left him because of my illness." Dagdag ko, he held my hand and stared at me.
His eyes speaks different emotions I can't name. May gusto siyang sabihin pero nanatiling tikom ang bibig n'ya at hinihintay lang akong magsalita.
"Tell me more, if you don't mind?" Tumango ako. May mga mumunting butil ng luha ang lumabas galing sa mga mata ko at dali dali ko itong pinunasan.
"Uhm I am married to him. We were the happiest couple that day kasi finally kasal na kami. Finally, kami na hanggang dulo pero hindi pa pala. Akala ko makukuha ko na ang happy ending ko pero mali pala ako. Months before lagi akong nahihilo, laging may lagnat at nakikita kong may mga pasa ako. Hindi ko parin pinapansin kasi baka sakitin lang ako dahil sa ulan. Ilang beses kasi akong nauulanan noon eh. Pero mga ilang araw ang laki na ng pinayat ko at ang bilis ko na ring masugatan. Hindi ko sinabi kay Gozu, nagpa check up ako before ng wedding namin dahil paggising ko nang araw na 'yon nagdurugo ang ilong ko. It was our honeymoon when the results came out, Dr. Lazaro called me and dropped the bomb. Hahahaha I have acute lymphocytic leukemia stage 3 and it spreads rapidly inside my body. " Tumigil muna ako umiyak. Nanatiling nasa gilid ang mga titig ko. Ayaw kong makita kung ano ang reaksyon n'ya.
"Paano ka napunta rito? And you're living with yourself Raya. Wala man lang makakatulong sa'yo. Bakit kayo naghiwalay? What happened?" Tanong n'ya kaya mas napaiyak ako.
"He wanted children so bad at hindi ko kayang ibigay 'yon sa kanya. Hindi kakayanin ng katawan ko, I don't want to harm my future child Kaelus. I know he loves me so much at kahit wala kaming anak okay lang sa kanya pero ayaw ko nun Kae. I don't want him to suffer. Ayaw kong makita n'ya akong inaatake, I don't want him to see how weak I am. Kasi alam ko ang feeling Kae, my mother had leukemia and I was there for her. Ang sakit sakit makitang namilipit sa sakit ang mahal mo sa buhay Kae sobrang sakit makitang unti unti siyang nawalan ng buhay sa harap mo. I almost killed myself because of pain." I added at dahan dahang pinunasan ang mga luha ko.
What's really the purpose of life? Bakit tayo nabubuhay? Para maranasan ang hirap? What's really our purpose here?
"So I left him during our night, I left him during our honeymoon Kae. I want him to hate me. I want him loathe me. Kasi alam ko, in that case he will forget me. M-Makakaya na n'ya akong iwan." I sobbed hard. Ang sakit sakit sa dibdib, para akong pinapatay habang iniisip ang mga mata n'yang puno ng sakit habang nagmamakaawa sa harapan ko. Hindi ko kayang isipin na nagawa ko 'yon sa kanya.
"I know you only did that because you think that's for the best Raya." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. What does he mean by that?
"Raya, hindi mo man lang siya binigyan ng pagkakataon na mag desisyon para sa sarili n'ya. You're selfish." Nagalit ako sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Ako pa ngayon ang selfish? I sacrificed everything for him.
"Don't talk to me like that Kae, paano ako nagiging selfish? I sacrificed everything Kae!" I tried to make my point but he shrugged it off.
"You can sacrifice everything but still wrong Raya. My father died and I wasn't there for him. Tinago n'ya ang sakit n'ya sa akin. Alam mo bang galit na galit ako sa kanya noon kasi pinapunta n'ya ako sa Maynila? Hindi ko maintindihan kung bakit n'ya ako rito pinag aral Raya eh may paaralan naman sa amin." Pumikit ako at tumingin sa gilid. He's trying to make his point and I know I won't like it.
"L-last year, nalaman kong wala na ang ama ko. Hindi ko man lang alam na may sakit siya. Hindi ko man lang siya napuntahan. I was busy hating him for some stupid reasons. Hindi ko man lang alam na kaya n'ya ako pinag aral sa Maynila kasi alam n'yang ilang oras nalang ang nalalabi n'ya sa mundo and he doesn't want me to sacrifice my study for him kasi alam n'ya kung gaano ko kagustong maging nurse Raya." Tears are also falling from his eyes. Naiintindihan ko na ang balak n'yang ipaintindi sa akin.
"Up until now nagsisisi ako Raya. Palagi kong sinisisi ang sarili ko kasi wala man lang ako sa tabi n'ya. Hindi ko man lang siya nadamayan sa sakit n'ya kasi pinili n'yang itago 'yon sa akin." Humihikbi narin siya. He's hurting really bad.
"How many months have passed but I'm still grieving Raya. I can't be happy, it feels like wala akong karapatan para maging masaya." I held his hand at tumango. Tumingin siya sa mga mata ko at parang may gustong gawin.
" Go back to him Raya. You still have a year to live don't waste it being sad. Waste it with him Raya para once mawala ka. You two will be in peace." Tango lang ang sinagot ko sa kanya. Alam ko kasing tama siya.
"Bukas na bukas din pupunta ako sa kanya. Do you think he'll still accept me? Do you think hindi pa huli ang lahat?" He gave me a smile, ang ngiting tumunaw sa lahat ng worries ko.
"No, hindi pa huli ang lahat. Basta may bukas may pag asa. Habang buhay ka pa, may pag asa pa. Don't waste your life Raya."
Tomorrow, I'll make this right. Kahit magmakaawa pa ako sa harapan n'ya gagawin ko, I made a very big mistake ay bukas na bukas aayusin ko 'yon.
**********************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...
