CHAPTER 8
Hi mahal,
Day 11 of being your ignored wife, I miss you so much mahal. How you treated me well, kung paano mo pinaramdam sa akin na mahal mo ako. I miss those moments where you told me I was your universe. But sadly you're different now. Hindi na ikaw ang dating minahal ko at kasalanan ko 'yon. I should live with it for the rest of my life. Malapit narin naman akong mamamatay. How many months nalang mahal. Anyway, ngayon ang start ng pagiging maid ko so yeah, kahit masama ang pakiramdam ko ayos lang. I love you mahal, take care. Always.
Your wifey,
RayaTiniklop ko ang notebook ko at nagsimulang maghugas ng pinggan. Nilagay ko lang ito sa gilid, okay lang naman total wala naman rito si Gozu. He's in his office. Narinig kong may kailangan siyang i close na deal para sa kompanya. I wish ma kuha n'ya 'yon. He worked for it overnight, saksi ako. He's really passionate when it comes on his work.
"Anak bakit ka naghuhugas diyan ha? Ako na, jusko lang bata ka ang putla putla mo na oh." Lumingon ako sa taong paparating, si nanay. Ngumiti lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Okay lang po ako nay, hayaan n'yo na atsaka hindi pa po ba sinabi ni s-sir Gozu sa inyo? Katulong po ako rito." Kita kong nagulat si nanay sa sinabi ko, nilapitan n'ya ako at hinawakan sa dalawa kong kamay. Kita sa mukha n'ya ang pag aalala.
"Mga anak, ayusin n'yo 'yan. Kitang kita ko ang pagmamahal n'yo sa isa't isa. Wag kayong susuko." Tinanggal ko ang kamay kong hawak ni nanay at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Pinipigilan ko ang umiyak pero tumulo ang luha ko.
"O-okay lang po nay, masaya naman na si Gozu. Hayaan na po natin, ayaw ko naman po siyang pilitin. Masakit po ang pagmamahal na pilit." Mahinang saad ko. Tila naiintindihan naman ako ni nanay.
"O sige anak hindi na kita pipilitin pero gagawa ako ng paraan, kakausapin ko si Gozu. Ano ba itong ginagawa n'ya sa iyo." Umiling iling lang ako habang nakatalikod pa rin.
"Huwag na po nay, hayaan nalang po natin siya. Masaya naman po ako sa ginagawa n'ya." Niyakap lang ako ni nanay sa likod sabay nagsalita.
"O sige, ikaw ang bahala basta sabihin mo lang sa akin kapag may kailangan ka ha?" Tumango lang ako at nagpasalamat. Umalis na si nanay kaya tinapos ko na ang ginagawa ko. Nagwalis ako at nag mop pagkatapos. Naramdaman kong nahihilo na naman ako kaya umupo muna ako. Naalala ko, hindi ko pa pala nainom ang gamot ko at 10 AM na. Kahit nanghihina at nahihilo ako ginawa ko parin ang lahat para maka punta sa kwarto ko at ininom ang gamot.
Dali dali akong bumalik ako sa baba dahil naalala ko ang notebook ko. Hilong hilo ako ngunit ginawa ko ang lahat para lamang maka baba. Baka mabasa ni nanay. Nang makita kong andoon pa rin kinuha ko kaagad ito at tinago.
Sakto namang dumating si Gozu ngunit mayroon siyang kasama. Hindi ko kilala ngunit napakaganda nito, napadako ang mga mata ko sa kamay nilang magkahawak. Tila tinusok ako ng karayom.
Napaka ganda n'ya, she's chubby yet sexy. Malaki ang hinaharap at maliit ang bewang. Ang katawan n'ya ang tinatawag nilang coca-cola body dahil sa mala boteng hubog nito. Kompara sa katawan kong napaka payat, ang laki ng ibinawas ng timbang ko dahil sa sakit. Ang putla ko rin at laging naka bonet dahil unti unti nang nalalagas ng buhok ko dahil sa treatment.
"Kaileia take a seat, what do you want? Water or juice?" Gozu asked her. Napaka gentleman ng boses nito at pinag hila pa ng upuan ang babae. Tila sumiklab ang selos sa puso ko. Pero ano nga bang karapatan kong magselos? Iniwan ko siya and I should face my consequences.
"UHM just water." The lady replied. Napaka lambing ng kanyang boses, tila hindi makabasag pinggan.
"Ah Raya, get us some water. Please hurry." Said said without even looking at me. Yumuko ako trying to stop my self from crying.
"No, it's okay." Narinig kong saad ng babae. Aalis na sana ako ngunit narinig ko ang sinabi ni Gozu.
"Nah it's okay, she's just a maid and she should do her job. I'm paying her, pinatira ko pa sa bahay ko. She should atleast do her job right." That's it, I can't take it anymore. Mabilis akong naglakad para kumuha ng inumin para sa kanila. Hapong hapo ako pagdating sa kusina at tila wala na akong lakas. Ginawa ko parin ang lahat para makapunta roon at maayos na kumuha.
Naramdaman kong may likidong lumabas sa ilong ko. Hinawakan ko ito at tiningnan. I put a forlorn expression, dugo ang lumabas sa ilong ko but wala akong panahon para mag luksa rito.
Hinawakan ko ang ilong ko at piniga ito hoping to make the bleeding stop. Naghilamos din ako para mawala ang dugo. Hinugasan ko kaagad ng sink nang makitang may mga dugo roon. Noong medyo okay na ako dali dali kong dinala ang tubig ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ko nabitawan ko ang tubig kaya nabasag ang lalagyan at ang mga baso. Halos wala na akong makita, ang dilim na ng paningin ko.
Lumuhod ako para sana pulutin ang mga nabasag kahit ang dilim na ng paningin ko ngunit napadaing ako nang ilang bubog ang dumikit sa tuhod ko.
"Jusko anak! Anong nangyari! Gozu!" Hilong hilo na ako and any minute from now mawawalan na ako ng malay. Gusto ko nalang humiga sa nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ko na kaya.
"What happened!?" Narinig kong saad ng babae. Tila natataranta ito. I also heard Gozu's footsteps but he didn't say a word.
"Anak okay ka lang!? Ang putla mo! Gozu si Raya!" Pilit kong pinikit ng mariin ang mga mata ko trying to make myself sane. Hindi ako pwedeng mawalan ng malay sa harap nila.
"Nanay, don't be fooled. Look at her. She's just faking it. Gumawa siya ng katangahan at pilit pinagtatakpan using that act. You can't fool me again Raya. Stand up." His voice is really cold, wala akong narinig na awa. My heart is really bleeding. Sana mamatay nalang ako ngayon. Sana hindi na ako magising kasi hindi ko na kaya. Bakit ba ako pinahirapan ng ganito?
I wish I am just acting. Gusto kong sabihin sa kanya ngunit hindi ko kaya. Luha lang ang lumabas sa mga mata ko.
"Don't be rude Gozu! Tingnan mo ang tuhod n'ya. It's bleeding!" I know that was the lady's voice. Dahil sa hilo at sa nararamdaman ko unti unti akong humiga ngunit bago ako nawalan ng malay, narinig ko ang sinabi ni Gozu.
"I was fooled before but you can't fool me now Raya."
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomansaTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...