CHAPTER 39

3.2K 60 9
                                        

CHAPTER 39

Mabilis akong tumayo at tumalikod, pinunasan ko ang luha ko at kinalma ang sarili. I should not cry in front of him. I need to be strong. Nang kumalma na ako, humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Ah yeah, napirmahan ko na. Uhm, kunin ko muna." Mabilis akong umalis sa harap n'ya at pumunta sa kwarto ko. Umupo ako sa likod ng pintuan at umiyak nang umiyak. Tangina, hindi ko alam na ganito pala kasakit. Asan na ang mga pangako n'ya sa akin? Akala ko ba hihintayin n'ya ako. Akala ko ba pero bakit parang wala lang sa kanya 'yon? Lahat ba talaga ng pangako ay napapako?

No, I should be happy for him. Dapat ipapakita ko sa kanya na okay lang sa akin. Na suportado ko siya sa lahat ng ginagawa n'ya. I need to be strong. Hinanap ko ang papeles at ngumiti muna ako nang pilit bago naglakad palapit sa harap n'ya.

"Here are the papers. Napirmahan ko na ang lahat ng iyan." Ngumiti ako. Tiningnan n'ya ito at tumango.

While looking at his face right now, alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko hinding hindi ko siya makakalimutan. He's my greatest love after all.

"Thank you, pahupain ko muna ang ulan ha bago ako aalis." Tumingin ako sa kanya. He looks really tired pero hindi parin matatanggal ang karisma at kagwapuhan n'ya.

"You came all the way here just for that, you must really love her." I smiled. Alam kong any minute from now iiyak na naman ako pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to be strong, I need to be happy for him.

"Yes, I love her. More than my life. She taught me how to be strong. She's my everything. I admire and love her courage, and willingness to be vulnerable. She's a loving person and she gave freely without expectation. She's truly exceptional, I can't wait to build a family with her." His eyes glitters whenever he say words about her. She's lucky, she's really lucky. I wish I was her pero wala eh, sinayang ko.

"I-I'm happy for you. C-congrats! W-who's the lucky girl?" Kunwaring tanong ko. Tumitig siya sa akin at dahan dahan tumango. Parang unti unting nabasag ang puso ko dahil sa sinabi n'ya. Napatitig ako sa kanya, hindi ako makapag salita hanggang sa may isang butil ng luha ang nahulog galing sa mata ko na mabilis ko namang pinunasan. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Congrats! Haha. Ano uhm----" Napatigil ako nang bigla siyang magsalita.

"The girl I'm going to marry is something else, hindi siya katulad ng ibang babaeng madaling sumuko. She's strong and can endure everything. I love her too much, kahit anong gawin ko. Kahit anong pigil ko hindi ko kayang umahon. She is the most amazing woman I met. I'm so lucky to have her." Ang layo ko pala sa babaeng sinasabi n'ya. Ang bilis kong sumuko, hindi ako matapang para harapin ang lahat. Buti pa siya kaya n'ya.

"Can I ask you a question? Ano uhm-----okay lang kung hindi mo sagutin haha." Saad ko, yumuko ako at hinintay ang sagot n'ya ngunit hindi siya sumagot. Silence means yes? Kung hindi ko itatanong ngayon 'to, kailan? Tumingin ako sa kanya at pinakalma ang sarili ko. I crossed my fingers at nagtanong, maybe pagsisisihan ko ito pero kailangan kong gawin.

"A-akala ko ba maghihintay ka? A-akala ko tayo hanggang sa huli, akala ko hihintayin mo ang pagbabalik ko? B-bakit may iba kang pakakasalan? B-bakit?" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, unti unti na itong pumapatak. Akala ko pupunasan n'ya ito ngunit tinanggal n'ya sa akin ang kanyang tingin.

"Napagod ako kakahintay. I'm sorry. Kalimutan mo nalang 'yon, tama ka we need to move on from our past." 'Yan lang ang sinabi n'ya. Hindi na rin ako nagtanong dahil alam kong masasaktan lang ako. Ilang minuto bago tumigil ang ulan. Tumayo siya kaya naalarma ako. Tumingin siya sa bintana.

"P-pwede bang b-bumalik ka nalang sa akin? Miss na miss na kita." I murmured. Nagulat ako sa sinabi ko. Tangina, ano 'yon 'yon? Tumingin ako sa kanya at mabuti nalang hindi siya nakatingin, hindi ba n'ya narinig? Napahinga ako nang maluwag.

"Humuhupa na ang ulan, aalis na ako. May naghihintay na bangka sa akin. Paalam at salamat. He put the annulment papers sa attaché case n'yang dala dala. Lumunok ako, pilit pinipigilan ang luhang nahuhulog galing sa mga mata ko. I guess, this is it.

"Paalam, maging masaya ka sana." Mahinang saad ko. Lumabas na siya sa pintuan, nang makita ko ang papalayong bulto ng katawan n'ya saka lamang ako napaiyak ng malakas. How could he be so cruel?

"Paalam mahal ko, I wish you the best in life."

GOZU'S POV

Tangina, tangina, tangina! Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at may tinawagan. Ilang minuto bago n'ya ito sinagot.

"Pa, tuloy ang plano." I happily announced. My wife still loves me, kung alam n'ya lang na narinig ko ang sinabi n'ya kanina. Kung nakita n'ya lang ang mga ngiti ko.

Pinuntahan ko siya sa isla. I sent her our annulment papers para mapirmahan n'ya at mapakasalan ko siya ulit. We need a fresh start, tama siya we need to grow individually kasi ang toxic na naming dalawa. Inayos ko na ang dapat kong inayos noon pa man.

"Good job son, you're really worthy for my daughter. Please take good care of her." Tumango tango ako at halos maiiyak na. God, thank you very much. I'm so lucky.

"Thank you papa. Sa pagbabalik ko sa isla, sisiguraduhin kong kasama ka na namin. Handa na po ba riyan ang lahat?" I asked.

"Yes son, everything here is ready." Ilang araw ang lumipas noong umalis si Raya, pumunta ko ang kanyang ama. Nagmakaawa ako para lamang ibigay sa akin si Raya. He made me do something at ginawa ko naman ito. Pinakita ko sa kanya that I am worthy of Raya's love. I can't wait to marry her.

*************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Sino po ang nagsabi na hindi sila ang end game? HHAHAHAHA trust the author po hindi ko po kayo papaiyakin sa last after all parang halos lahat ng chapters kawawa ang mga bida eh, deserve naman nilang sumaya hihihi.

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon