CHAPTER 18
"She probably made that up. Ayaw ng pamilya ko sa nanay mo dahil may nakalaan na silang babae para sa akin but my love for your mother was so strong. Ipinaglaban ko siya sa harap ng pamilya ko, they disowned me but I don't care kasi mas gugustuhin ko pang mawalan ng mana kaysa mawala ang nanay mo. Umalis kami at nanirahan ng masaya sa maliit na apartment. Doble doble ang trabaho ko dahil buntis na ang nanay mo noon. I was just 20 that time and your mom was 19 despite of everything we were so happy. But our faith is really cruel, n-nalaman naming may leukemia ang nanay mo dahil nga hindi na nila ako tinuring na anak wala na akong malapitan but for your mother nilunok ko ang pride ko at lumuhod sa harap ng mga magulang ko na tulungan kami. Umoo sila ngunit sa isang kondisyon, papakasalan ko ang babaeng gusto nila para sa akin at sila na ang magpapagamot sa nanay mo." Tumigil muna siya. Tears are falling from his eyes habang nakikinig lang sa kanya ang mga kasama n'ya. Hindi ko alam na ganito pala ang naranasan ng nanay ko.
"Of course hindi ako pumayag dahil hindi ko 'yon kayang gawin sa nanay mo. Sinabi ko sa kanya ang sinabi sa akin ng mga magulang ko and she was devastated. A-ang hindi ko alam, kinausap pala siya ng ina ko at pinagbantaang ipapatay k-kayong dalawa kapag naipanganak ka at tuluyan akong tanggalan ng mana at kung iiwan naman n'ya ako sila ang magpapagamot sa kanya at tulungan kang makapasok sa maayos na paaralan ngunit hindi na kayo dapat magpakita pa. Your mother was so selfless, p-pinili niya tayong dalawa. She left me with a note saying I was not enough and she was just using me for money. I-I was hurt but hinintay ko parin siyang bumalik I waited for a year ngunit hindi na siya nagpakita pa." Lumapit sa kanya ang sinasabi n'yang kapatid ko at hinaplos ang likod n'ya. I don't know him, he maybe Sea? Ocean? Or Wave? Hindi ko kilala. Nalilito ako sa mukha nila.
"One day may natanggap nalang akong mga pictures na kinasal na ang nanay mo. Galit na galit ako kaya bumalik ako sa amin at tinanggap ang offer ng ina ko but sa ibang kondisyon naman. Na pag aralin nila ako sa Canada.I'm now a doctor. A blood cancer specialist." Tila natuliro ako sa mga nalalaman ko ngayon.
"Ngayon ko lang nalaman ang totoo nang makita kita, you look like your mother. Hawig na hawig kayo ngunit nakuha mo sa akin ang mga mata mo. Akala ko namamalikmata lang ako nang akala kong ikaw si Eya ngunit nang tumingin ako sa records mo nakalagay roon ang pangalan mo Raya Elfora Eldefonso. Doon ko nalamang ikaw nga ang anak ko." Right, gamit ko parin hanggang ngayon ang surname ni Gozu. Tinanggal ko ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko at tumagilid. I want to absorb all of these.
"A-anak...pwede bang hayaan mo akong maging ama sa'yo? P-please...h-hayaan mo akong bumawi sa lahat ng mga taong wala ako sa tabi mo." Dahil sa sinabi n'yang iyon, tumulo ang mga luha ko. Naramdaman kong may gusto parin akong mabuhay. Parang naging importante ako. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siyang magsalita. Ngunit binasag n'ya ang katahimikan nang magtanong siya ulit.
"A-are you married? O surname 'yan ng n-napangasawa ng ina mo?" That question stuck in my head. Bakit kailangan pa n'yang magtanong? Gusto ko na ngang kalimutan ang lahat. Bumuntong hininga ako at dahan dahan umupo, mabilis naman akong tinulungan ng mga k-kapatid ko...raw.
"Y-yes I-I'm married but it's a long story and my mom? She died years ago because of cancer." Mabilis kong saad. Tila hindi makapaniwala ang taong nasa harap ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kanya ngayon. Dapat ba akong magalit kasi wala siya sa tabi ko sa loob ng ilang taon? O dapat bang bigyan ko siya ng pagkakataon? Dahil base sa kwento n'ya, hindi naman nila ng mama ko kasalanan ang pagkawasak ng pamilya sana namin. It was because of his family. Pinaglaban n'ya ang nanay ko ngunit ang nanay ko mismo ang bumitaw.
"I have leukemia at siguro ilang araw ang lilipas mamatay din ako. D-don't waste your money on me dahil baka masayang lang 'yan." Nagulat ako sa reaksyon n'ya, ang bilis n'yang umiling.
"No, hindi ko hahayaang kunin ka sa akin anak. Kung kailangang ubusin ko ang pera ko mapagaling ka lang gagawin ko. I know a lot of the best doctors in Australia anak and they all specialized in your case." The man infront of me said.
"B-bone marrow transplant. Gagawin natin 'yan para lang mapabuti ang kalagayan mo anak. Tandaan mo 'to, kahit maubos pa ang pera ko gagawin ko mapagamot ka lang.".
Kanina pa ako nakatulala rito, iniisip ang mga sinabi ng nagpakilalang ama ko raw. Hindi ko alam, ang daming tanong sa utak ko. Kung totoo man ang sinabi n'ya at kung aalis ako rito gusto kong walang makakaalam kung saan ako pumunta. I just want to disappear.
"Iniisip mo parin ba ang sinabi ng lalaking pumasok dito kanina?" Except Kaelus, he's been with me for years at masasabi kong siya nalang ang natitira kong kaibigan. It would be unfair for him kung bigla na lamang akong umalis nang walang paalam.
Nagulat ako nang marahan n'yang hawakan ang kamay ko. Why does he keep on holding my hand?
"Y-you know I've been thinking about this for months now. Na aalis ako ng bansa, I want a bigger salary Raya at hindi lang ako makaalis because of you. I felt like I'm stuck with you but I think this is an opportunity. Nurses in Australia has many benefits hindi katulad dito sa Pilipinas. Qualifications are really high and salaries are low hahaha. Alam mo bang ayaw ko nang mawala ka sa paningin ko eh and knowing what your husband did to you? Hell, I can even sacrifice my work here to be with you Raya. That's how you mean to me." Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi n'ya. What does he mean by that? Don't tell me?
"I-I have feelings for you Raya. I love you." What the fuck?
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuileGOZU'S POINT OF VIEW NEXT CHAPTER.
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...