LUNES, naghalungkat ako ng mga lumang gamit sa lumang baul. Nakita ko doon ang isang lumang photo album na naglalaman ng aking mga sinaunang larawan.
Sa isa sa mga piktyur, kasama ko ang mama ko, ang papa ko, at ang mga kapatid ko habang masayang naka-pose sa aming lumang sala. Habang pinagmamasdan ang nasabing larawan, muntik na akong maiyak...
Sabi ko na nga ba mukha akong patatas nung bata!
MARTES, nakaapak ako ng "jackpot" ng aso. Pero dahil mabait akong bata, pinahid ko 'yung tsinelas ko sa gate ng kapitbahay. #SoRryPfhoewsxczxs
MIYERKULES, naglinis ako ng bahay. Nakakita ako ng limampiso. #HappinessOverload #PambiliNgChocNut (≧∇≦)/
HUWEBES, madaling araw nang bumaba ako sa sala upang sundin ang tawag ng kalikasan. Doon, naabutan kong natutulog ang mama ko sa sofa, walang kumot at wala ring unan. Kaya ginawa ko ang dapat na gawin ng isang mabuting anak...
Sinulatan ko ng ballpen ang mukha ng mama ko. #GoodBoyKasiAko (-_-)y
BIYERNES, natalsikan ng Magic Sarap ang mata ko habang nagluluto ng adobo. Kaya ngayon, masarap na akong tumingin. *wink*
SABADO, tapos na akong maligo nang makakita ako ng isang halimaw sa laking gagamba na nakatambay sa pinto ng lalabasan kong banyo. Muntik na akong mahimatay sa nerbyos. Muntik lang naman. Peksman.
LINGGO, pinagalitan ako ni mama ko kasi kain ako ng kain ng fried chicken. Sabi niya, "Manok ka ng manaok baka tubuan ka na niyan ng pakpak!". Sabi ko naman, "Ikaw nga eh malungggay ka ng malunggay hindi ka naman tinutubuan ng dahon."
'Yun. Hindi kami bati. Galit parin yata siya dahil sa ginawa ko nung Huwebes.
The end.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown