CHAPTER 13
Ngayon ang araw kung saan ako magsisimulang magbilang. 15 days, I just need that 15 days para sabihin sa kanya ang sakit ko. My body is getting weaker, gusto kong sa mga huling araw ko kasama ko siya. Kahit man lang tingnan n'ya ako okay na sa akin. Basta ang mahalaga kasama ko siya. I will also give him the girl that he deserve and I think it's Kaileia. I just need that 15 days to make him fall in-love with her at masabi ko ang tunay kong kalagayan. 2 birds in one stone haha.
"Good morning nanay." I hugged nanay from the back. She's also important to me and I want to remember her bago ako mamatay.
"Good morning anak, kumain ka na ba?" Umiling iling ako habang nakayakap parin sa kanyang likod.
"Bakit parang ang init mo?" Ngumiti lang ulit ako sa likod n'ya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang ulo ko. Tila nagulat siya siya.
"Jusko anak ang init mo! May lagnat ka! Bakit ka bumaba ha? At saka hindi pa magaling ang kamay mo! Bumalik ka roon." Umiling iling lang ako kay nanay at ngumiti ngunit umiling siya at tinuro ang daan papuntang kwarto ko.
Hindi ko naiintindihan ang sarili ko ngayon, parang hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Ang init ng pakiramdam ko at ang sakit ng pulso ko. Malapit na nga akong mamatay kaya dapat magsaya ako.
Nakasuot ako ng isang malaking jacket at naka bonnet, ayaw kong makita ni Gozu ang kalagayan ko ngayon.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Hindi ko alam kung anong gamot ang sinasabi n'ya kaya tumango nalang ako. Umalis akong nakangiti at nang mawala ako sa paningin n'ya dahan dahang nawala ang ngiti ko at unti unting tumulo ang luha ko. Yey, malapit na akong mamatay.
Tinanggal ko ang bonnet sa ulo ko at hinawakan ang buhok ko. Mapait akong napangiti nang unti unting natatanggal ang mga hibla ng buhok ko. But I need to be positive, may nalalabing araw pa naman ako. Kailangan ko pang makahanap ng babaeng papalit sa akin.
Napatingin ako sa pinto at tumayo nang may kumatok dito. Nang buksan ko na sana mabilis akong bumalik at kinuha ang bonnet at sinuot ulit ito. Mabilis akong bumalik at binuksan ang pinto.
"Go-S-sir Gozu, bakit...po?" Nagka utal-utal kong saad. Natulala ako sa kanya, he looks so handsome in his suit, siguro pupunta siya sa opisina n'ya.
"Nanay told me you have a fever and by the looks of it, wala ka namang sakit. You're acting again to have our sympathy. That won't work on me." He directly said. Tila natauhan ako nang may nahulog na isang butil ng luha sa kaliwa kong mata. Dahan dahan ko itong pinunasan at napadako naman ang mga mata n'ya roon. Pumikit siya ng mariin.
"I need you at my office, sumama ka sa akin ngayon, I need a personal assistant dahil marami akong gagawin. You were my personal secretary before and I think you still have it inside you." Kaya ko pa naman siguro ng katawan ko kaya tumango tango nalang ako bilang pagsang-ayon.
"Good, magbihis ka, maghihintay ako sa kotse. Hurry up or we'll be late." Umalis na siya at naiwan ako. Mabilis akong nagbihis ng desenteng damit. Nandito pa naman sa akin ang mga damit kong laging ginagamit noon.
Bumaba ako at nakita ako ni nanay, nagulat siya sa dahil sa akin.
"Anak? Bakit ka nakabihis? Saan kayo pupunta? Si Gozu ba kasama mo? Kumain ka na ba?" Sunod sunod na tanong ni nanay. Nagmamadali akong naglakad papunta sa pintuan.
"Sa opisina nalang ako kakain nay. Alis na po ako." Saad ko at mabilis na binuksan ang pinto.
"Teka----ang gamot mo...ana---" Hindi ko na narinig kung ano ang sinabi n'ya dahil mabilis akong pumunta sa kotse at sumakay.
Naabutan kong nasa driver's seat si Gozu, nasa likod ako. Tumingin siya sa akin at tiningnan ang suot ko. Kumunot ang kanyang noo nang makita n'ya ang bonnet sa ulo ko.
"Pwede bang tanggalin mo ang bonnet na 'yan? You look like a clown." Lumunok ako at hinawakan ang bonnet ko, hindi ko ito pwedeng tanggalin dahil makikita n'ya ang buhok kong unti unting nalalagas.
"Ah w-wag, hindi pwede. Medyo masakit kasi ang ulo ko kapag naiinitan k-kaya hindi pwede....." Nahihirapan ako kung paano sabihin sa kanya kung bakit hindi pwedeng tanggalin ang bonnet sa ulo ko.
"Okay whatever, saka pwede ba? Dito sa umupo sa harap. I am not your driver." Nahihiya akong tumingin sa kanya at lumabas sa kotse at umupo sa tabi n'ya.
On our way to his office napaka tahimik naman and I think mas mabuti na 'to. Dumating na kami and while we're walking, the employees gasp. Nakita ba naman nila ang dating asawa ng boss nila at ngayon ay magkasama na. Hindi ko nakita ang kanyang secretary nang dumating kami roon. Kaya siguro n'ya ako dinala rito dahil absent ito.
"Let's go, may meeting ako." Sumunod lang ako sa kanya at ginagawa ang mga pinapagawa n'ya. Hilong hilo na ako at ang sama na talaga ng pakiramdam ko ngunit kailangan kong matapos ang araw na 'to. Kaya ko pa, kaya pa ng katawan ko.
"Encode these files, hurry I need it at 1 PM." Napatingin ako sa orasan and it's already 12, wala akong kinain mula kanina at ang dami ng dapat e-encode.
"Go-S-sir, hindi ko kayang tapusin 'to ng 1 k-kakain pa a-ako." I tried to explain but he just shoved me.
"Binabayaran kita kaya do your job." Hindi nalang ako umiimik at nagsimulang mag encode. Kaya ko pa naman siguro ito, kaya pa ng katawan ko.
It's already 12:40 at umiikot na ang paningin ko, dahil siguro sa lagnat ko at wala akong kinain miski uminom man lang ng gatas.
"Hello, where's Gozu? Can you hurry?" Nagulat ako sa babaeng lumapit sa akin. She looks really beautiful ngunit hindi ko nagugustuhan ang kanyang tono.
"Who are you?" Tanong ko sa pangalan n'ya. Tinaasan n'ya ako ng kilay.
"Tell him a certain Brittany is here! Hurry! Stupid secretary." Pinipigilan ko ang emosyon ko dahil sa sinabi n'ya. Tumayo na lamang ako at tinawag si Gozu gamit ang teleponong connected sa office n'ya.
"Yes what is it?" Sagot n'ya.
"A certain Britanny is looking for you, papasukin ko ba?" Tugon ko.
"Yes, let her in." Binababa ko na ang tawag at pinasok si Brittany. Ang selos sa dibdib ko ay hindi ko kayang baliwalain lang ngunit pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko para matapos na ako at salamat sa Diyos natapos ko naman lahat ng pinapaggawa n'ya. Hindi ko na talaga kaya, ang sama sama na ng pakiramdam ko, gusto ko na ring sumuka dahil hilong hilo na ako. Ngunit kailangan ko itong matapos kaya tinawagan ko kaagad siya at mabilis naman n'yang sinagot.
"What!?" Napakunot noo ako dahil sa paggalit n'yang sagot.
"I-I'm done...sir Gozu.."
"Come on honey, ibaba mo 'yan. Hindi pa tayo tapos." Napatigil ako dahil sa narinig ko.
Mabilis kong binaba ang tawag at mabilis na tumakbo paalis. Ang sakit ng puso ko at ang sakit din ng ulo ko. Hindi ko na alam. Dumilim ang paligid ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig.
*************************
Hit it dudes
-MissteriousGuileI'm sorry guys ang dami kong school works huhu, pero babawi ako. Hope you'll like this chapter.
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...