CHAPTER 19

2.5K 48 6
                                    

CHAPTER 19

Tumakas ako sa treatment facility just to see Gozu. Before I go I just wanna see him for the last time. Nag taxi ako and it's already 8PM ngunit kailangan kong mag effort para puntahan siya. I miss him so much.

Pumunta ako sa bahay at kinausap si tatay na papasukin ako and he gladly opened the gate for me. Sa likod ako dumaan and my heart shattered when I saw them on the pool.

Gozu's right arm is at Kaileia's shoulder at nakahilig ang ulo nito sa dibdib ni Gozu while they are looking at the sky. Parang ang saya saya nila tingnan, they looked like a sweet couple. Namalayan ko nalang na unti unti nang nahuhulog ang mga luha ko. Ang sasakit sakit makita taong mahal mo na wala nang pakialam sa'yo. Noon ako lang ang tanging babaeng nakikita n'ya ngunit ngayon. Wala na, hindi na ako. Ang bilis n'ya akong napalitan.

Ganoon ba talaga ako kabilis palitan? Bakit ako? Mula noon hanggang ngayon ni hindi ako tumingin sa ibang lalaki dahil siya lang at wala nang iba pa. Bakit ang bilis naman n'ya atang palitan ang mga memories namin.  

Akala ko kapag mabasa n'ya ang notebook ko at masabi ko sa kanya ang rason babalik na kami sa dati but I was wrong. May mahal na siyang iba. This is what I want right? Pero bakit ang sakit? While I was busy fighting for my life, he is here with someone happily looking at the sky. They look like some main characters from the movie and I'm the crazy ex. Ang sakit sakit, sobra.

With an aching heart tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis. Dapat ko na siyang kalimutan. He is happy in other's arms. I should stop this nonsense dahil sarili ko lang ang sinasaktan ko. While I am grieving of our lost love he is with someone else and they are making memories together habang ako naiwan.

"Makakaya mo ang lahat ng ito Raya. Just believe in yourself." Saad ko sa sarili ko.

I promise this is my one last cry for the love I can't have. I tried but I'm tired. I need to unlock new chapters of my life to start again.

"Saan ka galing kagabi? Tiningnan kita sa kwarto mo and you aren't there." I still can't forget what Kaelus said yesterday. Hindi ko kayang isiping nagkagusto siya sa akin.

"I-I have feelings for you Raya. I love you." What the fuck? B-bakit? I mean paano siya nagkagusto sa akin. I am married. Umiling iling ako at nakita ko ang pagkabigo sa mga mata n'ya. This is what I feared. I don't want to disappoint him because he was there when everyone left me.

Pero ayaw ko siyang paasahin. It's better to hurt him with the truth kaysa paasahin ko siyang may gusto ako sa kanya.

"Kae, you know I am married right?" Saad ko. Marahan siyang tumango at yumuko.

"You know I still love him right?" Sa pangalawang pagkakataon, tumango siya ulit. Hinawakan ko ang mukha n'ya at pinatingin sa mga mata ko.

"You are my friend Kae and I don't want to hurt you. Mahalaga ka na sa akin Kaelus promise, ngunit alam kong ito lang makaka sira sa samahan natin at ayaw kong mangyari 'yon." Seryoso kong saad sa kanya habang nakatitig sa mga mata n'ya. Yumuko siya at tumango. Hinawakan ko ulit ang mukha n'ya at pinaharap sa mukha ko.

"No Kae, you have to understand. Ayaw kong paasahin ka. Please Kae. Please understand me." I don't want to lose him. Tila sumaya ako nang ngumiti siya sa akin, a genuine smile at alam kong naiintindihan na n'ya.

I don't really want to hurt this man infront of me, kaya alam kong mapipigilan ko pa ang nararamdaman n'ya. Alam kong sa sarili ko hindi ko kayang kalimutan si Gozu.

"Nah, naglakad lakad lang....anyway kumain ka na ba?" Sagot ko sa tanong n'ya kanina and instantly diverted the topic. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay at ngumiti.

"Ikaw ha pa fall ka HAHAHA wag kang ganyan baka mahulog ako at di na ako makaahon pa. Sige ka." Inirapan ko nalang siya, napaka jejemon talaga ng taong 'to sarap sampalin.

"Ewan ko sayo Kaelus, ano na naman nakain mo kaya ka nagkakaganyan. Siguro nakakain ka ng panis na pagkain no? Ano ano na naman kasi ang lumalabas sa bibig mong mukhang tae ka." Saad ko at tumingin sa kabilang side.

Nang aasar ata 'tong taong 'to eh. Nanggigigil pa naman ako ngayon. Mula noong umalis ako kagabi parang napaka hina na ng katawan ko. Parang pati pagsasalita unti unti na akong napapagod. Oral chemotherapy isn't making any progress in my body.

I don't really know what I should do. Nawawalan na ako ng will para mabuhay. Pagod na pagod na ang katawan ko sa mga gamot na pinapainom sa akin. Gusto ko nalang magpahinga habang buhay. Napapansin ko ring ang bilis bumaba ang timbang ko. I should just accept na mamamatay na ako.

"I have to rounds other patients, I'll be right back. Magpahinga ka na okay?" Ngumiti ako kay Kaelus, gumanti naman siya ng ngiti sa akin at umalis. I'm really tired. I just want to sleep.

May nararamdaman akong tumutulo galing sa ilong ko. Dahan dahan ko itong hinawakan ang I found out it's a fresh blood coming from my nose. Ang daming dugong umagas galing dito.

"Anak he----hey!" Bumukas ang pinto at mabilis akong napatingin sa sumigaw, ang lalaking nagpakilalang ama ko.

Hindi naman sana ako maniniwala sa sinabi n'ya noong una ngunit nang pakitaan n'ya ako ng dna test doon na ako naniwala.

"Oh God. Who's your doctor here? Hey Sea! Call your ate's doctor!" Everything seems blurry. Unti unti na akong nawala sa kamalayan ko. Is this the end?

"Anak? Stay with me please, hindi ko na kayang nakikita kang ganito. Whether you like it or not dadalin kita sa Australia at doon kita ipapagamot." Yan nalang ang narinig ko bago ako mawalan ng ulirat.

************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

ISSA PRANK HAHAHA DI PA POV NI GOZU

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon