CHAPTER 24
"Ateee ang ganda ganda mo alam mo ba 'yon?" Inikotan ko ng mata si Wave. This idiot left me at the party! Kung hindi dahil sa kanya edi sana wala ako sa kalagayan ko ngayon.
"Don't ate, ate me Wave! You left me! You put me into that mess!" I yelled at him. Tumigil naman siya sa kakakulit sa akin nang makita n'yang seryoso ako. Seryoso talaga ako ngayon, hindi kasi biro ang ginawa n'ya.
"Okay I'm sorry ate, let me explain. I-I think I saw Aya k-kaya sinundan ko siya. I saw her leaving, sumakay sa taxi kaya sinundan ko." Mabilis akong napatingin sa kanya at sinampal.
"My God Wave! Your ex again!? You are dating Yhuri! Ano lang ba siya sayo huh? Laruan!? Stop it Wave or hiwalayan mo nalang si Yhuri. You will hurt her!" Yhuri, my child's nurse is my brother's girlfriend. He look at me with a pained expression. I know he loves Yhuri but deep in his heart he still loves Aya.
In the past Wave loved someone and that someone was Aya, nagkahiwalay sila dahil pumuntang ibang bansa si Aya para tuparin ang pangarap nito. They promised each other na hihintayin ni Wave si Aya kapag pwede na ngunit nalaman ni Wave na may iba na si Aya roon and things get messy, Wave became a womanizer and they apparently broke up and here goes Yhuri, tumino sa kanya si Wave but Aya is here again. Hindi ko na alam sa kanila.
Hinawakan ko siya sa kamay. "Wave, you're my brother kahit hindi tayo sabay na lumaki but I want you to know I will always support you as long as you're happy. Can Aya really makes you happy? O kaya ka lang nakakaramdam ng ganyan dahil wala kayong closure. Ayaw kong magsisi ka sa huli Wave." Lumayo siya sa akin at tumalikod, alam kong tagos sa kanya ang sinabi ko. I want him to understand na hindi pwedeng kapag iniwan mo ang isang tao dahil iba ang pinili mo ay pwede mo itong balikan kahit kailan mo gusto. No, that is not how life works.
"Anyway, pupunta ka ba sa condo mamaya? Bisitahin mo ang pamangkin mo. Alam mong nandoon si Yhuri, basta huwag lang kayong gumawa ng milagro. May pupuntahan muna ako." Mabilis kong saad habang inaayos ang bag ko. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Saan ka naman pupunta aber? Hoi ate babalik tayo sa Australia kapag natapos na 'yang annulment mo kaya wag kang feeling sa mga lakad lakad mo." Binatukan ko siya, aba pinagsasabi ng batang ito.
"Hoi, itong nilakad ko para ito sa annulment ko. Ayusin mo pananalita mo ha kung ayaw mong tuktukan ko 'yang ulo mo." Saad ko sa kanya sabay inirapan. Napakabastos na bata.
"Baka makipag balikan ka sa asawa mo ate ha?" Nagsimula na akong maglakad at hindi na siya pinansin pa. Bahala siya kung ano iisipin n'ya.
This morning I received a text from an unknown number. Ngunit nagpakilala naman kaya alam kong kay Gozu ang number na iyon.
"Let's meet today, pag uusapan natin ang gusto mo if you want to get this all done." -Gozu
Do I have a choice? I need his signature. Kailangan ko ang pirma niya para tuluyan na akong makaalis sa bansang ito. Having his last name means having memories I want to forget.
Tumigil ang isang kotse sa harap ko, I saw Gozu on the driver's seat. Nasa condo pala ako ng kapatid ko at ito ang sinabi kong address kay Gozu. Tumingin siya sa likod ko kaya sinundan ko rin ang tingin at nakita ko roon si Wave. He is looking at us intently, tumitig din doon si Gozu. Hindi ko na sila pinansin pa at sumakay sa kotse n'ya. Mabilis naman n'ya itong pinaharurot.
"Slow down!" Sigaw ko. Ang bilis kasi n'yang magpatakbo parang nakikipag karera.
"Who's he?" Tanong n'ya kaya napatingin ako. Who is he talking about?
"Who?" Saad ko.
"T-that man, is he Josh?" Josh? Ah akala n'ya si Josh si Wave? Hindi ko siya sinagot at kinuha ang cellphone ko at nagpipindot ng kung ano ano roon.
"Damn it! Answer me!" Malakas n'yang saad at pinalo ang manibela kaya ang resulta gumewang ang sasakyan. What the hell is wrong with him!?
"Are you two living together? Kaya gusto mong ma annul ang kasal natin because you two can have a happy ending!?" Pinagsasabi ng taong ito? Naririnig ba n'ya ang kanyang sarili? Ano bang gusto n'yang palabasin dito. Na masama ako?
"Come on Gozu, I don't understand you. You have someone right now at kung marinig n'ya 'yang mga sinasabi mo hindi ba siya masasaktan o magagalit? Come on, isipin mo naman ang nararamdaman n'ya." I'm saying this because of what I experienced in his arms. I may hate him ngunit ayaw kong maranasan ng babaeng kasama niya ngayon ang naranasan ko noon because it was hell. I was broken and hurt.
"I don't have someone right now Raya. I only want you." Seryoso n'yang saad. He only want me? HAHAAHHA napatawa ako. Is he being serious right now?
"Don't play with me Gozu dahil hindi mo na ako madadala sa ganyan. How dare you say that infront of me after you chose someone over your own wife." Mariin kong saad. How dare him, indeed.
"If you only know Raya." Mahina n'yang saad. If I only know what? Umiling iling ako. Hindi 'to pwede. Kung alam n'ya lang din ang nangyari sa akin noon. Kung alam n'ya lang what I encountered while fighting for my life. I almost died.
"No Gozu, kung alam mo lang ang nangyari sa akin noon." Mahina kong saad.
It's so funny how we talk right now. Hindi ko akalaing magkakaganito kami, after we fight for our dreams in having a complete and happy family. Hindi ko akalaing dadating kami sa puntong ito. Akala ko kasi kami na, akala ko kasi panghabang buhay na. Hindi, panandalian lang pala.
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...
