CHAPTER 5
Dalawang araw na ang lumipas pagkatapos ng pangyayaring iyon at dalawang araw na rin na hindi umuuwi si Gozu. Paggising ko pagkabukas ang sabi ni nanay Minda maaga raw siyang umalis.
Nahahalata na rin ni nanay na lagi akong maputla at ang daming buhok na nalalagas. Napansin n'ya rin na araw araw na akong nagsusuot ng bonet kahit nasa loob ng bahay. Hindi ko nalang siya sinasagot kapag nagtatanong siya, ngumiti nalang ako and drifted the topic away.
Ang hirap, iniisip ko kung bakit pa n'ya ako hinayaang bumalik sa buhay n'ya kung i-trato n'ya lang din ako ng ganito. Sana sinabi nalang n'yang hindi para hindi na ako umasa. Pero diba kasalanan ko naman? Kaya kailangan kong panindigan 'to.
Ang hina na ng katawan ko, parang hindi na tumatalab sa akin ang oral chemotherapy. Hindi na tumatalab ang mga gamot, napangiti nalang ako ng mapait. Siguro hanggang dito nalang ako. Mamamatay na walang kahit sino.
"Anak ang putla mo, magpahinga ka muna roon sa kwarto mo." Tumango ako kay nanay Minda dahil nararamdaman kong nahihilo na naman ako.
Naglakad ako papunta sa taas dahil nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto ko. Wala kami sa iisang kwarto ni Gozu, he doesn't want to be with me. Hilong hilo na ako pero nang madaanan ko ang kwarto n'ya, parang may nag udyok sa akin na buksan ito. Naglakad ako ng dahan dahan at hinawakan sinubukang buksan ito. It's open.
Alam kong mali ang ginagawa ko pero pumasok parin ako. Napaka ganda ng kwarto n'ya, umupo ako sa kama n'ya at iniisip ko kung gaano kami kasaya noon. Kung sana wala akong sakit sana hanggang ngayon masaya parin kami. Naalala ko ang sinabi n'ya sa akin noong pumunta ako sa kanya.
"No I never had an affair behind your back Gozu! I was faithful to you! Ni hindi pumasok sa utak ko ang lokohin ka." I said in my defense.
"Whatever, now what really brings you here?" Napalunok ako sa klase ng titig na binigay n'ya.
"I want you back. I want to live with you." Saad ko na nagpahalakhak sa kanya.
Sumakit ang puso ko dahil sa reaksyon n'ya. Does his feelings already gone? Maybe he already moved on.
"G-Gozu I'm sorry." I really am, I want to tell him how much I miss him but he's out of reach. Hindi na siya ang Gozu na nakilala at minahal ko.
"Bakit mo ako iniwan? Why did you left me huh? I loved you too much! I sacrificed everything for you. I was a faithful husband, I never cheated, I never hurt you, I always put you first and my intentions are pure! You had me at my best Raya but still! You left me Raya!" I cried hard because of what he said dahil totoo ito. He was the best husband I could ever asked but I left him.
"Totoo nga ang sinabi nila, being kind doesn't a guarantee that person will forever. Being loyal doesn't make a person stay. If that person. Ngayon, bakit ka pa nandito? You already left me Raya." I tried to hold his hand pero tinabig n'ya ang kamay ko. Nanatili lang akong umiiyak at hindi kumikibo. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa sakit ko pero natatakot ako. Naduduwag na naman ako. It's now or never.
"May sakit ako." I seriously said but he just chuckled. Hindi siya naniniwala.
"Don't make jokes Raya, you're perfectly fine. Nakita ko pa nga kayo kahapon kasama ng lalaki mo diba? You were fine! Wait! Nandito ka ba dahil wala ng pera ang lalaki mo? Hm? HHAAHA bakit ka kasi namili ng dukha na ipalit sa akin." I can't believe him. Ibang iba na siya.
"Okay, you can live with me for only a month and after that I want you to make me a favor." Pinunasan ko ang mga luha ko. What favor?
"Anong pabor?" Naguguluhan ako but a month is okay, malaking pabor na 'yon sa akin. Aayusin ko ang nasira naming relasyon.
"Sign the annulment papers." Napasinghap ako. Annulment papers? A-ano b-bakit?
"Matagal na akong kumuha n'yan since hindi ka naman nagpakita na sa akin, ipapadala ko na sana sayo but I don't know your address at wala na akong balak ipahanap ka and viola here you are!" Tumulo ulit ang luha ko. The way he said those words parang wala lang sa kanya kung ano ang mararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. It's now or never.
"Sige."
Umiiyak ako habang iniisip 'yon. He really changed, hindi na siya ang lalaking minahal ko noon.
Tatayo na sana ako pero may nakita akong frame na nakataklob sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama n'ya. Dahan dahan ko itong tiningnan at napasinghap ako. It was our wedding picture. Bakit nasa sa kanya parin ito? Hinawakan ko ito at dinala sa dibdib ko. Ito ang mga araw na masaya pa kaming dalawa.
Nagulat ako nang biglang may pumasok, I saw Gozu and he's not happy. Dali dali siyang pumasok at hinablot ang hawak ko.
"What are you doing in my room!? Get out! Get out!" Nagulat ako sa malakas n'yang sigaw. Tila natuod ako sa kinauupuan ko at nakatitig lang sa kanya habang may mga luha sa mga mata.
"A-ano s-sorr----" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang sumigaw na naman siya.
"Get the fuck out right now! Umalis ka sa kwarto ko!" Mas nagulat ako nang hawakan n'ya ako sa dalawa kong balikat, madiin n'ya itong hinawakan kaya napa daing ako sa sakit. Sapilitan n'ya akong hinila at itinulak sa labas ng pinto sabay sara ng malakas. Napaluhod nalang ako at humagulgol. Mahina akong kumatok.
"S-sorry Gozu, hindi ko sinasadya na pumasok. P-patawarin mo ako." Humagulgol ako habang naka luhod. May narinig akong nabasag sa loob. Kaya kumatok ako ulit.
"G-Gozu okay ka lang ba riyan? S-sorr----" Magsasalita pa sana ako nang may narinig na naman akong sigaw.
"Umalis ka na! I hate you! Kinasusuklaman kita! Pinagsisihan kong pinakasalan kita!" Those are the most hurtful words I heard. I felt like my heart is broken into a hundred pieces.
*************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...