CHAPTER 26

2.2K 45 4
                                    

CHAPTER 26

Itinapak ko ang mga paa ko sa bahay na minsang iniwan ko at ang mga ala-alang binuo kasama ang mga taong malapit sa akin noon. Ang bahay kung saan nagsimula ang akala kong panghabang-buhay.

"Finally, you're here. Welcome to our humble abode my love. Do you miss this home?" He greeted me with delight in his eyes. He looks so happy and excited while I am shallowing all the emotions I felt. Anger, disappointment, sadness and regret.

Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ang minsang minahal ko ng lubusan ay kasuklaman ko ng ganito. The hate I am feeling towards him is growing more and more day by day. Yes, to tell everyone the truth, I still love this guy infront of me. Ni hindi nagbago 'yon but what he did was disturbing. He made me suffer emotionally. After n'yang mapirmahan ang annulment, I will make sure pipiliin ko na ang aking peace of mind.

Hindi ko siya pinansin bagkos nagpatuloy ako sa paglalakad nang maalala kong hindi ko pala alam kung saan ang aking silid. I wonder, where's Nana? Kanina ko pa siya hinahanap ngunit hindi ko siya nakikita.

"Where's my room?" I asked.

"First floor beside my room but if you like, we can share." He gave me a cheeky smile but I just shrugged it off at nagsimulang maglakad papasok.

The familiar room made me think for awhile pero hindi ko ito hinayaang kulitin na naman ang aking utak para mag isip na naman ng kung ano anong imahinasyon.

"Do you like it?" Naramdaman ko ang kanyang presensya sa likod ko. Pumikit ako at naglakad palayo sa kanya.

Inilibot ko ang paningin ko and namangha ako sa kwartong pinapasukan ko ngayon. It is very modern, katulad ng lagi kong sinasabi sa kanya noon.

"Yes, I like it. Thank you, pwede ka nang umalis. I need to sleep." Matigas kong saad. Wala akong narinig na sagot kaya hindi rin ako nagsalita ulit.

"Why are you this hard? I've been doing everything. If you only know." Napangisi ako at humarap sa kanya.

"If I only know, what? Anong dapat kong malaman Gozu?" Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Stop saying like you did everything for us Gozu. You failed to be a husband." Madiin kong saad habang nakatitig sa kanyang mga mata. Humakbang siya palayo kaya ngumiti ako.

He's hurt, I know but the audacity to say it infront of me. I was the one who suffered because of his decisions and up until now I realized, I'm still suffering because he won't let me go.

"Why can't you just let me go? You can't even treat me right." That's more of a question. I want to know why he's still keeping me but can't treat me right either.

"I love you." Natatawa ako sa sinabi n'ya.

"That's not love Gozu, maybe sinasabi mo lang 'yan dahil ako nalang ang mayroon ka ngayon. Gozu, I'm tired of this shit. Pwede bang pirmahan mo nalang ang annulment at hayaan mo akong mamuhay mag isa? Kasi I'm tired! Pagod na ako!" Sumigaw ako out of frustrations and anger. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya.

Nasa hospital pa ang anak ko tapos ito pa, hirap na hirap na ako. Kailan ba kasi ako sasaya? Bakit lagi nalang ako ang nasasaktan, ako bang kasalanan kk para parusahan ako ng ganito?

Nagulat ako sa sunod n'yang ginawa. Lumuhod siya sa harap ko. Tila hindi ako makapaniwala.

"Please give me another chance mahal, kung pagod ka na. Ako naman ang hayaan mong lumaban para sa ating dalawa. Just give me another chance please, I'm begging you." Hindi ako makapag salita, ni hindi ko inisip na makikita ko siyang lumuhod sa harap ko.

"It's too late Gozu." I didn't let him ruin my facade. I stood strong infront of him while my head held up high and he's begging for a second chance.

"No it's not, hanggang humihinga pa ako. Hinding hindi magiging huli ang lahat." He replied. Tumalikod ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nag ring ang phone ko kaya mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Ate, he's awake. Puntahan mo siya ngayon dito ate. He's looking for you." Tila lumiwanag ang paligid ko dahil sa balita.

"T-talaga? C-can he talk? C-can you give him the phone?" Nanginginig kong tanong. Thank you Lord at tinupad mo ang hiling ko, buhay ang anak ko.

"Sure ate, wait pupunta lang ako sa kama n'ya." Dahil sa sobrang saya ko nakalimutan kong may kasama pala ako.

"He's in the phone ate, magsalita ka na." Napahawak ang dalawa kong kamay sa cellphone at hinintay magsalita ang anak ko.

"M-mama? W-where are you po? I miss you po." Napaiyak ako nang marinig ko ang boses n'ya. I miss his voice, miss na miss ko na ang anak ko.

"I'm on the way. I love you so much. Pupunta ako riyan okay? Hintayin mo ako. I love you baby. I love you so much." Mabilis kong kinuha ang bag ko at masayang naglakad paalis sa kinaroroonan ko pero nagsalita siya kaya napatigil ako at naisip na may kasama pala ako.

"Please don't go, I'm begging you. Let's fix this." Napatigil ako. Years ako I was on his shoes, ako ang nagmamakaawang was siyang umalis. Years ago, I was crying and begging para hindi n'ya ako iiwan. Para ako naman ang piliin n'ya but what did he do? He still left me knowing my condition.

"I'm so sorry, I was a fool. Hindi kita pinili, iniwan kita noong kailangang kailangan mo ako. But I'm here now, mahal. Nandito na ako. Hindi na ako mawawala. Please I'm begging you. Wag mo akong iiwan, let's fix this mahal." His voice cracked at nabato ako sa kinatatayuan ko. Tumulo ang dalawang luha sa mga mata ko ngunit mabilis ko itong pinunasan at nagsimulang maglakad paalis. Like what he did before, I left him without looking back.

**********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon