CHAPTER 16

2.6K 56 13
                                    

CHAPTER 16

Nakaupo lang ako sa harap ng pintuan, hinihiling na sana dumating na si Gozu. I've been waiting for him for about an hour. Hawak hawak ang notebook na niyakap ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa araw na ito. But the truth should be revealed. Nakakapagod nang magpanggap, nakakapagod nang masaktan.

I just want to be happy, masama ba 'yon? I just want a happy ending. Yes, nakagawa ako ng pagkakamali but don't I deserve a second chance? Naduwag ako, oo kaya nga ako nandito para itama ang lahat ngunit bakit parang huli na ang lahat? Sobra ba talaga ang ginawa ko para kamuhian n'ya ako ng ganito?

Part of me wanted him to be happy in my arms but I also want him to have a happy ending with someone who's not sick. Someone who can give him a complete family, something that I couldn't give him.

Napatayo ako nang may kotseng tumigil sa harap, it's him. He's already here. Tumingin siya sa akin but as usual he ignored me. Nanatili akong nakasunod sa kanya hanggang pumasok siya sa kanyang kwarto. Akmang isasara na n'ya ang pinto, mabilis kong hinarang ang kamay ko kaya naipit ako. Napasigaw ako sa sakit.

"Arayy!" Mabilis naman n'yang hinawakan ang pinto. Nang makita n'yang ako ang sumigaw tila nawalan siya ng pakialam. He gave me a bored look.

"What are you doing here?" Saad n'ya. Nagulat siya nang bigla akong pumasok sa kwarto n'ya. Kumunot ang noo n'ya. Bumuntong hininga ako at nagsimulang magsalita.

"Let me explain my side years ago. Why I left you." Napatawa siya ng pagak at umupo.

"Bakit kailangan mo pang mag paliwanag? May mababago ba?" I held my tears. Ang sakit ng lalamunan ko kakapigil sa mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

"W-walang mababago but I just wanna clear my n-name." Saad ko. Humalakhak siya ng malakas at umupo sa harap ko.

"Okay, fine. Let me see your reason, wag mo sabihing may sakit ka kaya ka umalis. HAHAHAHA mamatay ka na ba kaya ganun? Hmm? You're really funny." Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko sa naging tugon n'ya. Pumikit ako ng mariin, ang sakit pala marinig. Sobrang sakit.

"Yes, mamatay na ako." Saad ko. Tila nagulat siya sa sinabi ko. Magsasalita na sana siya ngunit inunahan ko.

"Can you please stop talking muna. Before this hahayaan kitang sabihin ang gusto mong sabihin." Mahina kong saad. Mabuti naman at nakinig siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng mapait at dahan dahan tinanggal ang bonnet kong laging suot suot.

"As you can see, unti unting natatanggal ang mga buhok ko." Tila nagulat siya sa nakita n'ya. Ngumiti ako ng mapait sa kanya.

"N-no y-you're lying." I can't read his mind right now.

"I was diagnosed with stage 3 acute lymphocytic leukemia and the doctor gave me 2 survival years mahal." Tila nawalan siya ng lakas dahil sa sinabi ko. Unti unting tumulo ang kanyang mga luha.

"Patawarin mo ako kung naduwag akong sabihin sa'yo ang totoo mahal. Natatakot lang akong makita mo akong inaatake ng sakit ko kasi alam ko ang pakiramdam eh." Ang daming luha na nahuhulog galing sa mga mata ko. Tila nagpapaligsahan silang makaalis.

"N-naduwag ka? How about me? How about our vows? Wala lang ba 'yon sa'yo? Till death do us part pero iniwan mo ako. Do you even know how I cried every night thinking what did I do wrong? Kung saan ako nagkulang! Kung bakit tayo nagkaganun! Iniwan mo akong ganun ang dahilan! You left me traumatized!" Ang dami na ring luha na nanggaling sa kanyang mga mata. He looks lost, confused and really hurt.

"I-I'm sorry. Kaya nga nandito ako ngayon para sana itama ang pagkakamali ko but it seems like I am late." Mahina kong saad habang humihikbi.

"Arggh! Fuck this stupid life!" Tumayo siya at sinapak ang malaking aparador, gawa lang ito sa kahoy kaya't nasira ito. Napasigaw ako sa gulat.

"P-please tama na!" Mabilis ko siyang niyakap sa likod habang sinusuntok n'ya parin ang aparador. I can't stand him like this.

Tumigil siya at dahan dahang umupo, umupo rin ako sa gilid n'ya habang umiiyak.

"Hindi ko matatanggap, I keep on hating you for years but you were suffering. I don't know what I should feel! My suffering for years feels like invalid!" Dagdag n'ya.

"I-I wasn't there when you had your attack. Wala ako sa panahong kailangan mo ako, I-I am your husband Raya! A-ako dapat ang nasa likod mo hindi ang ibang tao." Naiiyak ako sa mga sinasabi n'ya kasi alam kong tama siya.

"A-alam mo ba ang pakiramdam na iwanan? You told me ang pinakamaling nagawa mo sa buong buhay mo ay ang pakasalan ako. That broke me Raya, you traumatized me." Hindi ko siya masisisi, dahil sa kaduwagan ko nagkakaganito kami. All of these mishap happened because of me. Dahil duwag ako.
Ang dami kong what if. What if sinabi ko sa kanya? Magiging ganito ba kami? What if hindi ako naduwag? Masaya ba kami ngayon?

"I'm so sorry, my mom died because of leukemia at ayaw kong maranasan mo ang naranasan ko noon. Ayaw kong maramdaman mo ang naramdaman ko noon kasi nakakatakot mahal." Mahina kong saad. Tumingin ako sa kanya at nanatili lang nakayuko ang kanyang ulo habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"I still don't get it, bakit mas pinili mong magkaganito tayo but I am your husband. I-I will take care of you from now on." Mabilis akong napatingin sa kanya. Totoo ba ang kanyang sinabi?

My vision is getting blurry again at nahihilo ako. Nagsimula na ring sumikip din ang dibdib ko. Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa kanyang cellphone.

"N-no p-please don't do that." Mabilis akong lumingon sa kanya. His voice is full of pain.

"I-I'm here okay? Hindi kita iiwan." Tila ilang libong karayom ang tinusok sa dibdib ko dahil sa narinig ko galing sa kanya.

"Y-yes, i-ikaw lang ang mahal ko. Y-you're lovable and you are amazing. Okay? Don't kill yourself please.... Kaileia, l-love." Napangiti ako ng mapait. It's her again.

"P-papunta na ako, just don't do that I'm begging you." Paano naman ako? Pinatay na n'ya ang tawag at mabilis na tumayo. Tumakbo siya papalapit sa pinto ngunit tinawag ko siya. Bigla siyang tumigil at lumingon sa akin. Litong lito siya.

"H-how about me? Don't you know I also tried to kill myself?" Mabilis kong hinubad ang jacket ko at pinakita sa kanya ang kamay kong may sugat dahil sa paglalaslas ko. Hindi pa masyadong magaling ang sugat ko.

He gasped. Hinawakan ang ulo n'ya, tumingin ulit siya sa kanyang cellphone at tumingin sa akin.

"P-please don't go. I'm begging you. Piliin mo naman ako ngayon mahal. Maawa ka sa akin." Umiiyak kong saad sa kanya habang unti unting lumuhod. Litong lito ang itsura n'ya tila hindi alam ang gagawin.

"Ako naman ang magsasabi sayo ngayon mahal. Kung aalis ka sa pintuang 'yan wala ka nang babalikan ka." Saad ko habang nakaluhod sa harap n'ya.

"B-babalik ako, babalikan kita." Iyan lang ang mga salitang sinabi n'ya at umalis. Naiwan akong nakatulala at umiiyak. Pinili n'ya siya over me. Napahakhak ako. Hinang hina na ang katawan ko kay dahan dahan akong umupo at kinuha ang cellphone ko.

I texted Kaelus. "Kunin mo na ako ngayon."

Kahit hilong hilo ako tumayo ako at nilagay sa higaan n'ya ang notebook ko. Balang araw mababasa n'ya 'yan ay nagsimulang maglakad paalis. Darating din ang panahong may pipili sa akin sa araw araw hindi dahil nagmakaawa ako kundi pinili ako dahil mahal n'ya ako..........kapag dumating ang panahong 'yan sana buhay pa ako.

************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

THE END

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon