Naniniwala ako na every moment in man's life is a learning opportunity. Katulad kanina, naglalakad ako when I saw a 25-cents coin sitting idly on my path.
Knowing that every centavo is important, I looked at it and thought of picking it up. But then I realized, is it really worth the effort? 25 cents lang naman 'yun pupulutin ko pa ba? Parang lugi pa yata ako sa pagyuko. And besides, I was kind of in a hurry running an errand after all.
Lalagpasan ko na sana pero agad ko ring naisip na sayang. No matter how small, pera pa rin 'yun. Hindi makukumpleto ang isang milyon kung walang bente-singko sentabos... pero parang nakakatamad talagang pulutin. Hindi bale sana kung isandaang piso ang nakita ko, 'di ba? E 25 cents lang. Ano bang mabibili ko roon? Kahit balat ng white rabbit hindi ako makakabili. Pero sayang talaga ang pera. Hindi dapat 'yun basta-basta binabalewala kahit na maliit lang ang halaga nito.
So, 'yun. I was just standing there, dealing with my internal turmoil, silently contemplating whether to pick the said coin or not. Ewan ko. Ilang minuto na rin yata akong nakatunganga trying to come up with an appropriate logical and reasonable justification for my next action.
Habang nasa kalagitnaan ako ng estado ng malalim at komplikadong pag-iisip dahil pa rin sa bente-singko sentabos, nagulat na lang ako nang makarinig ako ng malakas na busina ng mga sasakyan sa tagiliran ko. Nagtataka, agad naman akong lumingon sa pinagmumulan ng tunog.
Doon ko napagtanto na meron palang tatlong tricycle na nakahinto sakay ang mga driver at pasaherong mukhang hindi natutuwa sa nangyayari. Dahil mukhang naglalangitngit na sila sa sobrang badtrip, agad na akong nagpatuloy sa paglalakad without minding the coin.
Natutunan ko noong mga sandaling iyon na kung may gagawin kang desisyon o 'di kaya'y mag-iisip ka, siguraduhin mong wala ka sa gitna ng kalsada.
BINABASA MO ANG
BALIK-TANAW
RandomBalik-tanaw sa mga kwento ng buhay na parang tanga lang. #baliktanaw #otobayograpi #brown