CHAPTER 14
Someone is talking, hindi ko kilala ang kanyang boses kaya minulat ko ang mga mata ko. Puti ang nakita ko unang dilat ko palang kaya mabilis akong napaupo sa kama ngunit nahilo ako. Nasa ospital ako, saad ng isip ko. Mabilis na lumapit ang doktor sa akin.
"Iha, wag ka masyadong gumalaw." Saad n'y kaagad at tinulungan akong humiga ulit.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko at marahang tiningnan ang kabuuan ko. Nakasuot na ako ng hospital gown at may nakasabit narin sa katawan ko.
"You had a sudden drop in your blood pressure and your brain isn't getting enough oxygen. May lagnat ka at wala kang kain and your body is really weak. I also have something to discuss with you iha." Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa narinig ko sa kanya.
Hindi ko kasi kayang humindi kay Gozu, kaya kahit hindi na kaya ng katawan ko gagawin ko parin para sa kanya.
"What is it doc?" Tanong ko.
"Do you know you have a cancer?" His voice is sympathetic. Dahan dahan akong tumango without looking at him.
"What kind of treatment do you have?" He asked me.
"Just an oral treatment doc, hindi na rin ako nagpapa chemo dahil alam ko namang mamatay na ako. I just need to accept it." Tugon ko.
"Do you have someone I can discuss with your health?" Umiling iling ako at tumingin sa kanya. I think he is already on his mid 40s, kung nabubuhay pa si mama sigurado akong same sila ng age.
"Wala na dok, my mom died years ago. Anyway, can I please make a request?" Saad ko. Tumingin siya sa akin at nakikita kong naaawa siya sa kalagayan ko. I just smiled at him.
"Please dok. I just really need this one. I need your help." Saad ko. My eyes are begging at tila naiiyak na ako. Dahan dahan siyang tumango at napangiti naman ako.
"Please, wala ka sanang sasabihan sa kalagayan ko. A-about my cancer dok. Kahit sino pa ang darating dito ngayon wag mo sanang sabihin. You can tell them about sa lagnat ko but please wag lang about sa cancer ko. I'm begging you po." I was about to stand up and kneel ngunit pinigilan n'ya ako. Pina higa n'ya lang ako at tumango siya.
"Salamat po!" He just smiled at me.
"O sha, I still have patients babalik nalang ako mamaya. Take a rest." Tumango ako at umalis na siya.
I wonder sino ang nagdala sa akin dito. I guess it wasn't Gozu. Kasi kung siya ang nagdala sa akin dito dapat nandito siya.
Speaking of him, mabilis na bumukas ang pinto at inilabas nito si Gozu. He looks unstable, makagusto ang suit na suot niya at may nababasa akong awa sa kanyang mga mata. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Instantly, biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. I miss this feeling, when he'll wrap his arms around me and make me feel loved.
"This is all my fault, I'm really sorry. Hindi ko akalaing magkakaganito ang lahat. Dapat hindi na kita dinala sa opisina, dapat hindi na kita pinagtrabaho. I'm so sorry, I was a fool. I was heartless." I tried to hush him ngunit patuloy parin siyang nagsasalita blaming his self.
Should I be happy dahil nandito siya sa harap ko and he care for me? Should I be happy?
"I-It's okay, It was my fault din naman. D-don't blame yourself." Saad ko.
Nakayakap parin siya sa akin and to be honest ayaw kong matapos ang araw na 'to. God, I miss everything about him. Mahal na mahal ko nga siya.
"D-don't worry, I will make it up to you. I'm really really sorry. Nagulat nalang akong may tumawag sa akin sa opisina na nawalan ka raw ng malay while walking. D-dinala ka raw agad sa ospital dahil hindi ka na gumagalaw. I-I was so scared, h-hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. D-diba dapat galit ako? Diba dapat wala akong pakialam sayo? Kasi diba iniwan mo ako? Sinaktan mo ako? Why I am here?" Napangiti ako but tears are falling from my eyes. Tama na sa akin na malamang may pakialam pa pala siya. It would be a great birthday gift. Tomorrow, september 17 is my birthday.
"H-hey, okay lang ako haha. It's okay, tama na. Don't blame yourself." Pagpapakalma ko sa kanya. Lumayo na siya sa akin and my heart feel disappointed, gusto ko pang maramdaman ang yakap at ang init ng katawan n'ya sa katawan ko.
"Don't worry, I will really make it up with you. I was heartless when I let you do those things without even thinking about your health. Kung kumain ka na ba------" Pinutol ko ang kanyang sasabihin kasi alam kong sisisihin na naman n'ya ulit ang sarili n'ya.
"Come on, it is okay. I'm okay, look at me I am fine as hell hahahaha." I tried having a fake smile, nagdadasal din akong hindi n'ya mapansin na ang nipis nipis na ng buhok ko. I wasn't wearing a bonnet at natatakot akong makita n'ya.
True to his words, hindi siya umalis sa hospital. Nanatili siyang nasa gilid ko, he is helping me in everything. Pati ang pagkain siya ang nagpapakain sa akin. Parang bumalik kami sa dati, parang mag asawa ulit kami. Sinabi n'ya ring pupunta si nanay rito mamaya para bisitahin ako.
It's already 7PM at ang sama talaga ng pakiramdam ko. Gozu is in his phone at tila may importanteng ginagawa roon. I know I am having my seizures, I felt numb, ang sakit sakit ng ulo ko, my vision is getting blurry and I really feel weak.
"I need to go." Magsasalita sana ako pero naunahan n'ya ako.
"W-wag muna please...p-please call the doct----" Napatigil ako nang magsimula siyang maglakad paalis.
"Kaileia needs me right now. She's having an anxiety attack. She's mentally unstable, baka ano pang magawa n'ya sa sarili n'ya. I'm sorry kailangan ko siyang puntahan." He looks worried at her.
Paano naman ako? Ang daming luha ang lumabas galing sa mga mata ko.
"O-okay...but please...call the do----" For the second time pinutol n'ya ulit ang sasabihin ko.
Hindi siya nakatingin sa akin at nanatiling sa cellphone n'ya ang mga titig n'ya. He keeps on dialling a number at sinagot naman ito.
"Please Kai don't do it! Paparating na ulit ako okay? I-I love you...hindi ko kayang mawala ka! No please! D-don't do it! Kai! Paparating na ako! Don't kill yourself okay? I got you!" Napatawa ako sa narinig, he got her. How about me? Who got me? I guess it's just me and my illness.
Ngunit wala pang sasakit pa sa narinig ko. He loves her? Mahal na n'ya siya? Ang bilis naman ata n'ya akong napalitan. Pero bakit nga ba ako nagrereklamo? Ako ang nang iwan sa kanya. Sinaktan ko siya.
With my last strength, I whispered.
"P-please don't go...I-i need you..." I whispered. Tumigil siya sa ginagawa n'ya at tumingin sa akin. He looks bothered and worried at alam kong hindi para sa akin 'yon.
"But she needs me more. I'm sorry." Ngumiti nalang ako ng mapait kasabay ang pag agos ng masaganang luha sa mga mata ko nang unti unti siyang tumalikod sa akin.
"I love you..." Itinaas ko ang mga kamay ko hoping na lumingon siya at bumalik sa akin ngunit hindi n'ya ginawa, sa halip tumakbo siya papunta sa kanya. Mahina ko nalang na saad at dahan dahan pinikit ang mga mata ko.
***********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
Hi guys huhu naiiyak ako sa chapter na ito. Nakaka trauma kasi ang hospital hehehe. Hope you will like this chapter. Anyway, tomorrow is my birthday, september 17. Yey, advance happy birthday to me! Hehehehe.
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...
