CHAPTER 10

2.5K 48 3
                                    

CHAPTER 10

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. He looks taken aback of what I did. Dahan dahan akong bumangon at sumandal. He looks lost, hindi n'ya alam kung ano ang gagawin n'ya. Kung tutulungan n'ya ba ako o hindi.

"D-don't worry I can handle this." Okay naman na ang pakiramdam ko. Siguro pwede na akong bumaba at humingi ng tawad sa babae.

"I-I will ask for her forgiveness. J-just give me time kasi medyo masama pa ang pakiramdam ko." I smiled at him. Nanatili siyang nakatitig sa akin at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin.

"Y-you know whatever makes you happy. I will do it." He gave me a sour smile after I said those words. Kinagat ko naman ang aking mga labi.

"Don't give me that words Raya. You can't fool me again." Malamig n'ya akong tinitigan. "Sabi nga nila, you fool me once, shame on you. You fool me twice? Shame on me." Ngumiti lang ako ng malungkot sa naging pahayag n'ya. Hindi ako dapat magreklamo, it was me who made him like this. Kung hindi ko siya iniwan, hindi siya magiging ganito.

What if kung hindi ko siya iniwan? Kung hinayaan kong tulungan n'ya ako? Masaya pa kaya kami ngayon? Magiging ganito ba ang kalagayan namin? Ang daming tanong sa isip ko na alam kong hindi ko naman kayang sagutin.

"Wala na bang pag asa?" Bigla kong tanong. Pumikit ako, ayaw kong makita ang reaksyon n'ya. Ang lakas ng tibok ng aking puso dahil sa naging tanong ko.

"If you remember what I told you when you left me. I clearly said, kapag tatapak ka sa labas ng pintuang 'yan. Wala ka nang babalikan pa. And now you're asking me kung may pag asa pa ba? Are you out of your mind?" Natapos na ba talaga ang lahat? Naka usad na ba talaga siya? Pero bakit nandito pa rin ako, umaasa na baka maibalik ang dating pinagsamahan namin.

Ang mga pangarap naming magkasamang binuo, hindi ko kayang kalimutan lang 'yon ng basta basta. Pero ako, ako ang may kasalanan kung bakit kami naging ganito that's why I should live with it.

Narinig kong bumukas ang pintuan at alam kong papalabas na siya.

"Mahal, mahal na mahal parin kita. Patawarin mo ako sa naging desisyon ko." Hindi ko alam kung narinig n'ya ba dahil sumara ang pinto at alam kong wala na siya sa loob ng kwarto. Tumulo ang masaganang luha galing sa mga mata ko. Ang sakit sakit, hindi ko kayang isipin na nakausad na siya habang ako nanatili parin dito.

Kinalma ko ang sarili ko at ngumiti ng malungkot. "Kaya mo 'to Raya. Kaunting tiis nalang malalampasan mo na 'to." Pilit kong pagpapalakas sa sarili ko. Tumayo ako ngunit nahilo ako kaya umupo muna ako. Noong pakiramdam ko kaya ko na dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas.

Naabutan kong nag uusap sila. The scenery infront of me is making my heart bleed. Hinahaplos ni Gozu ang buhok ni Kaileia na umiiyak habang may kausap sa kanyang cellphone and they really look perfect together. Parang sila talaga ang itinadhana habang isa lang akong basura na umaaligid sa kanila. Am I really too late? I wish I could be her. I wish I can turn back time kung saan ako ang nasa pwesto ng babaeng 'yan.

Naglakad ako palapit sa kanila, mahina akong umubo at nakuha ko ang pansin nilang dalawa. Akala ko bibitawan ni Gozu ang buhok ni Kaileia ngunit patuloy parin siyang humahaplos dito at tila walang pakialam sa akin.

"Y-yes d-dad I-I'm sorry." Kaileia sob at binaba ang tawag. I wonder what happened.

"Hey, you're here anyway how are you? Come here umupo ka." Nagulat ako sa inasta n'ya, lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso sabay pinaupo. Tumingin ako kay Gozu at tila hindi n'ya nagustuhan ang ginawa ni Kaileia.

"A-aahh okay lang po ako uhm ano po I just wanna say sorry." Nagulat ako nang hawakan n'ya ang kamay ko. Is she really nice or just acting? She smiled at me kindly and it made my heart melt. Kung mawala ako at siya ang makatuluyan ni Gozu siguro okay lang sa akin.

"Hey, don't say sorry. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari kanina. It was an accident okay? Don't blame yourself." She smiled at me kindly again.

"N-no p-----" Napatigil ako nang sumabat si Gozu, pilit kong pinipigilan ang mga luha ko sa kanyang sinabi.

"Hey let her ask for forgiveness. Gumawa siya ng katangahan at kailangan n'yang humingi ng tawad para roon." He told Kaileia like he doesn't care about how I think. Pilit kong pinipigilan na mapaiyak sa harap nila kasi hindi ko na talaga kaya ang mga salitang lumabas galit sa bibig n'ya. But I need to be positive, atleast pinansin n'ya ako ngayon diba? Atleast kinausap n'ya ako. Atleast narinig ko ang boses n'ya at masaya na ako roon.

"Hey ano ba Gozu, don't be rude on her. It was not her fault and I'm okay. Ano pa bang problema mo?" The lady suddenly transformed into a scary woman. Ngumisi naman si Gozu at umiling iling.

"Yeah yeah yeah you win. Tsk you're really scary when you're angry. Like a dragon rawr hahahaha cutie." Hindi ko alam matutuwa ba ako dahil nakita kong ngumiti si Gozu at narinig ko ang tawa n'ya o masasaktan ako dahil alam kong hindi na ako ang dahilan ng mga tawa n'ya.

Ibang iba siya kung makikipag usap siya kay Kaileia. Is he in-love with her? My heart contradicted in pain just because of what I thought.

"Heh! Tumahimik ka riyan at malungkot ako ngayon." Kaileia pouted. They're being sweet infront of me and it's hurting me. Tila kung mag usap sila parang wala ako sa harap nila.

"Do you want ice cream? I know it will make you happy. My treat!" Gosh suggested. Tumulo ang luha ko ngunit mabilis ko itong pinahiran. That was he always suggest when I was sad, alam n'ya kasing ang hilig ko sa ice cream noon. But now, hindi na ako.

Sana ako nalang siya.

************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon