CHAPTER 40

2.8K 54 5
                                    

CHAPTER 40

Noong araw na iyon, hindi ako makatulog. Iniisip ko parin ang pagpunta ni Gozu sa isla. Ang kanyang pagkuha sa annulment papers namin, ang kanyang pagpapakasal sa iba at ang pag uusap namin. Hindi parin ako makapaniwala, bakit ang hirap sumaya para sa kanya?

"Ate, punta tayo mamaya sa tabing dagat. Malapit sa kainan." Hez said.

"Bakit anong meron?" Tanong ko habang naglalakad. Bigla siyang sumunod sa akin kanina at tinanong ako kung sasama raw ba ako.

"May kasalan daw ate eh, hindi ko alam kung sino. Ang swerte nga ng babae kasi akalain mo 'yon pinuntahan pa siya ng lalaki rito sa isla kyaahhh kinikilig ako! Anyway sunduin kita mamaya ha." Mahabang saad n'ya habang kilig na kilig, tumakbo siya at bumalik sa pinanggalingan n'ya. Napakunot noo ako, anyare sa babaeng 'yon?

Ang swerte naman ng babaeng papakasalan, pinuntahan pa rito. Ako? Pinuntahan nga para makipag hiwalay HAHAHAHAHA. Bawi nalang ako sa next life.

Umuwi nalang ako sa bahay and dialled Wave's number, ilang minuto muna bago may sumagot dito. I crossed my fingers, sana hindi nagbago ng number ang kapatid ko.

"Hello sino to?" Babae ang sumagot, hindi ko kilala ang boses. Sino 'to? Where's Yhuri?

"Pwede bang ibigay mo ang phone kay Wave? I have something important to say. Thank you." I politely said. The girl snorted kaya nailayo ko ang phone sa tenga ko.

"Stay the fuck away from my boyfriend bitch! He's taking a shower and we had sex kaya kung sino ka man. Go to hell! " Napakunot ang noo ko sa sinabi ng babaeng kausap ko. What the fuck? Where's Yhuri? Bakit pumapatol na sa low class na babae ang kapatid ko?

"Miss whoever the fuck you are. Bring this fucking phone to my brother. Also, please tell my brother to break up with you. Bakit pumapatol siya sa mga low class na kagaya mo!" I was having my drama yet this stupid girl ruined it. Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ng kapatid ko ngayon at pumatol siya sa babaeng ito.

"Y-you're W-Wave's sister? Hala sorry po ate, sorry po talaga hindi ko po sinasadya. A-ano p---" Pinatay ko ang tawag. I was having my breakdown and everything yet that girl ruined it, tumayo lahat ng balahibo ko sa inis eh.

Ilang minuto ang lumipas nang tumawag sa akin si Wave. I miss him, sa kanya ako pinaka close eh, ka close ko rin naman ang iba kong kapatid but Wave hits different. Sinamahan n'ya ako sa lahat. He didn't left me when I was in my lowest part of life. I was so thankful dahil nandoon siya but I still cut him off, I am protecting my peace of mind that time and now ayaw ko nang tumakbo. Pagod na ako makatakbo eh. I wanna face everything.

"Ate! I miss you! I'm sorry, I was in the shower." Umirap ako na tila nakikita n'ya.

"Yeah, someone answered the phone. Your new girlfriend? What about Yhuri? Don't tell me you cheated!?" I can't help but to ask. Saan kaya si Yhuri? Sa lahat si Yhuri lang ang gusto ko para sa kanya.

"Yes ate. Anyway let's not talk about that. Saka nalang po kapag nagkita tayo. Mariel told me you called and she said some rude things. I'm sorry on her behalf ate." He sincerely said. Wala na akong magagawa, he's the ruler of his life. Ang tanging magagawa ko lang ay kausapin siya at bigyan ng patnubay.

"Okay, I don't know what you're dealing right now pero kapag alam mo na ang para sa'yo, don't hurt her kapatid." Saad ko. He released a sigh kaya pumikit ako nang mariin.

"Okay ate. Thank you. Uh, I gotta go see you later ate. I miss you!" Napakunot noo ako. Anong see you later ang pinagsasabi ng batang 'to? Alam n'ya rin ba kung nasaan ako?

"Anong sinasabi mong see you later-----" Napapadyak ako ng paa. Anong pinagsasabi kasi ng batang ito?

Tinanggal ko nalang sa isip ko ang kanyang sinabi. Minsan kasi hindi ko naiintindihan ang mga tao. Kaya mas minabuti ko nalang ang mapag isa kaysa makipag usap sa kahit kanino.

Naligo ako sa dagat at hindi iniinda ang init ng araw. Ang sarap sa katawan, parang natatanggal lahat ng problema ko sa buhay. Pagkatapos kong maligo nagbihis kaagad ako. Nagulat ako nang biglang pumasok si Hez at hinila ako palabas.

"Teka, teka bakit? Wait lang hindi ko pa na lock ang bahay." Binitawan n'ya ako kaya mabilis akong bumalik at ni lock ang bahay. Anong meron sa babaeng ito at napaka hyper? Parang kilig na kilig.

"Dalian mo ate, magsisimula na ang kasalan ackkkk!" She said while blushing. Yeah, ang kasalan pala. Makapunta nga para maging bitter na naman.

Naglakad na kami papunta sa sinasabi n'yang lugar nang bigla siyang tumigil at parang may nakalimutan.

"Ano 'yon?" Tanong ko. Naguluhan kasi ako sa inasta n'ya.

"Ate, wait lang po. Oh no, nakalimutan ko ang cellphone ko. Nako, ate ano uhm---- pwede bang hintayin mo muna ako? Babalik ako kaagad." Hindi na ako nakasagot nang tumakbo siya paalis. Napapadyak nalang ako sa paa ko. I don't have any other choice kundi hintayin siya.

Ilang minuto ang lumipas at wala parin siya kaya umupo na lamang ako sa isang malaking bato malapit sa tabing dagat.

"Tagal naman ng babaeng 'yon." I murmured.

Unknown number

Napakunot noo ako at sinagot ito. Mabuti nalang nasa tabing dagat ako kaya mabilis ang data connection. Sino ba 'to?

"Hello? Sino 'to?" Takang tanong ko.

"Hi, I miss you mahal." Nahigit ko ang hininga ko nang biglang magsalita ang nasa kabilang linya.

"G-Guzo.." Bulong ko. Oh God, I miss his voice too much. Dala ng pangungulila, unti unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"C-can you, let me speak muna mahal? Please?" Tumango ako na tila nakikita n'ya.

"H-hi, I know I've been a jerk mahal. S-sinaktan kita. You became my ignored wife. Lahat nang ginawa ko sayo ay walang kapatawaran. I'm so sorry mahal ko, gusto kitang ibigay to someone better pero I told myself, I want to be a better person for you. I will be a better person para maging worthy ako sa love mo. I'm doing my best every day mahal. Magsimula ulit tayong dalawa. Sa bawat araw na wala ka sa tabi ko...para akong pinapatay. Kung alam mo lang, miss na miss na kita. Balikan mo na ako oh....." I can hear a sob from the other line. Is he crying? I am honestly surprised because of his sudden call and confession. Anong nangyayari?

"G-Gozu..." I whispered again.

"Let's forget everything and start again mahal..." Alam ko sa sarili ko, I am willing to start again. Kaso alam ko, kahit anong mangyari babalik at babalik parin ako sa kanya. He's my home after all.

"Mahal, before anything. Do you still love me?" He asked. Lumunok ako at may isang butil ng luha ang nahulog galing sa mata ko

"Yes, hindi nagbago 'yon. I still love you." I replied without hesitation.

Biglang namatay ang tawag pero nagulat ako nang biglang may yumakap sa likod ko.

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito mahal." It's him, it's really him. His scent, his voice and his warm body. Hinding hindi ko makakalimutan 'yon. God, I really love this man so much.

"I miss you." Mahinang saad n'ya at hinalikan ang ulo ko. Umiyak ako at binaon ang mukha ko sa katawan n'ya pero natuod ako nang  bigla siyang lumuhod sa harap ko at may kinuhang maliit na singsing. Napasinghap ako.

"Will you marry me mahal?" Hindi ako makapaniwalang tumango.

Mabilis siyang tumayo at nanginginig na sinuot sa akin ang singsing, mabilis n'ya akong hinila at dinala sa lugar kung saan tila may ikakasal. Mag pari na sa harap nito at nakangiting tumingin sa amin. Nanginginig akong tumingin sa paligid at mabilis na bumuhos ang mga luha ko nang makita ko ang lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko, si papa, ang mga kapatid ko, si Yhuri, halos silang lahat.

"Let's get married mahal."

*************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon