CHAPTER 25
"I want an annulment." Mahinang saad ko.
The white ceiling of this fancy restaurant is calming me. His expression changed. Kumunot ang noo nito at tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. But what can I do? That's all I want from him.
"I will give you what you want but like I said in one condition." This one condition again? Bakit ba gusto n'yang bumalik ako sa bahay na 'yon.
"Tumira tayo sa iisang bubong for 2 months and I will sign the annulment papers." Tumahimik ako. Alam kong hinding hindi siya pipirma sa annulment papers na 'yon kapag hindi ko ibibigay ang gusto n'ya. I know him too well.
"1 month. Titira tayo sa iisang bubong for 1 month and after that pirmahan mo na ang annulment. Deal?" Matigas kong saad. Nag isip siya saglit at nag abot ng kamay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot n'ya sa offer ko. "Deal." Nilagay n'ya ang kamay n'ya sa harap ko, he is asking for a shake hand. Napatitig ako roon at dahan dahang binigay ang kamay ko. Nang magkahawak ang kamay namin, tila may nararamdaman akong kuryente ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito maaari.
Napatitig ako sa kamay naming magkahawak nang pigain n'ya ang kamay ko. Hindi ko nalang ito pinansin at tila wala akong pakialam sa ginagawa n'ya.
"Deal," matigas kong saad. "But I have one condition."
Tumaas ang kilay n'ya at marahang nag isip kung ano ang sasabihin. Mabilis kong tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya saka nagsalita. "I only have one condition at sana naman tuparin mo." Saad ko ulit.
"Okay what is it?" Ngumiti ako at nagsimulang magsalita.
"Walang paki-alamanan." Matigas kong saad habang nakatingin sa mga mata n'ya.
"Come on, I can't do that Raya. Nakatira tayo sa iisang bubong." Saad n'ya. Tumayo ako at nagsimulang nag ayos ng gamit.
"Take it or leave it." Nakangisi kong saad. Tumitig siya sa akin at hindi ko akalaing ngumisi rin siya.
"Okay but I tomorrow you tomorrow morning. Bukas na bukas din ay dapat nasa bahay ka na."
When we talk about life, maiisip nating bakit ang unfair. Bakit nasa ganito tayong sitwasyon, bakit masaya ang iba, bakit malungkot tayo. Bakit ang ganda ng buhay ng iba? Bakit ang sa atin ang pangit ng takbo? Is life really worth fighting for? Bakit parang pagod na pagod na ako.
"Baby you have to fight for mama okay? I love you you so much." Dahan dahan tumango ang anak ko habang dinadala namin siya sa hospital. Nang makarating na kami noon tila nawalan ako ng enerhiya. Naalala ko kung ano ang dinanas ko noon. Ngayon, anak ko naman.
"Mahal na mahal kita anak." Dahan dahan n'yang pinikit ang kanyang maliit na mga mata. Ang putla putla ng kanyang mukha at halos hindi na siya makapag salita.
"Lalaban ka ha, lalaban ka. Mahal na mahal ka ni mama anak ko. Wag mo akong iwan." Iyak lang ako nang iyak habang naka hawak sa kanyang kamay.
Sa pagpikit ng kanyang mga mata at dahan dahang pagkatanggal ng kanyang hawak sa aking kamay tila nawalan na ako ng lakas.
"Dito lang kayo ma'am. Hindi kayo pwedeng pumasok."
Tila naging isang pelikula ang paligid ko, tila nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa isang malaking silid at walang lagusan. Nag unahang tumulo ang mga luha ko at napaupo.
"B-bakit a-anong kasalanan ko. Bakit ako pinarusahan ng ganito? B-bakit?" Tila wala na akong lakas. Tila baon na baon na ako sa sakit na nararamdaman ko. Parang gusto ko nalang magpahinga at hindi na muling gigising pa.
"Ma'am tumayo po kayo." Tinulungan ako ni Yhuri na tumayo, hinang hina ako at hindi na makapag salita pa.
Ang tanging panalangin ko nalang na sana maging maayos ang anak ko. Na sana hindi n'ya ako iiwan tulad ng mga taong nang iwan sa akin noon. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala siya sa akin. Mamamatay ako.
"Uminom po kayo ng tubig." Binigay n'ya sa akin ang mineral water ngunit tinanggihan ko ito. Pagod na pagod na ako.
"Ma'am don't worry, magiging maayos din ang lahat." Niyakap ako ni Yhuri at doon ako umiyak sa balikat n'ya. Takot na takot ako sa pwedeng mangyari sa anak ko.
"Malakas si botchog, hindi ka n'ya iiwan ma'am. Lalaban siya para sa'yo." Tumango tango ako habang umiiyak. Sana nga lalaban siya, sana nga hindi n'ya ako iiwan.
Ilang oras ang lumipas habang hinihintay namin na lumabas ang doktor. Mabilis akong tumayo at tumingin kay Yhuri.
"I-ikaw na ang maghintay, t-tawagan mo nalang ako mamaya." Saad ko at nagsimulang maglakad. Tinawag n'ya ang pangalan ko ngunit hindi ko siya nilingon.
Pumunta ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa simbahan. I want to pray and beg for God na sana huwag n'yang kunin sa akin ang nag iisang dahilan kung bakit pa ako lumalaban ngayon sa buhay.
Nasa harap na ako ng simbahan and I notice, may binyag pala. It's just a small celebration dahil wala masyadong tao. I notice a familiar car ngunit dahil baka nagkakamali lang ako. Nasa harap lahat ang mga tao.
Pumasok ako at lumuhod sa pinaka dulo at nagsimulang magdasal. Taimtim akong nagdasal at nagmakaawa sa panginoon na bigyan pa ng mataas na buhay ang anak ko.
Sa tingin ko natapos na ang binyag dahil nagsi alisan na ang mga tao. What a happy family, karga ng ama nito ang bata at nakahawak naman sa braso n'ya ang babae. Kailangan kaya ako magkaroon ng ganyang pamilya? Hindi na siguro dahil wala akong kakayahang magkaanak.
Wait a minute, they really look familiar. Tumayo ako for a better view and I was right. I don't know why my heart contradicted in pain after I saw them happily walking like a perfect family.
"Gozu, Kaileia." I whispered. Nang tumulo ang luha ko, mabilis akong naglakad paalis. Marahas kong pinunasan ang mga luha kong nahuhulog galing sa mga mukha ko.
"Sinungaling ka. Liar! Sinungaling!" Sigaw ko sabay pinalo ang manibela.
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomantizmTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...