CHAPTER 29

2.1K 42 10
                                    

CHAPTER 29

Itinulak ko siya. My vision is blurry pero alam ko kung ano ang ginagawa ko. Puno na ng poot at galit ang puso ko, pati ako hindi ko na alam ang gagawin ko para lang matanggal lang itong sakit na nararamdaman ko.

"C-can you give me a chance please, I p-promise you mahal. I-I will be better, I will do my best to make you happy. Please just give me another chance." He begged. Should I be happy? Ang taong nanakit sa akin noon ay nagmamakaawa para lang mapatawad ko ngayon? Diba dapat magiging masaya ako? Pero bakit kabaliktaran ang nangyari? Bakit parang nasasaktan din ako ako. Pero hindi, hindi ako dapat nagpapadala sa kanya. Ang gusto ko lang ay pirmahan n'ya ang annulment papers and that's it. I'm out of his life.

"Why should I give you another chance? When I was begging for your love and attention where are you? You were with her. You were there for her not for me. I am your wife Gozu but why the hell you choose her over me. Is she better than me? Anong kulang sa akin at ang bilis mo lang akong kalimutan habang ako hindi parin ako maka ahon!?" To be honest I'm really hurt, disappointed and angry. The alcohol is speaking up for me and my vision is really blurry. I want to say what's inside my heart right now.

"I-I was helping her mahal, s-she was an unwanted wife. H-her husband took advantage of her------" Napatawa ako ng malakas sa sinabi n'ya kasabay noon ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko. Parang may tinik na nakabara sa lalamunan ko kaya hirap akong magsalita.

"You were saving an unwanted wife while ignoring your own wife." Matigas kong saad habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko.

"I am an ignored wife right? I did everything to save our dying relationship yet you ignored everything!" Sigaw ko ulit. Yumuko siya at kitang kita ko luhang nahulog galing sa kanyang mga mata. Napatingin ako sa kamay n'ya at nakayukom ito, alam kong pinipigilan lang n'ya ang kanyang sarili.

"Y-yes nasaktan kita. I left you begging p-pero bumalik ako because I want to spend my remaining months kasama ka sana. Wala na kasi akong balak noon magpagamot eh, hahayaan ko nalang sana na kainin ako ng sakit ko. Nagmakaawa ako sayo noon diba, kahit sobrang sakit na, ginawa ko parin ang lahat para lang sana magkaayos tayo but you ignored all my efforts Gozu. You fucking ignored me!" I cried. Ang bigat bigat ng loob ko, akala ko maayos na ako. Akala ko wala na akong pakialam sa nangyayari noon pero bakit kapag naalala ko kung gaano ako katanga noon naaapektuhan parin ako.

"Kaya nga please give me a chance. Hayaan mo akong bumawi sa lahat ng ginawa ko mahal. Patawarin mo, l-let's start again mahal." Napatawa ako dahil sa sinabi n'ya.

"Ganyan ba ang tingin mo? Na kaya nating bumalik gaya noon? Come on Gozu, we committed mistakes in the past at ayaw kong kapag nag aaway tayo ibi-bring up natin ang nangyari noon. Ang toxic at isa pa, matagal na akong pagod sa relasyong 'to. I already accepted our fate Gozu." Matigas kong saad sabay titig sa kanya.

Sumakit ang puso ko dahil sa reaksyong pinakita n'ya. He looks really hurt right now. His eyes are in tears because of pain. Pati rin ako, nasasaktan din ako sa sitwasyon namin pero anong magagawa ko? Nandito na kami at hindi na namin mababago 'yon.

"M-mahal p-please? I'm begging you, let's make this work." Umiling iling ako at tumalikod. Hinawakan ko ang bandang puso ko sabay iyak.

"Gozu naman, pwede bang itigil na natin 'to please? Palayain na natin ang mga sarili natin, nagmamakaawa ako." Umiiyak kong saad. Narinig ko ang papalapit n'yang mga yabag kaya pumikit ako saka ko naramdaman ang mga braso n'yang dahan dahang yumakap sa akin.

"Ang sakit mahal, nagmamakaawa akong ayusin natin ito pero nagmakaawa ka rin na pakawalan na. Ang sakit sakit mahal, hindi ko kaya." Napahikbi ako nang maramdaman ko ang mga luhang tumulo galing sa mga mata n'ya. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko hoping na tumigil ang sakit na nararamdaman ko.

"K-kinaya mo nga noon na hindi ako pansinin ng ilang buwan kaya alam kong makakaya mo ngayon. N-noong may kasama kang ibang habang pagod na pagod na akong lumaban mag isa, n-nakaya mo. Ngayon pa kaya? Ngayon pa kayang suko na ako?" Humihikbi kong saad. Mariin siyang umiling iling sa likod ko kaya napahawak ako sa kamay n'yang naka yakap sa akin.

Rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso. Ang lakas tila gusto nitong lumabas sa kanyang dibdib.

"Mahal naman, I was just helping her, s-she was pregnant that time mahal. A-ako lang ang meron siya noong mga panahong 'yon, her husband left her. She was unwanted, pati ang pamilya n'ya ayaw sa kanya. That-----" Pinutol ko kung ano man ang sasabihin n'ya.

"That was why you ignored me. I became your ignored wife because you chose an unwanted wife. Ako rin naman, ikaw nalang ang meron ako noong mga panahong 'yon pero pinili mong iwan ako at tulungan ang iba!" I sobbed.

"I miss you mahal, miss na miss ko na kung paano mo ako itrato noon. I miss your laughs, I miss everything about you. Believe m-----" Pinutol ko siya.

"Just stop explaining things! Ayaw ko na! Pagod na ako! Let me rest!" Winakli ko ang mga kamay n'ya at pasuray suray na naglakad papunta sa kwarto ko pero tumigil ako at dahan dahang lumingon sa kanya. His back is facing me at nakakuyom ang kanyang mga kamao.

"Like what they said, you will never know the value of a moment until it becomes a memory." Mahina kong saad pinunasan ang mga luhang nahulog galing sa mga mata ko at naglakad paalis.

Nang makapasok na ako saka ko naman narinig ang mga nabasag na mga gamit sa labas.

************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Unwanted wife up next hihi that's Kaileia's story. Bago kayo magalit sa kanya, basahin n'yo muna ang story n'ya hihihi.

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon