CHAPTER 6

3.2K 52 1
                                        

CHAPTER 6

What he said is really painful. I feel like my heart is being crushed into pieces. Was love really like this? 'Yong tipong pasasayahin ka pero sasaktan ka rin pagdating sa huli. Iyong tipong ang saya saya n'yo noong una pero magbabago nalang ang lahat lahat? But I need to be strong dahil ako naman ang may gawa sa kanya nun. I made him like that.

Pumunta ako sa kwarto ko dahil hinang hina na ako. Hinanap ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Kaelus. I am not really feeling well, any minute from now parang mawawalan na ako ng ulirat and I don't want to let them see me like this. Hindi pwede.

"K-Kae help me please, k-kunin mo ako rito sa bahay. I don't think I can make it, please I'm begging you Kae, help me please." It's been a really tough night and I don't think I can still handle it.

"I'm on my way, once na nasa labas na ako tawagan kita kaagad, magdala na rin ako ng taxi. Just please hold on." Pinatay ko na ang tawag. Dahan dahan akong naglakad pababa, the steps are really making me sick. Hilong hilo na ang pakiramdam ko ngunit kinakailangan ko pang bumaba sa hagdanan.

"P-please hold on kaya mo 'yan." Pilit kong pinapalakas ang sarili ko habang bumababa. Parang hirap na hirap na ako, hindi ko na kaya.

Just two more steps ngunit nadulas ako and I almost hit my head, buti nalang naitukod ko ang siko ko.  I think I'm not gonna make it, I'm about to faint pero hindi ako susuko. Dahan dahan parin akong naglakad papunta sa pinto. Kaya ko 'to, kayang kaya ko ito.

Nagtagumpay ako nang dumating ako sa pinto, binuksan ko kaagad ito ay sinadaro bago umalis. There is this guard house on our house at nandoon naka duty si tatay Berting. Nang makita n'ya ako dali dali n'ya akong tinulungan.

"Ma'am anong nangyari sa'yo!? Ang putla mo! Tatawagin ko si sir!" Natataranta n'yang saad ngunit dali dali akong umiling na nagpapadagdag sa hilo ko. Hinawakan ko nalang ang kamay n'ya tila roon kumukuha ng lakas.

"Please tatay, this is just between me and you. Wag na wag mong sabihin 'to sa asawa ko at kay nana, please lang nagmamakaawa ako." He is hesitant pero seryosong seryoso ako. Nakahinga ako nang maluwag nang dahan dahan siyang tumango.

"Salamat tatay." Aalis na sana ako ngunit hinawakan n'ya ako sa braso, napatingin ako sa kanya habang naguguluhan.

"Iha ang putla putla mo, saan ka ba pupunta? Ihahatid kita roon halika." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Inalalayan naman n'ya akong maglakad.

"Tulungan n'yo po akong pumunta sa daan, may hinihintay po akong taxi." Tumango tango siya at hindi na nagtanong pa, nang dumating kami na kami sa daan sakto naman na tumigil ang sinasakyang taxi ni Kaelus. Dali dali n'ya akong pinasakay at nagpasalamat kay tatay.

Nang bumabyahe na kami tinanong n'ya ko. "Jusko naman Raya, akong nangyari sayo? Ang sabi ko araw araw kang bibisita sa center. Bakit di ka man lang nagpakita roon? Tingnan mo ang nangyari sa'yo!" Wala na akong lakas pa na magsalita. Sumandal nalang ako sa balikat n'ya. I don't know what happened because I fainted in his arms.

I opened my eyes and a familiar room welcomed me. I'm in the treatment center, I look at the clock at umaga na pala. It's already 5 AM. Kailangan kong makauwi kaagad sa amin, hindi pwedeng maabutan ako ni Gozu na wala roon. Pero kung nandoon ba ako may pakialam ba siya sa akin? Diba wala?

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. It was Kaelus and he look relieved the moment he saw me.

"Salamat naman at gising ka na, nawalan ka ng malay kagabi. Inumin mo na 'tong gamot mo." Ibinigay n'ya sa'kin ang gamot ko at tinanggap ko naman ito.

"Sabihin mo nga sa akin kung ano ang nangyari? Have you told him yet?" Tumango ako. Kinuha n'ya ang baso at nilagay sa gilid ko nang matapos akong uminom.

"Anong reaksyon n'ya?" Tanong n'ya. Ngumiti ako ng malungkot at may tumulong luha sa mga mata ko. Kapag naalala ko talaga ang mga araw na 'yon, hindi ko mapigilang malungkot at mapaluha.

"Hindi siya naniniwala." I told him directly. He hugged me with sympathy. Hindi ko na naman mapigilang umiyak.

"You'll be fine, don't worry." Sana nga magiging maayos ang lahat.

Kailangan na n'yang umalis para sa ibang pasyente, tumango lang ako at nag bid ng goodbye sa kanya. Habang ako nalang ang natira, hindi ko mapigilang maaawa sa sarili ko. Bakit ako? Ang dami namang iba riyan na gustong gusto nang mamatay pero bakit ako? I just want to live a happy life with him pero bakit pinahiran kami? Ako?

Hinintay kong mag 5 PM bago ako umuwi sa bahay. Ang akala ko si nana lang ang naghihintay sa akin kasi alam ko namang wala siyang pakialam but I thought wrong dahil pagdating ko roon he is looking directly at me while drinking a coffee. Really? At this hour?

"Uh may pinuntahan lang ako." Panimula ko. As usual, hindi n'ya pinansin ang sinabi ko. Uminom lang siya ng kape n'ya. Pupunta na sana ako sa kwarto ko para magbihis pero nagulat ako nang magsalita siya.

"Bago ka aalis ng hindi nagpapaalam, isipin mo muna ang mga naghihintay rito sa bahay na ito." My hopes went high, ibig ba n'yang sabihin, naghintay siya? Is he going to give me another chance? Aayusin na ba namin ang gusot namin?

"P-pasensya na kung hindi ako nagpaalam sayo, kailangang kailangan ko kasing puntahan eh." I am really happy dahil pinansin n'ya ako at naghintay siya.

Maybe I should not put my hopes high because what he said next broke me.

"Don't get your hopes too high woman, I am not waiting for your arrival. It's nana who's waiting for you the whole time and not me." He directly said and because of that my tears are falling again.

"Anyway you can go and never come back. Like what you did a year ago. Right?"

**************************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon