CHAPTER 15

2.6K 56 4
                                    

CHAPTER 15

Yesterday, september 17 was the loneliest birthday I ever had. Walang Gozu ang nagpakita sa akin. I celebrated my birthday alone. Masakit ngunit kailangan kong tanggapin. Malapit din naman na akong mamatay eh kaya okay lang 'yon.

Dear Mahal,

You forgot about my birthday yesterday. Hindi ka umuwi, I guess she is really important. I remember when I asked you kung ano ang uunahin mo ang mahalaga ba o ang importante and you said ang importante kasi kaya mong iwan ang mahalaga para sa importante. The way you looked at Kaileia, I can already tell. You love her and don't worry hindi ako galit dahil doon. In fact, you deserve her, she seems like a good person, she's bubbly and kind. Mahal, love her like how you loved me. Anyway, mahal na mahal kita.

Sincerely,
Your wifey

Nasa bahay na pala ako ngayon kasi okay naman na ako except sa lagnat ko. Nanay is here para alagaan ako and I really thank her for all the kind gestures.

Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang mag ring ito. I immediately picked it.

Kaelus calling

"Kae why?" Kaagad kong bungad.

"I'll pick you up. Hindi ko na gusto ang ginagawa mo sa sarili mo Raya!" Napakunot noo ako sa tono ni Kaelus.

"May sakit ka and you let yourself work without even eating!? Alam mong any minu----" Napahalakhak ako sa sinabi n'ya.

"Ano Kae? Any minute from now pwede akong kunin? That's what exactly what I want Kae! Ang mamatay! Kasi pagod na pagod na ako sa pesteng buhay na 'to!" I can't help but to raise my voice.

They will always blame me, ako nalang lagi. Ako nalang lagi ang masama, ako nalang lagi. Nakakapagod na.

"I don't mean it like that, I'm sorry. It's just that nag aalala lang ako sa'yo. I was there when you almost died Raya at malapit ka na sa akin." Pinahiran ko ang luhang nahulog galing sa mga mata ko at pumikit.

I shouldn't vent on him kasi nag aalala lang naman siya sa akin. Iniisip n'ya lang ako.

"Right, I'm sorry Kae." Marahan kong saad. Narinig kong nagbuntong hininga siya sa kabila at nagsalita.

"It's okay but I was not joking noong sinabi kong kukunin na kita." Tila naalarma ako.

"No Kae, dito lang ako!" Kaagad kong saad.

"No Raya! You will kill yourself and I won't let you! Please Raya, tama na ito. You've done enough. Let yourself rest. Please." Naiintindihan ko naman siya eh, alam ko naman ang pinasok ko pero hindi pa kasi ako tapos. Hindi ko pa nakukuha ang patawad n'ya.

This week I was too weak. Tila hindi na kakayanin ng katawan ko ang mga pangyayari and I bet he will notice it.

"Hindi ko pa nasabi sa kanya. Hindi pa ako pwedeng umalis." Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Edi sabihin mo na sa kanya kaagad! Just stop killing yourself like this! Hindi ka pa ba pagod!? Kasi ako pagod na pagod na akong makita kang nagkakaganyan! You deserve someone better!" He shouted and I can really tell he is serious.  Tama naman ang kanyang sinabi.

"O-okay, sasabihin ko na. I'll just text you kapag aalis na ako ngayong araw o bukas. Goodbye." Mabilis kong pinatay ang tawag at kinuha ang malaking bag at nag impake.

Kung hindi ako magiging matapang ngayon, kailan? Kailan ko sasabihin? Hindi ko hawak ang buhay ko. Ayaw ko namang mamatay nalang nang hindi n'ya nalalaman ang totoo.

"Anak...ku....Ano 'to?" Malungkot akong napatingin kay nanay. Niyakap ko at hinayaan ang sariling umiyak sa kanya.

"Sasabihin ko na po kay Gozu ang totoo. Pagod na pagod na po kasi akong magpanggap." Saad ko habang tumutulo ang mga luha ko.

Naramdaman kong tumango tango siya at hinahaplos ang buhok ko. Mamimiss ko ang pakiramdam na ito, mamimiss ko si nanay. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang lugar kung saan ako namamalagi. Ayaw kong idamay siya sa buhay ko, tama na ang mga ganitong pangyayari.

"Mag iingat ka rito nanay ha, mamimiss kita. Mahal na mahal kita." Saad ko habang umiiyak parin.

"Mahal na mahal din kita anak, tinuring na kitang parang tunay kong anak. Lumaban ka sa sakit mo anak, alam kong kaya mo." Sana nga nanay, yan ang gusto kong sabihin sa kanya ngunit ngumiti nalang ako.

Kumalas na ako sa yakap at pinahiran ang mga luha ko sabay ngiti. Inayos ko rin ang mga nilagay ko sa bag.

"Kailan po ba uuwi si Gozu? May nasabi po na siya sa inyo?" Tanong ko nalang.

Umupo siya sa kama at patuloy paring pinupunasan ang luhang umaagos sa mga mata n'ya. Nang kumalma na siya, saka siya sumagot sa akin.

"May nasabi siya, ngayon daw ang uwi n'ya ngunit hindi ko alam kung anong oras. May importante pa raw siyang pinuntahan eh." Ngumiti ako ng mapait, I guess it's Kaileia. He even left me for her.

"Sige nanay, salamat po." Pinagpapatuloy ko ang pag iimpake. Ilang minuto lumabas na si nanay, may gagawin pa raw siya.

Bumuntong hininga ako at umupo sa kama. Kinuha ko ang notebook ko at nagsulat. Nasa huling page na pala ako. Napatawa nalang ako at nagsulat.

Mahal,

Nasa huling papel na pala ako, well gusto ko lang magpaalam sa'yo. Ang sakit ko tila kumalat na sa katawan ko mahal. Dapat kasi nakinig akong doon nalang sa treatment facility baka gagaling pa ako. Pero hindi, hindi ako nakinig kasi gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Kasi alam kong ang laki ng impact ng ginawa kong pag iwan sayo. Hindi kita iniwan dahil kulang ka, iniwan kita kasi ako ang may mali. I was diagnosed with stage 3 acute lymphocytic leukemia and the doctor gave me 2 survival years mahal at pasensya na kung naduwag akong sabihin sayo, ayaw ko kasing makikita mo akong nagkakaganito. Kaya pinili kong saktan ka. But now, you have Kaileia, ipagkakatiwala kita sa kanya mahal. Mag iingat ka palagi at sa huling pagkakataon patawarin mo ako mahal ko, mahal na mahal kita.

Sincerely,
Your wife

Pagdating na pagdating n'ya sasabihin ko na sa kanya.

***********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon