CHAPTER 38

3K 56 9
                                        

CHAPTER 38

It's been a year since umalis ako sa mga buhay nila. Starting over again was really hard ngunit nagpapasalamat akong nalampasan ko ito.

"Gozu Ildefonso, one of the Philippines' hot bachelor is getting married to his long time fiancee. Who might it be?" Ngumiti ako nang mapait habang nakatingin sa maliit na TV. Gozu is getting married, hindi n'ya ako naghintay. Ang ingay ng balitang 'yan. At first sobrang nasaktan ako pero unti unti kong tinanggap. Ako rin naman ang dahilan kung bakit siya magpapakasal sa iba.

Last month dumating ang annulment papers, hurt was an understatement to describe what I was feeling that day. Hindi ako makapaniwala, sobrang sakit pero alam kong makakaya ko.

We were toxic for each other that was why umalis ako. We need to break free from all those things hurting us. I said, babalik ako. I made a promise. Siya pala 'yong hindi nakapag hintay.

I am in Apo Island located in Dauin, Dumaguete City. It's really far from Manila, you need to take 1 hour and a half flight. Pagdating mo sa Dumaguete sasakay ka ulit  papuntang Apo Island. In fact bumili ako ng beach lot at nagpatayo ako ng maliit na bahay. My life here is really peaceful. All I can see is the beautiful ocean. Walang stress, walang problema until the annulment papers came. Bumalik lahat ng trauma ko sa mga nangyari noon.

Nagulat ako kung paano n'ya ako nahanap, wala akong pinagsabihan miski isa. Siguro ganyan na siya ka atat na ma annul ang kasal namin. Bakit ba ako nalulungkot, in the first place ito ang gusto ko diba?

"Ka gwapo ana niya ate no? Anus a dagway ko makakitag in-ana ka gwapo." Ang gwapo n'ya ate no? Kailan kaya ako makakita ng ganyan ka gwapo? Umiling iling ako. Sa ilang buwan kong pamamalagi rito unti unti ko nang nalaman ang lenggwahe ng mga taong taga rito. May iba akong alam na bisaya words pero hindi buo. Nasa isang maliit na kainan kami rito sa Apo Island, may maliit na TV sa harap.

"Kung alam mo lang Hez, hindi mo talaga pangarapin." Unti unti na akong naging malapit sa mga tao rito. Tinuring na nila akong kapamilya.

"Ngano man te?" Bakit ate? Ngumiti ako sa kanya at umalis sa harap. Hez is a 17 years old teenager. She's really, really pretty dahil siguro sa dugong dumadaloy sa kanya. She's half American. Nanay n'ya Filipina while ang tatay n'yang hindi pa n'ya nakikita ay Amerikano. She's a natural morena dahil na rin sa lugar kung saan siya nakatira. She has soft blond curls and a pair of beautiful blue eyes. She's a cashier sa maliit na kainan dito.

"Basta, don't fall in-love because of someone's appearance. Gwapo nga siya pero ang tanong is he going to treat you better?" Mahinang saad ko, kinuha ko ang binili ko at nagbayad.

"True na ate." Tama 'yan ate. Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang maglakad paalis.

Another peaceful life in Apo Island. Hindi ako nagsising umalis ako, siguro kung hindi ko ginawa 'yon nasa mental na ako ngayon. 

Sometimes we need to let go of our burden in order to move on. Napangiti ako nang may dahan dahang nahulog na ilang butil ng ulan galing sa langit. Rain is my comfort, my entire existence is soothed by the sound and aroma of rain, it's my favorite kind of weather and keeps me sane. It was my sort of comfort because it sounded like a repetitive ticking, which is soothing and can put me to sleep easily. Since I love the rain, it serves as a constant reminder that a fresh scent and new life are about to emerge.

Nilagay ko muna sa bahay ang mga binili ko at nagtampisaw sa dagat habang umuulan. I really love doing this one. Tinatanggal nito ang pagod at stress ko sa katawan. Pagkatapos kong maligo, pumasok na ako sa bahay. I took a shower at pagkatapos ay nagbihis. Nagtimpla ako ng mainit na kape at binuksan ang laptop ko.

Wow! Gozu Ildefonso's fiancee is really lucky!

Nanginginig kong tiningnan ang mga articles, some of the pictures were taken from a restaurant pero hindi nakikita ang mukha ng babae. My heart is pounding really hard right now. No, no I need to be calm. I will support him even if it will kill me. Basta masaya siya, masaya na rin ako.

"Just be happy mahal, just be happy. I know that girl can give you a family you desired." I whispered habang unti unting nahuhulog ang luha galing sa mga mata ko. Mabilis ko itong pinunasan. What can I offer? Hindi ko man lang siya kayang bigyan ng anak. Tanggap kong mag isa akong tatanda, walang tatanggap sa akin.

Napatingin ako sa pinto when I heard a knock. Siguro si Hez lang 'yan. Minsan kasi natutulog siya kasama ko. Tumayo ako at binuksan ang pinto. What I saw surprised me.

"G-Gozu a-anong g-ginagawa mo rito?" Gulat na gulat kong tanong. Basang basa siya at nanginginig pero hinayaan ko lang siya sa labas.

"C-can you let me in m-muna?" Nanginginig n'yang saad. Mabilis ko siyang pinapasok. I gave him a towel at tinulak sa shower. Anong ipapasuot ko sa kanya? Kinuha ko ang payong at pinuntahan ang nakilala ko rito at naging kaibigan na, si Kiel. Kumatok ako sa bahay n'ya at binuksan naman n'ya kaagad ito.

"Why?" Bungad n'yang tanong. Inikotan ko siya ng mga mata.

"May spare underwear ka ba riyan? And T-Shirt uhmm short din. Bilisss!" Nagmamadali kong saad. He seems suspicious pero tumango naman at naghanap.

"Para saan mo gagamitin?" Alam n'ya kung paano magsalita ng tagalog, he is originally from here and he has a work in Manila pero nagbakasyon muna siya ngayon.

"B-basta ipapaliwanag ko nalang sayo mamaya." Binigay n'ya sa akin ang hawak n'yang damit. Mabilis ko naman itong kinuha at nagpasalamat bago mabilis na umalis.

Pagdating ko sa bahay, saka lang din natapos si Gozu. Mabilis kong binigay sa kanya ang hawak kong damit.

"Here, gamitin mo muna 'yan. Magbihis ka nalang diyan sa loob." Gulat na gulat ako sa mga nangyayari ngayon. Bakit siya nandito?  Anong sinakyan n'ya? Sinong mga kasama n'ya? Apo Island is located in the middle of the ocean. Kailangan mong sumakay ng bangka bako makarating dito at hindi naghahatid ang bangkero kapag ikaw lang mag isa. Magkano kaya ang binayad n'ya para lang makarating rito?

Lumabas na siya, nagtimpla naman ako ng kape at nilagay sa mesa.

"Uminom ka muna ng kape." I awkwardly said. Hindi ko alam kung ako ang sasabihin ko sa kanya. Kinuha naman n'ya ang kape at tumitig sa akin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I'm here for the annulment papers."

***********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon