CHAPTER 11

2.3K 45 7
                                    

CHAPTER 11

"Ah ano po, tulungan ko nalang po si nanay sa kusina." Bigla kong saad kaya napatigil sila sa pag uusap. Yumuko ako dahil ayaw kong makita nilang umiiyak ako.

"Ah yes, go ahead." Gozu said. Naka yuko parin ako at hindi tumitingin sa kanila. Mabilis akong naglakad paalis at nang makita ko si nanay bigla ko siyang niyakap. Humagulgol ako sa kanyang balikat.

"Anak? Ano? Bakit ka umiiyak?" Natatarantang saad ni nanay.

"Nanay ayaw ko na po hindi ko na po kaya. Bakit po ang sakit sakit, nanay bakit ako nalang lagi ang nahihirapan? Pagod na pagod na po ako." Humagulgol ako sa kanyang balikat, tila naiintindihan naman n'ya ako at hinaplos ang likod ko.

"Hindi ko na po kaya nanay pagod na pagod na pagod na po ako." Wala akong narinig na tugon ni nanay, hinayaan n'ya lang akong yumakap sa kanya at umiiyak. Hinahaplos n'ya ang likod ko at hinayaan akong ipalabas ang nararamdaman ko.

Nang kumalma na ako hinawakan n'ya ang mukha ko at pinahiran ang mga luha ko.

"Anak, makakaya mo 'to. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Balang araw magiging maayos din ang lahat." Ngumiti nalang ako ng malungkot sa kanyang sinabi dahil alam kong hindi na darating ang araw na 'yan.

"Anak, sagutin mo ang tanong ko." Hinang hina ko siyang tiningnan. "Ano po 'yon?" Tugon ko.

"May sakit ka ba?" Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa tanong n'ya. Bakit n'ya kaya ako naitanong ng ganyan?

"A-ano w-wala po. B-bakit p-po?" Hindi ako magkamayaw, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Anak alam kong may sakit ka. Nabasa ko ang notebook na naiwan mo. Kaya magsabi ka nalang ng totoo. Iyan ba ang rason kaya ka umalis?" Alam kong wala na akong kawala sa tanong ni nanay. Tumulo ulit ang mga luha ko at dahan dahan tumango. Tila nawalan ng kulay ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"Jusko anak." Niyakap n'ya ako at nararamdaman ko ang mga luhang nahuhulog galing sa kanyang mga mata.

"May cancer po ako nay at ilang buwan nalang po ang itatagal ko. Kaya po ako bumalik dito para hingin ang patawad ni Gozu pero bakit po ang sakit? Ang hirap hirap po nanay." Umiyak ako. Nag iiyakan kami habang magkayakap. Tila nakahanap ako ng kalinga ng isang ina kay nanay. Halos ayaw na n'ya akong bitiwan ngunit kailangan.

"Ako na po ang magdala n'yan sa kanila." Umiling iling si nanay.

"Wag mong saktan ang sarili mo anak, maaawa ka. Gusto kong ako ang magsabi sa asawa mo pero wala akong karapatan." Nanay looks helpless, gusto n'yang tumulong pero wala siyang magagawa. Umiling iling ako at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay.

"Nay, sinabi ko na po sa kanya pero ayaw n'ya pong maniwala sa akin." Ngumiti ako ng malungkot. Hindi ko mabasa ang reaksyon ni nanay, siguro halo halo na, nalulungkot siya para sa akin at siguro galit siya kay Gozu.

"Hayaan na po natin siya nanay, kung saan siya masaya. Masaya narin po ako." Ngumiti ako at mabilis na kinuha ang lalagyan ng dalawang cake, just for them. Hindi na ako napigilan ni nanay nang tumalikod ako at pumunta sa kanila. Bumuntong hininga muna ako at pilit na ngumiti papunta sa kanila.

Nilagay ko sa harap nila ang dala ko. Hindi ko sila kayang tingnan, ang lapit nila sa isa't isa. They look really in-love.

"Kail eat this." Nag angat ako ng tingin at nakita kong kumuha ng kutsara si Gozu para sa cake at sinubo ito kay Kaileia na nag ce-cellphone. Pilit kong pinipigilan ang emosyon ko, total manhid na ako. Kaya ko ito.

They really look like lovers, Gozu looks like a caring boyfriend. Sinusubuan n'ya ng cake si Kaileia while she's busy doing something on her phone. Come on Raya! Umalis ka na riyan! Why are you still watching them!

"What are you doing there? Umalis ka riyan and do your job. I paid you not just to stand there." Nagulat ako sa malamig na boses ni Gozu, nag angat din ng tingin si Kaileia at sinamaan ng tingin ang lalaki.

"Stop it Gozu, ano ba kanina ka pa ah. Is there something wrong? You aren't like that." Tumingin sa kanya si Gozu and he is lost for words. Ako nalang ang nagsalita for him.

"A-ah a-ano po baka pagod lang po si Sir, hindi naman po kasi siya ganyan. Ano po, alis na po muna ako. Gagawa pa po ako ng mga gawain hehe, enjoy po kayong dalawa. Bagay na bagay po kayo hehe." Saad ko sabay yuko at alis.

Sa pagtalikod ko sa kanila saka naman nagsi-unahang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit sakit na kasi ng dibdib ko parang hindi ko na kaya. Bakit ba kasi ang tagal kong mamatay? Pwede bang ngayon na patayin na kaagad ako? Pagod na pagod na kasi ako sa binibigay sa akin ng mundo.

Umalis ako at pumunta sa kwarto ko, nanginginig ang mga kamay kong tinipa ang number ni Kaelus. Ilang ring lang at sinagot n'ya kaagad ito. Hagulgol ko ang bumungad sa kanya na ikinagulat naman n'ya.

"Are you okay!? Puntahan kita riyan!" Mabilis n'yang saad ngunit umiling ako na tila nakikita n'ya.

"W-wag na....ang hirap lang..hindi ko na kaya...hahahaha...ano bang mali sa akin....bakit ako pinahirapan ng ganito...." Iyak lang ako nang iyak. Gusto kong mamatay nalang para hindi ko na maramdaman ang sakit dito.

"H-hey stay with me okay? Kaya mo 'yan. Andito pa kayo okay? Hush...makikinig ako. Ipalabas mo lang 'yan." Hindi ako sumagot, tumayo ako at hinahanap ang blade na nakita ko kanina. Ngumiti ako nga mapait, tila ako'y naaliw sa talim at kintab ng magandang likhang ito.

"Raya? Still there? Hey I'm here." His words made me smile ngunit mas pinangiti ako ng magandang blade na ito. Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok.

"Anak? Umalis na sila Sir Gozu at ma'am Kaileia. Anak? Okay ka lang ba riyan?" Tila wala akong naririnig, nakangiti parin akong nakatingin sa blade na hawak hawak ko.

"Kae napakaganda ng blade na ito. Tila tinatawag n'ya ako Kae." Tila nababaliw kong saad kay Kaelus.

"Please please don't do it Raya please please I'm begging you!"

"Anak papasok ako ha? Gusto ko lang tingnan kung okay ka lang ba riyan."

Tila wala na akong narinig at naiintindihan, dahan dahan kong hiniwa ang pulso ko at napangiti ako dahil sa mga dugong umaagos dito. Finally, I'm free.

************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon