CHAPTER 3

2.4K 37 1
                                    

CHAPTER 3

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa building. It's a huge place at nasa tuktok ang opisina n'ya. After all he's the CEO of this empire, my husband is a hotelier. He owns different 5 star hotels in every country at ang pinaka main n'ya ay rito sa Pilipinas. Habang naglalakad ako dasal ako nang dasal, ang daming pumapasok sa utak ko.

Paano kung hindi na n'ya ako kayang tanggapin kasi galit na galit siya sa akin? Alam ko naman kasing mali ang ginawa ko sa kanya, pwede ko namang sabihin pero hindi ko ginawa kasi naduwag ako.

Nang makita ako ng ibang empleyado bumabati sila sa akin kasi madalas naman ako rito noon at baka natatandaan pa nila ako. Ngumiti ako at bumati rin pabalik sa mga empleyado. Naka suot ako ng mahabang palda at jacket para takpan ang mga pasa pasa sa katawan ko dahil sa sakit ko. Nasa labas na ako ng opisina Gozu nang pigilan ako ng isang babae sa pagpasok base sa suot n'ya siya ang sekretarya ni Gozu. Wala na pala si Melanie, ang sekretarya n'yang naabutan ko.

"At saan ka naman pupunta? May reservation ka ba?" She seems rude at hindi ko naiintindihan ang pananalita n'ya ngunit binigyan ko parin siya ng isang magandang ngiti.

"Nandiyan ba sa loob si Gozu? Kakausapin ko lang, importanteng importante lang." Mahina kong saad sabay ngiti, tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri ang buo kong pagkatao.

"At bakit mo kakausapin si Sir? Base sa suot mo hindi ka naman isa sa mga babae n'ya. Hindi ka naman papatulan ni sir." Nainsulto ako sa sinabi n'ya ngunit pinipigilan ko ang sarili kong magalit.

"Look miss, hindi ako nandito para makipag away o makipag sagutan sayo. Gusto ko lang makausap ang asawa ko kaya pwede ba papasukin mo ako." Mahina ko paring saad. Tumawa siya sa sinabi ko at sa pangalawang pagkakataon nainsulto na naman ako.

"Anong asawa ang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba? O baliw ka at nakatakas ka sa mental? Umalis ka nga rito kung ayaw mong ipapakaladkad kita sa gwardiya." May pagbabanta sa boses n'ya. Hindi ako nabahala dahil kilala naman ako ng mga gwardiya rito. Ang kailangan ko lang talagang gawin ay ang makausap si Gozu.

"Pwede ba miss tawagin mo nalang si Gozu, ang asawa ko dahil importante itong sasabihin ko at hindi ako nagbibiro." This time napaka seryoso na ang boses ko, ayaw kong sayangin ang oras kong makipag talo sa kagaya n'ya. Pero sa pangalawang pagkakataon tinawanan na naman n'ya ako.

"HAHAHA alam mo nakakatawa ka talaga. Sa tingin mo talaga papatulan ka ng amo ko? Anong asawa ang pinagsasabi mong babae ka? Hibang ka talaga no? Nako Miss sa dinami rami ng mga babaeng pumunta rito at sinasabi nilang asawa sila ng amo ko. Naku miss alam mo ba kung ano ang ginagawa nila ni Sir Gozu? Gusto mo bang matulad ka sa kanila?" Seryoso lang akong nakatitig sa kanya. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, gusto kong ipaalam sa kanya na seryoso ako sa sinasabi ko.

"Call him now and tell him a certain Raya Elfora Eldefonso is looking for him." Tumawa ang babae at napahinga naman ako nang maluwag nang tumawag siya sa telepono.

"Hello sir, a certain Raya Elfora Eldefonso is looking for you sir. Nagpapakilala siyang asawa mo. Maybe she's one of your girls sir, papaalisin ko na ba? Dating gawi sir?" Nakangiti siya habang kinakausap ang asawa ko ngunit pagkalipas ng ilang minuto nawala ang ngiti n'ya at napalitan ito ng takot.

"R-Raya po. W-wife po? Opo opo papasukin ko na." Binaba n'ya ang tawag at hindi siya makatingin sa akin.

"M-ma'am pasok na raw po kayo. Pasensya na ma'am." Tango nalang ang sinagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya ni Gozu ngunit tila naging anghel ang demonyo. Kung pagsalitaan n'ya ako ng kung ano ano kanina parang siya ang may ari sa lugar na ito.

Bago ako pumasok lumingon muna ako sa kanya. "Miss hindi porket hindi mo ako kilala eh pagsasalitaan mo na ako ng kung ano ano. Gozu doesn't need someone like you in his company. Remember this is a hospitality industry, kailangan mong magpakumbaba kahit kilala mo pa o hindi, naiintindihan mo?" Pinagsiklop n'ya ang kanyang mga kamay at mabilis na tumango tango. Nang ma satisfy na ako sa reaksyon n'ya dahan dahan kong binuksan ang pinto at dahan dahang pumasok.

Tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita ko ang taong matagal kong namimiss. Nakatalikod siya sa akin at tila may pinaglalaruan sa kanyang mga kamay. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko. Nanatili lang akong nakatayo habang nakatitig sa kanyang likod.

"Are you gonna stand there? Have a seat." Nagulat ako sa napaka lamig n'yang boses. Atleast he doesn't act like a jerk. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa upuang nasa harapan ng desk n'ya. Halos hindi na ako huminga nang dahan dahan siyang humarap sa akin.

"So what brings you here wife?" I am lost for words. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. His voice is icy cold at tila bored na bored ito habang nakatingin sa akin. My heart is aching because of the sight but I was the reason why he became like this and I need to fix this.

"I-I want to a-apologize and I want you back." Diretso kong saad. I was known for being a straightforward woman at gagamitin ko siya ngayon.

"Wow the audacity wife? By the way saan ka manghihingi ng patawad? For breaking my heart? For leaving me during our honeymoon or maybe for having another affair behind my back?" Na shock ako dahil sa huli n'yang sinabi. He thought I dated someone behind his back?

"No I never had an affair behind your back Gozu! I was faithful to you! Ni hindi pumasok sa utak ko ang lokohin ka." I said in my defense.

"Whatever, now what really brings you here?" Napalunok ako sa klase ng titig na binigay n'ya.

"I want you back. I want to live with you." Saad ko na nagpahalakhak sa kanya.

*****************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon