CHAPTER 34
True to his words Gozu came back that day but the disappointment still remains. Ngayon ang libing ng anak ko and what I felt inside is a disaster. Gusto ko nalang sumama sa kanya, hindi ko talaga kaya.
Kapag nakatulog ako siya lang din ang laman ng panaginip ko. Our happy memories together, ang saya ng panaginip ko but it's the saddest dream for me dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko maibabalik ang buhay ng anak ko.
"No, no, no! Baby! Please come back. Mahal na mahal kita anak! Please!" I became hysterical the moment they lowered my son's casket. Takot na takot ako, iiwan na ako ng anak ko for good. Takot na takot na naman akong mapunta ulit sa dilim, my son was my light.
Niyakap ako ni Gozu sa likod ngunit nagpupumiglas ako. Why the hell he is stopping me!?
"Sasama ako please! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas at sumisigaw ako, my father can't even look at me. Nakayuko lang siya, is he ashamed of what I am doing? Anong klase siyang ama?
"Stop it mahal, wala na ang anak mo. You have to accept it. Please, I'm begging you. Hindi ko kayang makita kang ganito. Please, please, nandito pa ako. Nandito pa kami. Hindi ka namin iiwan mahal. Please be strong for us." Kahit ano pang sabihin n'ya o sabihin nilang lahat. Wala akong pakialam! Lahat nalang sila iniwan ako! Lahat nalang sila sinaktan ako! Ang tanging taong nandiyan para sa akin ay iniwan naman ako! Bakit pa ba ako nabuhay kung puro sakit lang din naman ang nararamdaman ko!? Anong kasalanan ko at pinarusahan ako ng ganito!? Do I even deserve this?
"Anak, please tama na. Nandito pa kami."
"Ate---"
"Magpakatatag ka."
"Ate, we're here for you. Hindi ka namin iiwan."
"Be strong for us."
"Mahal please be strong."
Kahit ano pang sabihin nila, hindi parin mababago na iniwan na ako ng anak ko and I can't accept it. Not now.
Hanggang sa naibaba na nila ang anak ko at unti unting tinatabunan ng lupa. Tila nawalan ako ng enerhiya at naluhod sa lupa. My baby. Bakit mo ako iniwan? Sana sinama mo nalang ako anak. Pagod na pagod na ako rito.
"No! Anak ko! Anak! Balikan mo si mama anak, hindi kaya ni mama na wala ka. Hindi ko kaya, isama mo nalang ako parang awa mo na anak!" I beg while hugging my son's picture. I heard Gozu calling me, sinasabi n'yang tumayo ako ngunit hindi ako nakinig. Naramdaman ko nalang na lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit habang walang tigil paring nahuhulog ang mga luha ko.
Pinatayo ako ni Gozu, hanggang ngayon walang tigil na nahuhulog ang mga luha ko sa mga mata. Paano na ako magsisimula nito? Paano ko simulan ang araw kung wala na ang tanging taong rason kung bakit ako nabubuhay? Paano? How will I survive?
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bahay, hanggang ngayon iyak parin ako nang iyak. Ang hirap tanggapin. I am crying in my son's bed, lahat ng gamit n'ya, lahat ng pag aari n'ya tila nagpapabalik tanaw sa akin noon kung paano kami kasaya. Ang paborito n'yang unan, ang kumot n'ya. Niyakap ko ito ang inisip ang mga masasayang ala ala namin noon. Bumukas ang pintuan at pumasok si Yhuri. She's holding a phone.
"Ate---" Mahinang saad n'ya at hinawakan ang balikat ko.
"I just want to be alone right now Yhuri. Leave me alone." Matigas at malamig kong saad. What I want right now is my son's presence at hindi nila maibibigay 'yon kaya mas mabuti pang iwan nalang nila ako.
"I know what you feel ate, nakikiramay ako. Pumasok ako rito because I want to give you this. This video was taken bago siya nawala. H-he said saka ko raw ibigay sa'yo pagkatapos ng libing n'ya. T-that night h-he was so sweet, he keeps on thanking me for being there for him. Sabi n'ya pa malapit na raw siyang magpahinga, a-ang hindi ko alam namamaalam na pala siya." Dahan dahan akong lumingon, she is already crying. Dalawa na kaming nag iiyakan sa loob ng kwarto. Binigay n'ya sa akin ang cellphone n'ya.
"He said, ipapakita ko...raw ito sayo kapag wala na...siya a-ate." He sniffed. Dahan dahan kong kinuha ang cellphone n'ya. She played a video of my son in this bed with oxygen in his nose. Nagpunas siya ng luha bago lumabas. I hit the play button and started watching the video.
"Hi po mama, first of all po gusto ko lang magpasalamat dahil naging mama kita kahit hindi ako lumabas sayo. Thank you po for loving me like your own. My real mother left me when I was a child, I had nothing when you accept me as your own child. Mama ko, ang swerte ko po sa inyo. Minahal n'yo ako na parang anak n'yo. Mama ayaw ko na pong masaktan, pagod na pagod na po ako. Gusto ko na pong magpahinga kasi parang hindi ko na po kaya. Please po, promise me kapag wala na ako magiging masaya ka po lagi. Kahit wala na po ako sa tabi n'yo I will guide you always mama. I love you so much. Please po, be happy. Babye po!" He smiled and waved at the camera. Walang katapusang pagtulo ng luha ko. My son, I miss him so much.
Bumukas ang pinto and a familiar scent filled the room. It's him. Dahan dahan siyang umupo sa kama at umiiyak habang yakap yakap ang cellphone.
Nagulat ako nang bigla n'ya akong yakapin. He buried my face in his chest. I should slap myself right now because why the hell am I comfortable?
"When you cry, we cry together. Kapag may problema ka, may problema tayo. I'm here mahal, hinding hindi na kita iiwan. Just give me another chance mahal, hinding hindi ko ito sasayangin I promise." Hindi ako kumibo, ang daming luha paring nahulog galing sa mga mata ko.
"We will get through this mahal, together."
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
عاطفيةTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...