CHAPTER 32
Nanginginig akong tinawagan si Gozu, siya lang ang tanging makakatulong sa akin ngayon.
Calling...
"Please sagutin mo." Nasa labas ako ng bahay, walang taxi at wala rin ang sasakyan ko.
Calling...
Ilang minuto bago n'ya sinagot. There's a little hope, may pag asa pa akong makita ang anak ko.
"Hey.." Hindi ko siya pinatapos.
"Balikan mo muna ako ngayon please, hindi ko na alam ang gagawin ko." Putol ko sa sasabihin n'ya sana. Kalabisan na ba itong hinihingi ko? I just need him right now. Kinakagat ko ang labi ko dahil sa halo halong emosyon.
"I..I m-may importante akong puntahan. Please! Nagmamakaawa ako sayo! Kahit ngayon lang ako muna ang piliin mo. J-just this one, please I'm begging you!" I break down in tears.
Why do I always have to beg? Kailan ko kaya maranasan na ako naman ang piliin dahil gusto n'ya hindi dahil pinilit ko? Kailan kaya?
"Please, please I'm begging you. B-bumalik ka, I-I need you. I'm begging you. Ngayon lang naman oh, kahit ngayon lang ako naman ang piliin mo. Nagmamakaawa ako sayo. Kailangang kailangan kita ngayon." Humihikbi kong saad sa kanya. I'm really hoping na babalik siya para sa akin.
"You don't have to beg, I'm sorry. Don't cry mahal please. Babalik ako, wait for me there." He seems taken aback because of my sudden outbursts. He didn't expect this, me neither. But what he said gave me relief, I won't face this alone. Sa tingin ko kasi dumating na ang pinaka-kinatatakutan ko at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ito, my son is my strength. P-paano nalang k-kung mawala siya? Paano na ako?
K-kung mawala man ang anak ko sa'kin, baka mawala rin ako sa sarili ko. Hindi ko kaya.
"I'm on my way."
Pagkatapos ng tawag namin, binaba ko ito kaagad at tinawagan si Yhuri. Ilang minuto rin bago n'ya ito sinagot.
"A-ate...nandito po si Wave.. p-papunta na po kami sa hospital. Sumunod ka nalang doon." She said crying. Mas lumakas naman ang iyak ko dahil sa sinabi n'ya.
"I'm on my way, how's my baby?" I asked.
Nagulat ako nang mamatay ang tawag.
"Yhuri!?" I dialled her number again ngunit hindi siya sumagot, nagriring lang ang cp. Ilang beses akong tumawag ngunit hindi n'ya ako sinasagot kaya sumuko na ako.
Ilang minutong pagsasabi sa sarili ko na magiging okay lang lahat, ilang minutong pag-aalala at sakit ang naramdaman ko bago siya dumating.
"Hey, hey, hey are you okay? What happened?" Nag aalala n'yang hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako sa ulo bago ako niyakap. I break down in tears. Hinawakan n'ya ang kamay ko at pinasok sa loob.
"Everything's gonna be alright, don't think too much." Saad n'ya. Kahit anong tango ang gawin ko at anong pagsisinungaling ang sabihin ko sa utak ko hindi ko parin kahang pigilan ang mga luhang nahuhulog galing sa mga mata ko.
Hinawakan n'ya ang kamay ko while his other hand is driving. Is it ironic? I found comfort on the person who hurt me. Who's the reason why I experienced those things.
I tried calling Yhuri again ngunit hindi na talaga ako sinagot. Takot na takot na ako sa pwedeng mangyari sa anak ko. Ang pangit na ng nasa utak ko.
"What happened? Oh God! No please!" Nanginginig ang kanang kamay ko but Gozu's hand gave me comfort. Hinawakan n'ya ng mahigpit ang isa kong kamay, it feels like he is saying na nasa tabi ko lang siya and I appreciate it.
"Where?" Tanong n'ya.
"H-hospital...h-hurry please." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko ngunit hindi na siya nagtanong pa. Sinabi ko sa kanya ang exact address at mabilis naman n'ya itong sinunod.
Calling
"Please answer...please....please.." Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinawagan ngunit ni isa walang sumagot. Saka ko lang nalaman na malapit na pala kami at hanggang sa dumating na nga kami.
"We're here."
Mabilis akong lumabas at tumakbo, tinanong ko kaagad ang pangalan ng anak ko.
"Ma'am nasa emergency room---." Hindi na ako nakapagpaalam at kaagad akong tumakbo. I know where the emergency room is. Ilang beses na kaming nandito, this hospital is for the cancer patients and laging dito dinadalaw ang anak ko kapag inaatake siya ng sakit n'ya. Nakarating na ako roon and I found them crying.
"Y-Yhuri, is he okay? Is my son okay?" Tumingin sa akin si Yhuri at niyakap ako.
"W-what!? Answer me!? Is my son okay?" Iyak kong saad. Hinawakan ko ang balikat ni Yhuri at sapilitang pinaharap sa akin habang niyuyugyog. Pinigilan ako ni Wave at sapilitang niyakap.
"Ate, tama na please. Ate I'm begging you." Malungkot n'yang saad. Naramdaman kong unti unting pumapatak ang luha n'ya sa balikat ko.
"N-no, my baby s-saan ang anak ko." Pilit akong umalis sa yakap n'ya ngunit napakahigpit nito. Hindi..hindi ko kayang tanggapin.
"Ate, he's gone. Wala na ang anak mo ate." Napatigil ako, hindi ako makapag salita. Ang daming luhang lumabas galing sa mga mata ko. I feel suffocated. Tila wala akong narinig galing sa paligid. Hindi ko kayang tanggapin, ang daming luhang lumabas galing sa mga mata ko. Nakakatakot ang pumasok sa utak ko. Nanginginig ang tuhod ko kaya napaupo ako.
"N-no, okay pa ang anak ko. Uuwi pa kami, magsasama pa kami." Tumawa ako habang may mga luhang tumulo galing sa mga mata ko.
"A-ano ba kayo hahaha wag kayo magbiro." May yumakap sa akin galing sa likod ko. I know who he is kaya lumingon ako.
"My son is still here right? Hindi pa patay ang anak ko diba?" He looked at me with sadness in his eyes. Umiling iling ako, bakit pati siya naniwala sa kahibangang ito.
Niyakap n'ya ako ng mahigpit, tila ayaw akong pakawalan. Pero hindi, ayaw kong maniwala sa mga pinagsasabi nila. Lagi nalang silang nagsisinungaling sa akin.
"Wala na ang anak mo mahal, please be strong." Sadness is evident in his voice, no hindi, hindi ko kayang tanggapin. Ikakamatay ko.
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...
