CHAPTER 30
"Ate ibabalik na raw ulit sa bahay ang anak mo." Napahinga ako nang maluwag. He's been there for how many days at ngayon makakauwi na siya. I'm so happy.
"Sige, sige thank you! Pupuntahan ko siya mamaya. Tell him I love him so mucjh!" Masaya kong saad. I took a sip of my coffee and smiled happily. Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa napakagandang balitang natanggap ko ngayong araw. Mabilis kong inubos ang iniinom ko at tumayo. Kailangan kong puntahan ang anak ko.
"You won't leave this house Raya. Uulitin ko, hindi ka aalis." A voice from my back sternly said. Hindi ako lumingon at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Noong aalis na sana ako hinawakan n'ya nang mahigpit ang braso ko kaya napadaing ako.
"Uulitin ko. Hindi ka aalis sa bahay na ito Raya." Matigas ang boses n'ya. I felt like he is stating his authority and I don't like it. He's not my boss to begin with.
"Aalis ako kung kailan ko gusto Gozu at hinding hindi mo ako mapipigilan." Madiing saad ko. With all my force winakli ko ang kamay n'yang nakahawak sa braso ko.
"You're still my wife Raya. Susundin mo kung ano ang sasabihin ko." He sternly replied. Lumapit ako sa kanya at sinampal siya. Gulat na gulat ang mukha n'ya. Ni minsan noong kami pa, hinding hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay pero punong puno na ako sa kanya.
"Yes I am your wife but I am not your fucking possession Gozu! Just sign that damn papers and leave me alone!" Sigaw ko sabay alis sa kinatatayuan ko.
I left his house, ni hindi ako tumingin sa kanya noong tawagin n'ya ang pangalan ko. Hinding hindi n'ya ako mapipigilan.
Nauna na sa bahay ang anak ko and I'm going there. Kung hindi pa sana nangyayari ito maybe magkasama kami ngayon. Dumating na ako and I found Yhuri taking care of my son.
"How's my baby?" Ngiti lang ang tanging naibibigay n'ya sa akin dahil hinang hina pa siya.
"Don't worry anak, once mommy is done with all her problems aalis na tayo rito. Ipapagamot kita." Mahinahon kong saad at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. I miss my son so much.
"Wag na wag mo na ulit gawin 'yon kay mommy ha? Takot na takot si mommy anak. Huwag mo akong iwan ha? Mamamatay ako anak. I love you so much baby." Umalis ako sa kinaroroonan n'ya at kinausap si Yhuri.
"He's improving, I can see it everyday po. Lumalaban siya dahil sa'yo." Yhuri said and I smiled. Ako rin lalaban ako para sa anak ko. Hindi man siya sa akin nanggaling pero mamahalin ko siya na parang akin.
Tumigil muna ako ng ilang oras sa bahay, I miss my son so much. Ako muna ang nag alaga sa kanya ngayon. Umalis ako nang matanggap ko ang tawag galing kay Josh. Right, hindi nga pala kami nakapag usap pagkatapos noon. It was me who kissed him and I need to apologize, he has feelings for me at hindi ko dapat pinaglalaruan 'yon.
Dumating ako sa lugar kung saan siya. It's in house pero nagulat ako dahil maraming tao. May party? Pumasok ako at hinanap kung nasaan si Josh. I found him in the kitchen, with a woman.
"Hey.." Panimula ko. They are almost kissing pero lumayo kaagad si Josh nang makita ako. Yumuko ako bago ngumiti sa kanya.
The loud music hurts my ears. Hindi ako sanay sa mga party and Josh seems to notice it. Hinawakan n'ya ako sa kamay at dinala sa likod bahay, may garden sila roon and they have a bench kaya umupo kami.
"So uhm----I just wanna apologize for what I did. I-I kissed you." Panimula ko. Tumayo siya at pumunta sa harapan ko. Hinawakan n'ya ang mukha ko at pinatingin sa kanya.
"Tell me the truth Raya, you kissed me that night para pagselosin ang asawa mo. Am I right?" Hindi ako makatingin sa mga mata n'ya. He's right, ginawa ko 'yon para pagselosin si Gozu.
"But you told me you hate him Raya. You told me that hahahah kaya nga nanliligaw parin ako sayo kasi umasa ako." Mabilis akong tumayo at niyakap siya.
"I'm sorry Josh, I'm sorry patawarin mo ako." Mahina kong saad habang nakayakap sa kanya. Tumulo na rin ang mga luha ko, he doesn't deserve this.
Hinawakan n'ya ang dalawa kong balikat at nilayo ako sa kanya. Nilagay n'ya ang kanyang kamay sa mukha ko.
"Whatever you're dealing with your husband right now, pag usapan n'yo. Ang dami na kasing nadamay sa inyo. Wag kang manggamit ng iba habang siya pa ang mahal mo. Sobrang sakit kasi n'yan. Anyway, let's talk another time. Sobrang sakit kasi Raya." He left me. Napaiyak ako, this is all my fault, alam ko.
Umalis na ako sa kinauupuan ko at umuwi. Sa bahay ni Gozu. Pagdating ko roon nakapatay lahat ng ilaw. Pumasok ako at binuksan ko ang ilaw. Gulat na gulat ako nang makita ang mga basang na bote at ang mga pictures namin na nagkatag sa sahig. Nakita ko si Gozu na nakahawak ng alak at naka upo sa sahig and he looks really drunk.
"H..here you are...hahahha...you have a son?" Tumatawa n'yang saad. Lasing na lasing siya at tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Gozu you're drunk. Magpahinga ka na." Lalagpasan ko sana siya ngunit tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.
"K..kaya ayaw mo na sa akin dahil nagpaanak ka pala sa iba...what the fuck? Hindi ko alam.. you're such a...slut..." Deserve ko ba lahat ng ito? Ang sakit sakit na. What I want is a peace of mind pero hinahabol parin ako ng nakaraan ko.
Gusto ko lang naman manahimik pero bakit kung kutyain ako parang ang laki ng ginawa ko noon? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Why are they doing this to me? Pero hindi, pagod na akong tumakas. Pagod na pagod na ako. Nilingon ko siya at ngumisi.
"Yes I have a son at wala akong balak magpaliwanag sa'yo dahil wala na akong pakialam kung ano ang iisipin mo Gozu." Kasabay nang pagtalikod ko ang pagkahulog ng mga luha galing sa mga mata ko.
*************************
Hit it dudes
-MissteriousGuileHi everyone, sana suportahan n'yo rin ang Unwanted wife, it is Kaileia's story hehe.
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...