CHAPTER 9
Nagising ako dahil sa basang telang humahaplos sa balat ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong si Gozu ang may gawa. Mabilis niyang itinigil nang makitang gising na ako.
"Finally gising ka na. Anyway, I need you to ask for forgiveness to Kaileia. What you did back there was stupid. Nakakahiya sa bisita ko." He blurted out. Tila may bumara sa lalamunan ko dahil sa kanyang sinabi. I was too stunned to speak.
Tumitig siya sa akin at wala akong nakitang kahit anong awa. Pero bakit n'ya ako pinunasan kung hindi man lang siya naawa? Stop it Raya, stop your illusion! He doesn't love you anymore.
"Pero hindi ko sinadya 'yon. M-masakit a-ang katawan ko at hindi ko sinadyang ihulog 'yon." I wiped my own tears na kanina pa tumutulo. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"You thought I will believe you?" Nilapit n'ya sa akin ang kanyang mukha at nagsalita. "Kahit sinadya mo man o hindi the damage has been done. Hindi mo na maibabalik ang nangyari at hinding hindi mo na maayos kahit anong gawin mo." His words pierced through my heart. Tama ang sinabi n'ya, kahit ano pang gawin ko para ayusin ang lahat nangyari na ang mga nangyari.
"Why are you crying? Stop acting like you're the victim here Raya. Now, lumabas ka humingi ng tawad sa kanya dahil sa katangahang ginawa mo." Lumayo siya at umupo sa stool sa harap ko. I can't take this anymore.
"It's not my fault! Bakit mo ba ako ginaganito!?" I blurted out. Hindi ko na kasi kaya, lahat ng sakit naipon na sa dibdib ko. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko ngayon. Tila wala akong karapatang sumaya. Marahas kong pinahiran ang luha ko at malungkot na tumingin sa kanya.
"Do you like that woman? Bakit kung ituring mo ako parang wala lang sayo ang nararamdaman ko. Kung ituring mo ako ngayon wala lang. Isa lang akong walang kwentang nilalang." Saad ko at humagulgol, nahihirapan na rin akong huminga pero pinipigilan ko ang sarili kong gumawa ng kung anong expression na nasasaktan ako o nahihirapan dahil sa sakit ko. He looked at me dead in the eyes and said.
"Yes I like her, she's fun to be with. She's kind, she's gorgeous and she's nothing like you." He made a statement that made my world collapsed upside down. Ang sakit sakit.
"Anong nangyari sayo? Anong nangyari sa lalaking minahal ko noon? You changed. Hindi na kita kilala." I sadly asked. Nagbago ang expression n'ya ngunit ilang minuto ang lumipas napalitan ito ng isang galit na expression.
Nagulat ako dahil sa paghalakhak n'ya. Isang halakhak na puno ng pait at sakit. Tila may kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko masabi.
"It was you who made me like this. Remember when I was begging on you not to leave me? Naalala mo noong lumuhod ako para huwag mo lang akong iwan? Remember what you told me?" Pinikit n'ya ang kanyang mga mata at may isang luha ang nahulog dito. I really hurt him, it was me who made him a monster.
"You're no fun to me now Gozu. Ayaw ko na sa'yo. Let me go." He mimicked me at sa paraan ng kanyang pagsasalita mararamdaman mong sobra siyang nasaktan sa sinabi ko.
It was supposed to be our night, it was supposed to be happy ngunit may natanggap akong balita. Ang balita kung saan sumira sa relasyon namin. Tinawagan ako ng doktor my results came out and I was diagnosed with stage 3 acute lymphocytic leukemia and the doctor gave me 2 survival years. Tila bumalik sa ala-ala ko ang nangyari noon.
"Please Raya, love. Don't leave me please." Umiiyak na nakaluhod sa harap ko si Gozu, he's crying and begging for me not to leave him. Pero anong magagawa ko? Kailangan ko 'tong gawin para sa amin.
"You're no fun to me now Gozu. Ayaw ko na sa'yo. Let me go." I told him coldly without blinking an eye. Kailangan n'ya akong kamuhian, kailangan n'yang maghanap ng iba kasi hindi ko kayang ibigay sa kanya ang bagay na gustong gusto n'ya.
"Please, gagawin ko lahat ng gusto mo. I'll give you everything you want from clothes to designer bags. Just don't leave me I'm begging you. Nagmamakaawa ako mahal." Oh God I can't look at his state right now. He's crying. Hindi ko kayang pagmasdan na umiyak ang lalaking mahal na mahal ko.
"Stop it Gozu! Ayaw ko na sa'yo naiintindihan mo!? Ayaw ko na sa'yo, you're lousy in bed! You're stupid and worthless! Isa sa pinagsisisihan ko sa buong buhay ko ang pakasalan ka!" I screamed at alam kong nabasag ko siya sa sinabi kong 'yon. Pero kailangan kong gawin dahil mas mabasag siya kung ipagpapatuloy pa namin 'to.
"What did I do wrong to you? I treated you right, I treated you the way you deserve mahal. Why are you saying things like my feelings are not valid? Like you don't love me? Mahal, today's our honeymoon it should be our happiest night but I hate how it turned out like this. This is breaking me mahal." Napaupo nalang siya sa sahig habang nakasapo sa ulo n'ya.
"Maghanap ka nalang ng iba. I don't want to be with a person who's worthless." I stated coldly at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan.
"Mahal, kapag tatapak ka sa labas ng pintuang 'yan. Wala ka nang babalikan pa." Napahinto ako sa sinabi n'ya at nagsi unahang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Huminga ako ng malalim at pikit matang umalis sa bahay na sabay naming binuo kasama ang pangarap naming habambuhay na pagsasama.
"You'll hate me for this right now mahal but one day you'll understand. I love you so much, goodbye."
Tumulo ang mga luha ko, his pain made me cry. Mali ang desisyon kong gawin iyon but I'm here now. Ginawa ko naman ang lahat para maging maayos kami o kahit man lang mapatawad n'ya ako. Hindi ko alam na ganito pala kasakit.
'Yong tipong ikaw nalang ang lumalaban para sa sa inyong dalawa dahil sumuko na siya.
"You remember it now? At naalala mo ba kung ano ang sinabi ko bago ka umalis?" Pinahiran n'ya ang luhang nahulog galing sa mga mata n'ya at nagsalita.
"Mahal, kapag tatapak ka sa labas ng pintuang 'yan. Wala ka nang babalikan pa. Nagulat nga ako noong bumalik ka. Kilala mo ako, I am a man of my words. Wala ka nang babalikan pa sa akin Raya might as well kung ano ang binabalak mo ngayon itigil mo nalang 'yan dahil masasaktan ka lang." He said in an icy voice. Sinabi n'ya 'yon habang walang emosyong nakatitig sa mga mata kong lumuluha. Am I too late to mend this relationship?
************************
Hit it dudes
-MissteriousGuile
BINABASA MO ANG
IGNORED WIFE (COMPLETED)
RomanceTHE WIFE'S GRIEF SERIES #2 Raya Elfora left Gozu Eldefonso on their honeymoon. Iniwan n'ya ang kanyang asawa sa araw kung saan dapat sila ay masaya. She left him crying and begging not to leave him. Fate played them really well because now she's bac...
