CHAPTER 17

2.6K 44 2
                                    

CHAPTER 17

Umalis ako without looking back dala dala ang maleta ko. Mabuti naman at nandito na si Kaelus dala ang taxi. With one last glance kasabay nang pag andar sa kotse at pag agos ng mga masaganang luha galing sa mga mata ko ay ang pag iwan ko sa masasayang ala-ala habang nakatira ako sa bahay na 'yan kasama ang lalaking mahal na mahal ko.

"Paalam, mahal." Mahina kong bulong kasabay ang pag agos ng mga luha ko.

Surprisingly, Kaelus held my hand. Napatingin ako sa kanya ngunit nanatiling nasa daan ang tingin n'ya. Ngumiti nalang ako ng malungkot at yumuko sabay tinitigan ang kamay kong hawak n'ya.

"I only have one favor Raya. Please try all the sessions of chemotherapy. You lost your hope without even trying. The treatment facility only gave you one session kasi ayaw mo. Paano ka gagaling n'yan? Ano pa bang mawala sayo?" Bumitaw ako sa kamay niya at tumingin sa bintana.

"I'm tired Kaelus, pagod na akong umasa na gagaling pa ako. Just like my mother, umasa siya ngunit anong nangyari? She left this world feeling disappointed. Now that my husband is gone, what's the purpose of my life now?" Mahina kong tugon. Tumingin na lamang ako sa mga daan at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.

"Come on Raya, you're not your mother. Hindi ibig sabihin na mangyayari sa'yo ang nangyari sa kanya. At pwede ba? Your husband is not your world. Stop being so dependent on him. Now that he heard your side of the story, what did he do? Huh?" Tumulo ulit ang luha ko sa mga mata dahil alam kong totoo ang sinabi n'ya. Malungkot akong tumawa sabay tumingin sa kanyang mga mata.

"Kung tatapusin ko ang apat na session na 'yan masisigurado ba nilang gagaling ako? At isa pa saan ako kukuha ng pera? Lahat ng ipon, unti unti nang naubos sa pagpapagamot ko. So tell me, ano pang magagawa ko kung kapalaran ko na ito?" Napatitig siya sa akin kaya napatawa ako ng mapakla sabay umiling iling.

"Don't make suggestions I can't afford Kaelus."

Days passed at ang lala na ng sakit ko. Unti unti kong tinatanggap na mamatay na ako. Nakahingi na ako ng tawad kay Gozu at balang araw baka mapatawad na n'ya ako so I can leave this earth in peace. I am just thinking about my future when someone barged into my room. Nagulat ako nang makitang ang doktor na ito pala ang gumamot sa akin noong nahimatay ako. What is he doing here? At sino ang mga kasama n'ya? May kasama siyang tatlong lalaki at lahat sila ay magkakamukha at sa tingin ko ay mas bata sa akin ng ilang taon.

"Is that her?"

"She's pretty!"

"Look at her face, she's so pale."

"Gosh naman kunin na natin siya rito look at her she's really sick."

"Aww super nakakaawa."

"She doesn't look like you."

Napakunot noo ako sa iba't ibang sinabi nila tungkol sa akin. Sino ba 'tong mga taong ito at ano ang ginagawa nila sa kwarto ko?

"H-hi, naalala mo pa ba ako?" Panimula ng doktor. Pumasok silang lahat at sinarado ang pintuan.

"Ah hello po, sino po sila?" Mahinang tanong ko. I am really clueless.

Naguguluhan ako nang dahan dahang umupo sa paanan ko at hinawakan ang kamay ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa n'ya habang nakatingin lang sa amin ang mga kasama n'ya.

"I've been looking for you everywhere......anak." Tila lumaki ang tenga ko sa pang huli n'yang sinabi. Anong anak?

"Nagkakamali po ata kayo. Hindi po ako ang anak n'yo." Mabilis kong saad, alam kong nagkakamali lang ang lalaking nasa harap ko. Ngunit umiling iling siya at unti unting tumulo ang mga luha n'ya.

"N-no, hindi ako nagkakamali. You're my daughter....Eya Elfora's daughter. I-I'm Rafoldo Baldumerou and we named you. Y-your Ra came from my RAfoldo and your YA came from EYA. Raya...anak. I-I finally found you after so many years." Napalunok ako dahil sa sinabi n'ya. T-that's my mother. Paano n'ya nalaman ang pangalan ng ina ko?

B-but my mother said my father died because of a cancer at hindi n'ya alam kung saan ito inilibing dahil ayaw sa kanya ng pamilya nito kaya wala akong middle name dahil apilyedo n'ya ang dala ko kasi ayaw ng pamilya nitong gamitin ang surname ng tatay ko.

"They are your younger siblings from me." Ngumiti sa akin ang mga kasama nila at lumapit. They gave a curious look at tila detective na nag inspection sa mukha ko. Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin ulit sa lalaking kaharap ko ngayon. His eyes, parang nagmamakaawang pakinggan ko siya. Hindi ko naiintindihan, litong lito na ako sa lahat.

"B-but.....I don't understand...ang sabi ni mama patay na raw ang ama ko be----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko sana dahil mabilis siyang nagsalita.

"Let me talk....anak." It feels weird na tawagin n'ya akong ganun kaya tumango nalang ako.

"First of all I am Rafoldo Baldumerou, the owner of Merou construction. Our business is really known in Australia. I'm a hematologist-oncologist or a blood cancer doctor. I was just a visiting doctor from Australia at nagpapasalamat akong dahil doon nakita kita." Litong lito parin ako sa mga nangyayari sa paligid ko kaya wala akong sinabi, nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

"All of them are your brother, Sea Baldumerou, Ocean Baldumerou and Wave Baldumerou. They are triplets and 5 years younger than you. Yes they have weird names but their mother is really a fan of oceans kaya ganyan ang pinangalan sa kanila." With all these things tila hindi ko na alam kung ano ang paniwalaan ko. Tila nakita n'yang litong lito na ako at hindi makapaniwala, bumuntong hininga siya at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Let me explain please." Dahan dahan nalang akong tumango dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Tanggap ko na eh, tanggap ko nang mamamatay ako ngunit bakit may ganito?

************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

IGNORED WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon